TP Chapter 4

10 0 0
                                    

"Huh? Sir ba't ko naman po yan bubuksan? I mean I know it must be your personal thing, so I just moved it." I said innocently.

"I'm sorry. I didn't mean it that way. Like, to accuse you. You look so sweet to be doing that anyway. So how was it. Did you clean it good?" Kalmado niyang sabi at ngumiti na din ng nginitian ko.

"Of course sir. Have a look. See, looks like new." Pagyayabang kong sabi.

"Great. You really did well. And as I was saying you'll get bigger tip. Where's Dan?" He said amused.

Nag-usap sila ni Dan saglit habang nagbabayad siya. Malaki din ang binigay sakin. Mukhang mabait naman siya palabiro pa at parang normal lang na tao. Ba't ba kasi to nambabae? Maganda naman asawa niya.

Sinabi niya ring balak niyang yayain ang asawa niyang makipag date bukas kaya niya pinalinis to. Tsk. Alam ko na yan.

Tinulungan ko na si Dan sa iba hanggang sa magsara ang shop. Maaga siyang nagsasara pag ganitong araw. Bibigyan pa nga niya sana ako ng pera pero tumanggi na ako sabi ko idagdag nalang sa iinumin namin o sa pagkain mamaya.

Mga seven na ng gabi kami nakarating sa bahay nila Dan. Nilalakad lang naman mula sa shop pero nakamotor kami pareho papunta don. Nakahanda na ang hapunan pagdating namin. Pinauwi ni Dan ang katulong nila dahil kami na daw bahala sa bahay la din naman parents niya dito dahil nasa Maynila ang mga ito.

"Gusto mo bang manood ng movie o di kaya maglaro? La pa sila eh, pero padating naman daw ang mga iyon." Sabi niya habang iniaabot sakin ang juice na kinuha niya. Nasa sala kasi kami at nakaharap sa malaking tv.

"Movie nalang. Horror o di kaya action o mystery.. wag lang romance ang korni non eh." Sabi ko pagkatapos ng isang higop ng orange juice. Gusto ko sana game kaya lang tinatamad na ang mga kamay ko.

"Sige horror nalang." He said with a smirk. Kala siguro nito matatakot ako.

Mga ten minutes ng panonood namin nagtext ang friends niya na di na daw sila kakain dito kasi mga eight pa daw sila makakarating kaya nauna na kaming kumin.

"Kain ka lang ng marami para walang matira." Sabi niya bago kagatin ang fried chicken.

"Oo ba. But do not expect me to finish these all." Sabi ko habang tinuturo ang panglimang tao na pagkain.

Pagkatapos naming kumain sinabihan ko siya na iligpit nalang namin ang food at saka maghugas. Ayaw pa nga niya eh kasi ang katulong nalang bukas raw ang bahala. Binatukan ko nga. Ano gusto niya masira pagkain. Mga mapera talaga halos lahat spoiled. Lang paki sa mahihirap.

Dahil sa kakulitan at kalokohan ni Dan nabasa ang damit at pants ko kaya humiram ako sakany ng shorts at t-shirt.

"O ayan, maiksi at medyo maliit sakin yan kaya sayo na. One time ko lang nasuot yan at la naman akong germs o amoy sa kilikili." Natatawa pa niyang sabi.

"Talaga lang ha." Nakasimangot kong hinablot ang damit.

"Wag ka ng magalit. Bati na tayo please sorry na po." Sabi at ginulo pa ang buhok kong maiksi.

"Hey stop that!" Hinampas ko naman siya ng damit na hawak ko.

"O sige ganito nalang, sasabihan ko ang mga friend ko na pasamahin si Anne, maganda yon at sexy pa. Para may kapartner ka naman mamaya." Hopeful niyang sabi.

"Talaga? Ah pero meron na nga akong  gusto diba. Kaya wag na." Bawi ko.

"Come on just for fun and for the night only. Just let it be a practice for you." Pahabol niya. Tiningnan ko naman siya saglit bago pumunta ng cr.

The Punisher Where stories live. Discover now