Alaina's POV
Nakatulala lang ako sa kawalan. Nir-recall lahat ng nangyari kanina. Hindi parin ako makapaniwala sa nakita ko. First time yun! Kainis, yung mata ko!
“Hoy Alaina! Kanina pa kita hinahagilap. Andito ka lang pala. San ka ba nagpupupunta? Ha?!”
Nakaka-asar. Sa pambabaeng likuran naman yun pa'no nakapasok yung lalaking mayabang na yun? Ano siya? Papasok na lang kung gusto niya?
“Hoy, nangyare sa'yo?”
'Di kaya tomboy yun? Tapos nagparetoke lang? Tsk. Niloloko ko ba sarili ko? Boses pa lang lalaki na.
“Hey Alaina, are you okay?”
Kapag talaga nakita ko ulit yung lalaking yun o kung ano man gender 'non, kakalbuhin at mapapatay ko yun! Aish. Kaasar.
May sumampal sakin. “Aray naman!” pabalang kong reklamo.
Tama po ang pagkakabasa mo. Sinampal talag ako kaya nabalik ako sa realidad. Naputol tuloy yung pagpaplano ko kapag nagkita kami nung mayabang na 'yon kung sakali.
“Babaita! Anong nangyare sa'yo? Kanina pa kita tinatawagan oh. Alam mo bang nalibot ko 'tong buong cafe!” iritang sabi ni Kesha habang pinapakita ang phone niya na nagpapatunay na dinagsa niya ako ng tawag at messages.
Bumuntong-hininga ako. “Wala naman. Nagcomfort room lang...” Sagot ko sa tonong walang gana.
“Ikaw a. Baka naman sinundan mo yung katabi mo kanina tapos tinanong mo yung pangalan?” nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa kanyang mukha. Tinabihan pa niya ako't sinundot-sundot sa tagiliran. Inirapan ko nga.
“Yuck. 'Wag ka ngang gumawa ng kwento. Hindi ko gagawin yun 'no.” pinandirian ko pa siya ng tingin pero nawala rin ito ng may maalala ako. “At ikaw babaita, anong oras ka na nakarating? Halika dito't maturuan ka ng leksyon.”
Lumipat siya papunta sa kanyang kina-uupuan kanina sabay nag-peace sign. “Eto naman, dina-divert yung topic. Pinaghanap mo din kaya ako! Quits lang” pagdadahilan niya tsaka siya sumandal sa upuan.
Palagi na lang talagang late 'to di pa ako nasanay. “Bumenta Kesha, bumenta.” may pagkasarkastiko kong saad.
Napasimangot na lamang ito, ako naman ay tinawanan lang siya. Ang cute kasi niya, sarap putulin ng nguso HAHAHA.
“Alam mo Laina para kang sira, paiba-iba expression mo. Meron ka ba?” Timingin siya sakin ng nawiwirduhan.
“Tss. Wala a! Hahaha. Nga pala, anong nakain mo at niyaya mo ako dito?” tanong ko habang sumisimsim ng frappé na in-order ko kani-kanina lang. May binulong pa siya sa kanyang gilid na 'di ko marinig.
“May sinasabi ka?”
“Walaa. Miss lang naman kita. Goodluck din sa bago mong trabaho.” Sabi niya sabay agaw at nakiinom ng frappé ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Kanino mo naman nalaman?” nagtataka kong tanong.
BINABASA MO ANG
Troble Love: Cruizon University
Teen FictionDescription A girl didn't believe in love between women and men. Girl that you can't reject because of her beauty. The girl that loves crime and loves to figure out who did that and to find out hidden informations. Well, eventually she's a detecti...