...
...
...
Dedicated kay yrah04. Wala lang. Natutuwa ako at binabasa niya lahat ng stories ko. Labyu. :*
...
...
...
Text 01
-------
June 25, 2012
-------
"Daniel! Gumising ka na! Malalate ka nanaman niyan eh!" bulyaw ni mama mula sa baba. Kainis. Inaantok pa ko eh. Lecheng school yan, panira ng tulog. Nag-unat ako sa kama at humikab ng pagkalakas-lakas.
"Daniel!" muling bulyaw ni mama.
"Opo! Gising na po!" sigaw ko pabalik. Kinuha ko na yung towel ko at pumasok sa CR. Ilang minuto lang ako naligo at lumabas na kaagad. Sinuot ko na ang uniform ko at kinuha ang cell phone ko mula sa bed side table. Hinablot ko ang bag ko at bumaba na. Linagay ko ang cell phone ko sa loob ng bulsa.
Naamoy ko ang almusal. Sinangag, hotdogs at eggs ang hinanda ni mama. Umupo na ko sa lamesa at nagsimula ng kumain.
"Bilisan mong kumain," sabi ni mama habang naglalagay siya ng hotdogs sa plato ko at binigay sa akin ang tinimpla niyang hot chocolate.
Naramdaman kong nag-vibrate ang cell phone ko. May text akong natanggap. Kinuha ko yun sa bulsa at binuksan. Hindi nakaregister ang number ng nagtext sa phonebook ko. Sino kaya ito? Bubuksan ko na sana ang text ng biglang sinabi ni mama, "Daniel...late ka na! Mamaya na ang text..."
Ay! Patay! Oo nga pala! Mamaya ko na babasahin ang text. Linagay ko ulit sa bulsa ang cell phone ko at kumain ng mabilis. After kong kumain, nagtoothbrush na ko, nagpaalam kay mama, at lumabas na ng bahay. Kinuha ko yung bike ko sa garahe at nagsimula ng pumunta sa school. Malapit lang kasi yung school sa bahay kaya nakabike lang ako kapag pumunta.
Nagtataka siguro kayo kung bakit pati cell phone ko, dala-dala ko. Ok lang kasi magdala ng cell phone sa school namin, basta hindi nakakaabala sa klase.
Nag-bell na ng dumating ako sa school. Linagay ko na ang bike ko sa parking area at kumaripas ng takbo papunta sa room ko. Whew! Buti nalang wala pa yung adviser namin.
"Pare!" sigaw ni Neil. "Muntikan ka nanamang malate."
Ngumiti ako sa kanya. "Loko!"
Naalala ko ang text na hindi ko nabasa. Wala pa naman si ma'am. Kinuha ko ang cell phone ko mula sa bulsa at binuksan ang text.
1 new message 7:08 am, 06/25/12
From: 09260816600

BINABASA MO ANG
Texts from My Future Self (Fantasy #2)
Fiksi RemajaIsang araw, nakatanggap si Daniel Padilla ng text galing sa kaniyang sarili pagkatapos ng walang taon. Lahat ng sinasabi sa text ay nagkakatotoo, kabilang na doon ang transferee student na si Kathryn Bernardo. Sabi sa text, pagkatapos ng walong taon...