" I love you since 1892 (poem) "
Naalala nyo pa ba ang istoryang minahal natin?
Ang istoryang nagbigay ng halo halong emosyon satin?
Galit, lungkot, saya, at paghanga.
Salamat. Salamat sa magandang binibini na gumawa ng istoryang mamahalin namin.
UndeniablyGorgeous, ikaw, ikaw ang nagsulat ng istoryang aming mamahalin. Ikaw ang gumawa kay Juanito Alfonso at Carmela Isabella. Ikaw ang nagbigay ng masasayang ala ala ng kwentong ito.
Juanito. Lalaking minahal ni carmela ng di sadya. Lalaking aming hinahangaan.
Carmela. Carmela babaeng bitter ngunit ng mapunta sa panahon ni juanito. Natutong umibig.Maraming salamat sa lahat ng iyong binigay na karakter binibining mia! Aming minahal at sinubaybayan ang iyong napakagandang istoryo,
Ngunit hindi ko lubos akalain na ang magandang imahe ng librong iyong isinulat ay isang mapait na kwento ng pagiibigan. Nagmahalan, naubusan ng oras, bumalik sa panahon nila at hindi na nagmahal pa ng ibang lalaki.
Maraming iyak ang aming ibinuhos dahil sa katotohanang si Carmela at Juanito ang nagpa totoo ng salitang Pinagtagpo ngunit hindi Itinadhana.
Pinaglaruan ni tadhana oo pero kahit ganon ay walang kasing ganda. Kasing ganda ang istoryang iyong ginawa. Maraming salamat Binibining Mia!