Tama na

16 1 0
                                    

Pano kung pinaasa ka niya?
Sa mga mabulaklak niyang salita?
Anong gagawin mo aking sinta?
Iiwas ka ba o patuloy kang aasa?

Malamang sasabihin mong iiwas ka na lamang
Ng sa gayo'y sakit ay di na muling maramdaman
Pero anong gagawin kung patuloy siyang hinahanap?
Ng puso't isip nitong dalagang patuloy na nangangarap.

Paano ba pag patuloy ka pang umasa?
Umasa na balang araw ikaw naman ang tingnan niya
Malamang masasaktan ka kasi di naman ikaw siya
Kaya hanggat maaga tatapusin mo na.

Pero meron ding gustong ipagpatuloy pa
Ang lihim na paghanga sa isang binata
Dahil kahit papano nakadarama sila ng saya
Pero pakiusap, tama na ang pagiging tanga.

Huwag ng umasa pa sa kanila
Sa taong magaling lamang sa salita at kulang sa gawa
Malamang sila ang magbibigay sakit sayo ng sobra
Kaya tumigil ka na, mahal kong dalaga.

Poems From The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon