Chapter 1
Hera Cassandra Maxwell
"Shit." She cursed out loud, stumbling on her tracks when she hit a rock.
Her whole body flew into the air and she hit the ground with a thud. Groaning at the impact from her fall, she looked at her surroundings and saw the unfamiliar path she stumbled on.
Puno ng kahoy at madilim ang daan na kaniyang napuntahan kung kaya't hindi niya nakita ang bato sa harapan. Sighing, she pushed her arms up and grabbed on the nearby tree for support.
"Lasing na nga, nasugatan pa." She said to herself as she shook her head. Standing up, she let out a low giggle when she almost stumbled again. Gosh, she was drunk. And freaking lost.
Kagagaling niya lang sa isang bar malapit sa hacienda ng ex niya na si Jake.
Pero syempre nagtanong muna siya kung ano ang pinakamabilis na daan pauwi. Sabi ng mga tao dito daw siya dumaan dahil mas madali daw siya makakaabot sa mansion. Pero kanina pa siya naglalakad at hanggang ngayon hindi pa din siya nakakarating sa mansion. Her head was aching and she was drunk. Wala din ilaw sa daan at tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbimg ilaw niya. Haist ano ba ang nangyayari sa buhay niya ngayon. She blinked her eyes twice to see clearly pero umiikot pa din ang mundo niya.
"Gosh I'm going to be sick." Nahihilo niya na sambit. Sapo ang sintudo gamit ang kabilang kamay, minasahe niya ang dumadagungdong niya na ulo habang pilit na pinapawala ang sakit. "Aish, asaan na ba ang pesteng mansion ng gungong na yun? Kanina pa ko naglalakad."
Opening her eyes again, she grabbed hold of another tree for support. "Kaya ko to. I don't need anyone's help."
Humigit siya ng malalim na hangin at pasuray-suray na naglalakad sa gitna ng daan. Puro kakahuyan at puno ng niyog ang nakikita niya. Wala na ang mga bahay na makikita niya sa centro kanina.
Asaan na ba siya? Tanong niya sa sarili. Madilim at walang ilaw ang mga poste sa daan. Sumalyap siya sa kaniyang likod upang maniguro na wala siya na kasunod. Phew wala naman. Patuloy lamang siya sa paglalakad ng makaramdam siya ng takot ng biglang lumakas ang ihip ng hangin. Binilisan niya ang kaniyang paglakad habang tumitingin sa likod niya. She was drunk and she doesn't want to die in this spooky place right now.
Patakbo na ang kaniyang paglalakad nang makarinig siya ng tampisaw ng tubig. She quickly stopped in her tracks. Breathing slowly, she angled her head to the side to look for the source. She waited for a few more seconds yet none came. Wala siya marinig kung kaya't sinimulan niya uli ang paglalakad. Ngunit makailang hakbang pa lamang siya ay narinig na naman niya ang tampisaw ng tubig.
Her brows furrowed looking for the source. Saan kaya iyon nanggagaling? She curiously asked herself. Hindi niya alam kung bakit biglang nawala ang takot niya at napalitan ng kuryusidad. Basta gusto niya malaman kung saan nanggagaling ang tunog na para ba naliligo upang makapagtanong siya ng daan pauwi.
Inilibot niya ang kaniyang mata, nang makakita siya ng isang daan na natatakpan ng mga dahom sa kaliwa. May ilaw na nanggagaling dito. Quickly, she moved the leaves aside and followed the path. Baka ito na ang daan papauwi. Tama! Baka ito na nga! Excited niya na komento sa sarili.
Mabilis siya na naglakad kabila ng madahon na daan. A few leaves amd branches swatted her in the face yet it did not hinder her from following the light. Habang mas lumalapit siya sa ilaw ay mas naririnig niya ang tampisaw sa tubig.
May beach kaya dito? O lake kaya nakakarinig siya ng tampisaw ng tubig? O may naglalaba kaya ng ganitong oras? Bulong niya sa sarili.
Patuloy siya sa paglalakad habang iniisip kung paano nagkaroon ng tubig sa lugar na ito, nang bigla siya nanigas sa kinatatayuan pakatapos maigilid ang huling dahon sa daan. Halos mamilog ang pupungay-pungay niya na mata sa nakita.