PANTASYA

113 2 0
                                    

Ako'y mambabasang binibini
Nabighani sa kuwentong nakawiwili
Dayo lamang sa mundo ng pantasya
Ang lugar kung saan naroroon ka

Aking natuklasan, lalaki ubod ng kagwapuhan
Ginoong Juanito ang pangalan
Sa babae may respeto, puno ng kabaitan
Karapat-dapat lang tularan ng mga kalalakihan

Bilang magiliw na binibini
Hanap ko ay marangal na lalaki
Ikaw sana ay tamang tama
Ngunit karakter ka lang pala sa isang katha

Nakakalungkot mang isipin
Pag-ibig ko sayo'y hindi dapat pilitin
Sapagkat hindi Diyos sayo'y lumikha
Kundi isang manunulat lamang ang gumawa

Sa bawat kabanata na aking natatapos
Pahina sa libro unti-unting nauubos
Kuwento mo ay magwawakas na
Paalam at gigising na ako mula sa pantasya.

A/N: Hi helloooo thanks for reading my poem.. By the way para sa hindi pa nakakakilala kay ginoong juanito sya po ay ang bidang lalaki sa I love you since 1892.. Lablab ko po sya haha!

POEMWhere stories live. Discover now