Chapter 3

8 0 0
                                    

Maaga akong gumising para maghanda. May balak kasi ako mamaya na magmanman  kay Mr. Ramirez. Tingnan ko kung ginagawa pa din ba niya ang gawain niya dati. Di ko alam if nag-ayos na ba sila ng asawa niya o kung alam na ba niya na may alam na ito sa kalukohan niya. Friday ngayon kaya alam kung magpapacar wash yon para di makita ng asawa niya ang mga dumi sa kotse niya. Bukas kasi time nilang dalawa.

Bago pumasok pumunta muna ako kung saan nagpapacarwash si Mr. Ramirez. Gamit ko lang ang motor ko ngayon at tinext ko si Marc na dalhin ang kotse niya para yon ang gamitin namin mamaya.

Maagang nagbubukas ang shop at nakita ko ang hinahanap ko.

"Morning pre." Bati ko sa anak ng may-ari ng shop.

"Oh nandito ka na naman. Di naman sa ayaw ko. Ah, morning nga din pala. Ano may trabaho ka na ba?" Tanong niya sa 'kin.

"Next week pa ako maghahanap. Alam mo namang bago lang ako dito at balak kong magsaya muna. Kaya lang baka mabitin ang pera ko pre. Pwede bang mag-extra." Sabi ko habang kinakamot ang batok ko.

"Bakit saan ka ba pupunta?" Tanong niyang nakangisi.

"May nakilala kasi akong chic pare ang ganda at ang sexy pa. Balak ko sanang yayain bukas." Sabi na nag-aastang tomboy.

"Hahaha. Grabe ka ah. Sayang type sana kita eh. Sakin ka nalang kaya makipagdate. Ako gagastos para sayo." He said with a smirk.

"Pre naman walang ganyanan. Madami pa namang babae. Sige na, isang kotse lang kahit yong tip lang yong akin. Yong malaki magtip ang ibigay mo." Napangiwi naman siya.

"Heh. Kung di ka lang cute talagang tatanggihan kita. Sige, sabi mo malaking tip. Ah yong kay Mr. Ramirez. Yon ang malaki magbigay ng tip. Pero marunong ka ba maglinis ng kotse?" Tanong niya. Ngumiti naman ako at kinindatan siya.

"Syempre. Ako pa." Sabi ko na natulala naman ito sa pagkindat ko siguro. "So deal na ha. Anong oras ba yon kung pumunta dito?" Tanong ko at parang nakabawi naman ito.

"Bakit di ka pala dito tatambay? Mga 4 pm pa yon pupunta dito. Mas makakarami ka ng pera kung simulan mo ngayong umaga." Nangungumbensi niyang sabi.

"Di pwede pre, kasi tutulungan ko pa ang nanay ko sa tindahan niya. Mamayang 4 nalang ako pupunta dito. Kaunti lang naman ang kailangan ko eh. At ayoko namang mangutang o manghingi." Paliwanag ko. Sana maniwala.

"Sige ba. Pero inom tayo maya pagnakasara ko. Ano deal?" Pahabol pa niya.

"Sige ba. Basta libre mo at hanggang 10 lang ako pwede ha." Sabi ko.

"Okay. Sige, punta ka ha. Maghahanda ako mamaya para sa inuman natin isasama ko narin ang iba kong barkada, may babae kaya masaya yon sigurado." Excited niyang sabi.

"Hahah. Sige pre, alis muna ako. Maya nalang ulit." Paalam ko.

"Sige, ingat." Paalam niyang tinanguan ko saka sumakay sa aking motor patungong presento.

Isa lang yon sa mga pagpapanggap ko. Medyo magaling ako sa mga bagay na yan kaya mas madali kong nalulutas ang kaso. Di naman sa pagmamayabang.

Pagdating ko sa presento pumarada ako sa gilid. Pinalitan ko naman ng sombrero ang helmet ko at kinuha ang bag ko kung saan nakalagay ang uniform ko. Baka kailanganin kaya lagi kong dala. Tiningnan ko muna kung nakarating na ba si Marcus ngunit di ko pa makita ang itim niyang kotse. Ang nakita ko lang ay ang kay hepe at isang motorcycle na itim. Nadito na din si Jerry at ang iba kong kasamahan. Kanino kaya ang motor na to. Infairness maganda siya.

Isinaklay ko ang gym bag ko sa balikat ko at sinimulang maglakad papuntang loob.

"Oi, ikaw pala yan Lianne kala ko kung sino. Astig porma natin ah." Sabi ni kulot/Jerry nang makasalubong ko.

The Punisher Where stories live. Discover now