Pagsulyap

435 31 12
                                    

Iba ang aking nadarama,

Sa tuwing nakikita kong nakatingin ka,

Meron nga ba talagang iba?

O sadyang ako lamang ay umaasa.

Nagsimula na tayong mag-usap,

Pero di pa rin nawawala ang iyong pagsulyap,

Kung meron kang nais iparating,

Iyon ay ipagtapat mo lang sa akin.

Lumipas na ang ilang buwan,

Pero ako ay iyo pa ring tinitingnan,

Sa mga kinikilos mo ako’y kinakabahan,

Sana ay iyo ng ipaalam.

Ano ba talaga ang nais mo?

Sa mga pagsulyap mo ako ay nalilito,

May gusto k aba talaga o ano?

Ikaw lang ang makapagsasabi ng totoo.

Ilabas mo na ang gusto mong sabihin,

Para ako ay malinawan na rin,

Dahil walang mararating ang pagtingin na lihim,

Kung ito ay patuloy mo pang kikimkimin.

Walang masama kung ito ay sasabihin mo na,

Baka magkaroon pa ng magandang bunga,

O dili naman kaya ito pa ang aking ikatuwa,

At ng pagsulyap mo ay matapos na.

Poems From The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon