Chapter 2: First Moment

19 0 0
                                    

Mhiel POV

"Kakaumpisa palang ng Class tambak na agad yung assignment namin, walang patawad eh." narinig kong reklamo nung BFF ko na si Leny. 

Kung di nyo natatanong BFF ko yang si Leny since High School. Pareho kaming NBSB. Wala kasing nagkakamali medyo may pagkaboyish kasi kami pareho. Pareho kami ng school kaso magkaiba kami ng course na kinuha Accountancy kinuha nya while ako naman is Tourism. Kahit naman di ako ganun kaganda nabiyayaan naman ako ng tangkad at appeal. Hayaan nyo na magbuhat ng bangko. POV ko ito eh lubusin ko na.

Natigil ang pagiisip ko ng mapadako ang mata ko sa isang pamilyar na anyo. Bago pa ko makaiwas eh palapit na sya sa direction namin. Ba't ba ang cute nya at nakakainspire yung smile nya parang wala syang problem. oh God! ultimate crush ko na yata sya.

"Oy! best, ung crush mo ayan na oh." bulong ni Leny sabay tulak sakin kaya naman naout of balance ako. Napapikit ako kasi akala ko sa sahig ako malalaglag pero nagimulat ko yung mata ko bumilis yung tibok ng puso ko at parang nawala yung mga tao sa paligid at para kong nasa heaven with an angel smiling at me.

Imbes kasi sa sahig ako mabagsak eh nasalo ako ni UC-Ultimate Crush for short para di halata. Anu ba yan ang landi ko ah!

"Ok ka lang ba?" nakangiti pa ring sabi ni JL habang salo-salo pa din ako ng bisig nya .

"ah...eh..o.oo" nauutal kong sagot while looking in his cute face.

"Ahem! Tama na OA na oh! ok na si best. Thank you ha." sabat ni Leny istorbo eh nageenjoy pa ko kasi parang nahug ko na din sya.

"Ah! thank you saka so-rry." sabi ko sabay tayo ng maayos habang naiilang.

" It's ok. Classmate naman tayo eh. Sige una na ko ah. Take care." sabay lakad na nito paalis. 

"wah! kinikilig ako, kaw talaga best kahit kelan istorbo nakita mo namomoment pa kami eh" kinikilig na sabi ko

"oo na kaw na kinikilig, forget mo na ba nasa harap tayo ng library kumikirengkeng ka dyan." sabay batok sakin ni BFF

"Ay oo nga pala...sorry naman pagkinikilig di pwedeng magsori."

"Halika na nga, dami pa natin gagawin saka na yang lovelife" aya sakin ni BFF

Leny's POV

Wow sa wakas may POV din ako pagkakataon ko na 'to. This is really is it. before anything else let me introduce myself sa inyo malay mo sumikat ako.

I'm Leny Cruz. Simple lang ang name ko pero maganda ako. Hindi sa pabubuhat ng bangko. Bestfriend ko si Mhiel since Highschool lagi kami classmate pero nitong college eh magkaiba kami ng course ayaw kasi nya ng accountacy at ako naman ayaw ko ng tourism kahit qualified ako. Tulad ng sabi ng BFF ko NBSB kami hind sa walang nanliligaw samin wala lang kami magstuhan. Choosy eh. Hindi ko alam kung matatawa ako sa BFF ko. Iba talaga mga taste nun eh sa totoo lang di ako nagagwapuhan dun sa guy parang malambot. Like ko kasi ung mga bad boy effect kesa sa BFF ko na si Mhiel na like ay ung mga good boy and good looking guy. Sarap nga batukan masyadong halata na crush nya un. Yung moment sa library di ko un carry kasi naman kakakilabot.

**falshback**

 "Kakaumpisa palang ng Class tambak na agad yung assignment namin, walang patawad eh." reklamo ko sa BFF ko kahit lam ko lutang sya malamang ang iniisip na naman nun ay ung UC nya. 

-UC-Ultimate Crush

"Oy! best, ung crush mo ayan na oh." bulong ko sa kanya sabay tulak ko sa kanya tutal naman medyo malapit na samin si UC di ko kasi lam ung name nung Crush nya kaya naman naout of balance si BFF. Di naman sa galit ako sa kanya kundi dahil gusto ko sya magkamomment ng UC nya. Mabait akong BFF eh suportanta sya.

Habang nagmomoment sila kinikilabutan ako pano ba naman ganun ung napapanuod ko sa tv very common na. Pero mukang si BFF enjoy na enjoy my naglight bulb tuloy sa amazing brain ko.

"Ahem! Tama na OA na oh! ok na si best. Thank you ha." sabat ko sa kanila para matigil na yung kakilabot na moment nila. Di ako bitter sa kanila noh. I have my own moment din wag nga lang makarma at biglang sirain ni BFF ung moment ko din.

"wah! kinikilig ako, kaw talaga best kahit kelan istorbo nakita mo namomoment pa kami eh" kinikilig na sabi ni BFF with matching hampas sakin.

"oo na kaw na kinikilig, forget mo na ba nasa harap tayo ng library kumikirengkeng ka dyan." sabay batok ko kay BFF.

"Ay oo nga pala...sorry naman pagkinikilig di pwedeng magsori."

"Halika na nga, dami pa natin gagawin saka na yang lovelife" aya ko sa kanya para magtigil na sya.

Natapos ang day namin na paulit ulit sya sa pagkukwento nung nangyaring un as if naman wala ako dun di ba. Kung di nga lang kami magkaiba ng way ng house eh malamang hanggang paguwi eh un pa din ang kwento nya nakakarindi na eh...

A/N: Ayun natapos na ang Chapter 2...kampay naman dyan. Please comment naman po at pavote...Nagmamakaawa na ko sa inyo.hahhahaha....

Yung picture dyan sa gilid yan si Leny BFF ni Mhiel.

My One True Love-MOTE'LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon