Halos isang linggo rin ang nakalipas mula ng pasukan at medyo naging busy sila. Halos wala pa ring improvement sila ng UC nya. Classmate pa rin sila at hanggang dun lang sila, nahihiya din kasi sya lumapit eh baka isipin na may gusto sya dito kahit un ang totoo. Nang minsan nagkalakas sya ng loob kasi nakita nya ito na mag-isa lang. Normally kasi lagi nito kasama ang barkada nito pati si Ricky.
Mhiel’s POV
“This is it na, chance ko na ‘to. Aja!” bulong na sabi niya sa sarili.
Nakita nya ito sa corridor at mag-isa lang parang may inaantay ito habang busy sa pagkalikot sa cellphone nito. Kaya di nito napansin na palapit sya.
“Hi!” maikling sabi nya na pinipigilang wag mautal.
“Ay! Hello! Classmate kita right” nakangiting sabi ni JL
“Uhm..oo...Ano ginagawa mo dito? May inaantay ka?” nakangiting sabi din nya habang pinipigilang kiligin.
Ngunit bago pa ito makasagot ay may isang dyosa na lumapit samin at humalik sa pisngi ni JL. OO dyosa sya kasi napakaganda at ang puti nya almost perfect at nakakaboyish sya. Naguguluhan man ngunit di nya pinahalata kasi ngumiti sa kanya yung girl.
A/N: Pasingit ulit. Nasa right side yung pic ni Xandy kayo na humusga kung Dyosa talaga..
“Ah..Babe this is one of my classmate Mhiel right?” pakilala ni JL na parang di pa sigurado sa name ko.
“Oh, Hi! I’m Xandy Guiller, nice meeting you Mhiel.” Sabay lahad nito ng palad.
“Ah..eh..I’m Mhiel Olivar nice to meet you din.” Sabay tanggap nya nung kamay nito. Napakaganda talaga nito nangliliit sya at napakalambot din ng kamay nito. Parang may kumurot sa heart nya ng pagtawag ni JL ng Babe dito.
“Ah. Mhiel una na pala kami ng Girlfriend ko ah. Kita nalang tayo sa room.” Masayang sabi ni JL sa kanya na di napansin ang paglungkot ng reaction nya.
“Sige bye Mhiel, see you around.” Nakangiting sabi ni Xandy.
Bakit ganun parang ang sakit? Crush ko lang naman sya di ba saka mas bagay naman sila eh. Nakakainggit naman, wala na pala ko pag-asa sa UC ko. Dapat maging happy nalang me.
“Ay sorry---” nabiglang sabi naming pareho ng magkabungguan kami at nalaglag yung dala kong gamit.
Nang mapulot na nila yung mga gamit ay nakangiting yung guy sa kanya. He’s goodlooking naman pero syempre mas type ko pa din si UC ko kahit may GF na sya.
“Uhm..Hi! I’m Jedo and you?” masiglang sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko.
“ Huh! I need to go bye.” sabi ko sabay lakad na palayo.Ewan ko ba kung bakit parang di ko sya feel.
“See you later.” Habol na sabi nito pero di nalang nya pinansin kasi nakita nya sa may pinto ng classroom nila si JL at ang GF nitong si Xandy at ang kinashock nya nakiss ang mga ito, smack lang pero ouch sa part nya.
Habang nasa class sila halos wala sya naintindihan sa sinasabi ng Professor nila parang lumilipad yung isip nya. Nagulat nalang sya ng may pumasok na guy sa room nila.
“Hi guys, I’m Jedo Lazaro. 18 years old. Kakatransfer ko lang dito. Nice meeting you guys, hope maging close lahat tayo especially dun sa girl at the back.” Nakakalokong sabi nito sabay tingin sa kanya ako yata tintukoy nito wala naman akong katabi eh. Naghiyawan tuloy yung mga classmate ko.
“Yun oh. May bagong loveteam”
“Jedo, ako nalang pwede ba? Ang gwapo mo.”
“Nice banat pre.”
Narinig nyang sabi ng classmate namin. Hay nako talaga anu kayang trip nitong guy na ito. BV ako kaya wag sya paloko-loko ah.
“Since mukang may love interest ka kay Ms. Olivar you can sit beside her.” Kinikilig na sabi ni Ms. Simly, professor nila sa Hospitality and Tourism Subject namin. Lalo tuloy naghiyawan ung mga classmate ko, napayuko nalang ako sa hiya.
“Sabi ko sayo eh see you later” sabi nito sabay smirk.
“Tse, ewan ko sayo lakas ng trip mo ah.”
“Yan ang gusto ko sa girl eh palaban. Kaya type kita eh.”
“Huh!” di nya masyado nagets ung sinabi nito.
“Ampt..Mhiel pwede ba kitang maging future wife.” Bulong nito sa kanya kaya naman para syang kinilabutan.
“Trip mo ko?How do you know may name? ayos ah! May Future wife ka pang nalalaman dyan in your dreams.”
“Secret, Pilitin mo muna ko.”
“Mag-isa ka! Di ko naman ikakamatay kung hindi mo sasabihin eh.”
Sa halip na sumagot tinawanan lang sya nito lalo tuloy sya nainis. Broken hearted na nga sya may devil pa syang katabi. Sa buong class nila wala itong ginawa kundi ang kulitin sya kahit dinedma na nya ito. What a day naman oh.
Jedo’s POV
Whoa! Kapapasok ko lang sa story may POV agad ako ang bait talaga ni Ms. Author. May eksena agad ako. May crush ako actually love na ata eh. Kaya naman nagtransfer ako dito sa Arellano University para sundan sya and I will do anything to make her mine. Katakot ba? Pero yun talaga ang ultimate goal ko.
Habang papunta ko sa room kanina may nakabangga akong girl. From the start I know her already nagpakilala lang ako to make sure na sya nga yun.
“Hi guys, I’m Jedo Lazaro. 18 years old. Kakatransfer ko lang dito. Nice meeting you guys, hope maging close lahat tayo especially dun sa girl at the back.” Sabi ko sabay tingin sa kanya. Sinadya ko na sabihin un to caught her attention. Lalo pa ko natuwa nung maghiyawan yung mga classmate namin.
“Since mukang may love interest ka kay Ms. Olivar you can sit beside her.” Sabi nung Prof. naming buti nalang at di KJ si Ma’am Simly.
Naalala ko yung reaction nya nung sinabi ko na kung pwede ko sya maging future wife. Nakakatuwa din pala sya pag naasar. Buong class ko sya kinulit at sigurado ako na sinusumpa nya na ako. Ganun talaga motto ko kasi “The more you hate, The more you love.” Tama na nga ito kabakla na eh. Better watch out nalang.
A/N: Yun oh nakatapos ulit ng another chapter… Please comment and vote. Hope you like it. Abangan ang next Chapter… Next Chapter ko na post pic ni Jedo. Imagine po muna nyo.hehheh.
BINABASA MO ANG
My One True Love-MOTE'L
Teen FictionEveryone wish for their One True Love... Sino nga ba ang hindi db? Everyone hope that someday they find someone na mamahalin nila at magmamahal sa kanila.. Wishing for a Happy Ending Story just like a fairytale... Finding someone that you can say...