The Punisher Chapter 1

7 0 0
                                    

"Lianne, pakiayos nga ito. Ibalik mo sakin pagkatapos at pag-aralan mo na din ang isang to, ireport mo sakin bukas kung ano ang tingin mo sa kasong yan." Tinanggap ko ang inabot ng hepe sa'kin at inilagay sa gilid. Inayos ko muna ang iba kung gawain na di naman minamadali upang bigyan ng puwang ang bagong natanggap.

Isang buwan na ako dito at di pa ako nakakasama sa nga operasyon sa labas. Well, okay lang naman saakin kasi kakapagod din pagsalabas. Mga kasong walang katapusan ang iba nakakalimutan na lang. Grabe ang dami talagang masasamang tao. Kinuha ko ang mga papel at ipinagsama sama ko ang magkakaparehong kaso tulad ng mga nawawala na di pa natatagpuan hanggang ngayon, meron din mga hinahanap na mamamatay tao o nagnakaw.

Ano to? Bata na nawawala o kinidnap? Ah ito ang sinasabi na pag-aralan ko. Mamaya na yan unahin ko muna tong iba. Nang matapos kong gawin ang ipinapagawa tumayo na ako para ibalik ang mga ito sa hepe. Bukas pa naman ang isa kaya di ko muna yon titingnan.

"Lianne lunch na tayo. Sabay ka na samin oh." Sabi sakin ng isa kong katrabaho nang madaanan ko siya.

Nginitian ko siya, "may baon ako. Kaya sa susunod nalang. May gawain pa din ako, gusto ko kasing matapos agad para makauwi ng maaga." Paliwanag ko. Sumimangot naman ito, kaya nginitian ko nalang ulit at sinabihan ko na bukas sasama na ako.

Nang malapit na ako sa pinto ng office ni hepe nakiramdam muna ako kung may ibang tao ba na kasama ang hepe o wala bago kumatok. Kakatok na sana ako ng may magsalita.

"Please, kuya do something. Investigate my husband secretly." Sabi ng boses ng babae sa loob.

"Okay. Okay just go home already. I'll think about it." Sabi ni hepe.

"Kuya, why think? Just do it please." Sabi ulit na babae na parang magsisismula ng magtantrums.

"Geez, you're not a kid anymore. So demanding. Just go home now. I have things to do, and I have no time for your tantrums." Napangiti ako sa sabi ng hepe.

"Kuuyaaa-" pinutol naman ni hepe ang sasabihin ng babae. "Oo na. Masaya ka na. Uwi na, dali bago magbago pa isip ko. Shoo." Pagtataboy ng hepe sa kapatid niya siguro.

"Okay. Thanks. Call me okay." Sabi ng babae kaya alam kong palabas na siya. Umatras muna ako at dahan dahang naglakad papunta sa pinto. Ng malapit na ako bumukas naman ito at lumabas ang babaeng sa tingin ko nasa 40 pataas ang edad. Di maitatago ang taglay na kagandahan nito. Tumingin siya sakin at nginitian ko naman. Ngumiti din ito sakin at patuloy na naglakad palabas.

Kumatok muna ako bago pumasok. "Sir, ito na po ang pinapagawa niyo." Nakakunot ang noong tiningnan niya ako. Bigla din namang ngumiti nang makilala ako.

"Bilis ah. Sige lagay mo lang diyan." Sinunod ko naman siya. "Nga pala di mo pa naranasang magtrabaho sa labas. Gusto mo ba? May ipapagawa ako sayo. Susundan mo lang naman ang lalaking nasa litrato at irereport mo sakin kung ano ang mga pinaggagawa niya." Tiningnan niya ako ng parang sinasabi na pumayag ka na. "Ano kaya mo ba?" Ulit niya.

"Uhm. La naman pong problema sakin yan. Basta trabaho, di po ako mapili. Kailan po ba ako magsisimula?" Tanong ko sakanya. Lumaki naman ang mga mata niya at ngumiti.

"Bukas mo simulan pagkatapos ng report mo sa kasong sinasabi ko." Sabi niya sakin at tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Hinintay ko siya kung may sasabihin pa siya ngunit mukhang wala na kaya nagsimula na akong timalikod ngunit napahinto ng may sabihin siya. "Asawa yan ng kapatid ko kaya mag-iingat ka. Kilala ko yan kaya alam kong mautak yan. Gawin mo ang lahat para di ka niya mahalata."

"Makakaasa po kayo." Sabi ko at saglit ko siyang tiningnan bago tinungo ang pinto.

"Good luck!" Pahabol niya.

"Salamat." at lumabas na ako ng tuluyan habang dala dala ang papel na naglalaman sa una kong operasyon. More like stalking ang gagawin ko, really. But never mind I'll do my best.

After kong magreport about the missing child sinimulan ko na ang aking pagmamanman kay Mr. Bryan Ramirez, asawa ng kapatid ni hepe.

I'm using my motorcycle so I can stalk him wherever he goes. It's easier than the car which grabs too much attention. Tumambay ako sa tindahan malapit sa bahay nila. Alam kong nasa loob pa siya kasi maaga pa at ang alam ko 9 am na siya kung umalis ng bahay. Humihigop ako ng kape habang patingin tingin ng lihim sa gate at kunwari ding may katext sa cp. Pasimple akong tumingin sa gate ng ito'y bumukas at dahan dahang lumabas ang magara na puting kotse. Walang duda ang target ko nga lalabas kasi bukas ang bintana ng driver seat at nakita ko siya na kinakausap ang guard. Nagkunwari akong may tinawagan at sinabing papunta na kaya nagbayad na ako sa iorder ko na kape at tinapay. Sumakay na din ako sa motor ko at nagkunwaring may inaayos sa bag habang hinihintay ang paalis ng kotse.

Pumunta siya sa office niya at don ko isinaga ang paglagay ng tracker sa kotse niya. Para alam ko kung saan siya at di ko kailangang bumuntot lagi mahirap na baka mahuli pa ako.

Sa isang linggo kong pagsusubaybay sakanya nalaman ko na ang mga schedule niya tulad ng pagpapa carwash at pagbibisita sa club, pangbababae, pakikipagkita sa mga barkada, at ang time niya sa asawa niya o kung anong oras siya umuuwi. Unti unti ko na ding inembestigahan ang mga babae niya. Ang iba bayaran lang habang ang iba ay girlfriend talaga ang turing. Syempre may ibedinsiya ako, litrato o simpleng record na kinuha ko ng palihim.

"Well done Miss Julianne. Ngayon alam ko na ang ginagawang panluloko ng lalaking ito sa kapatid ko. I can't believe this. All this time. What the heck is his problem hooking up with these sluts. How can I say this to my sister." Problemadong saad ni hepe.

"Would you like me to dig deeper?" Sabi ko. Napatingin siya saakin. I know that there are more about this guy.

"No, no this is enough. I'll just talk to my sister to fix this. Maybe there's a reason behind this that I might find from my sister." Sabi niya, "after all my sister might be lacking of something." Pahabol niya.

"But sir, I want to finish this. I mean, one week is not enough. I barely know the other woman. I want to know about their reason why would they engage their life with this kind of guy." I said seriously. I want to continue this.

"Okay but, secretly. We're not gonna tell my sister. And be careful. And wait, I want you to join Marcus finding the missing child. More people is needed. It's been almost two weeks but no news about that case." Sabi niya natuwa naman ako kasi hawak ko pa rin ang case ni Mr. Ramirez. "Do not focus on Bryan. This kid is more important. Only God knows where this kid is right now."

"Of course sir. I'll do my best." And it's not only God knows but, the people who have taken the kid surely knows. "Can I go now? I have to talk to Marcus about the case." I said.

"Okay that's all. You may go now. Thanks for this." He said with a genuine smile.

"No problem sir." I said before closing the door outside from his office.

"Marcus!" Tawag ko wala kasi don sa table niya. "Jerry, nakita mo ba si Marcus?" Tanong ko sa kulot naming kasama. Usually wala ito sa loob dahil laging kasama sa mga operasyon nila sa labas.

"Nasa labas nagyoyosi ata. Bakit?" Pahabol pa niyang tanong na nakangisi at tumataas baba pa ang kilay.

"You're not cute. Knock it off." Tinalikuran ko nalang siya bago humirit pa sa kanyang ship saamin ni Marcus.

Paliko na ako sa isang hall kung saan ang pinto papuntang labas nang may biglang sumulpot naman papunta sa hall kung saan ako, at syempre di ko inaakala kaya nakabungguan kami.

"Ouch." Sabi ko. Sakit kasi sa pwet. Bumagsak ako, pano parang pader ang binangga ko.

"Sorry. Here, I'll help you." Sabi ng lalaking nakabangga ko. Inabot niya ang kamay niya sakin kaya tiningnan ko siya.

Napatigil ako saglit dahil alam kong nakita ko na ang lalaking ito. Di ko makakalimutan ang pangyayaring yon. "No thanks. I can manage." Tumayo ako at iniwan ang lalaki para ipagpatuloy ang paghahanap kay Marcus. Buti nalang di niya ako maalala.

"Snob." Rinig kong sabi ng lalaki kaya lumingon ako sakanya na nakatingin pa din sakin.

"So annoying." Bulong ko at ipinagpatuloy ang paglalakad

The Punisher Where stories live. Discover now