Kinabukasan, masakit pa din ung ulo ko. Nagkaroon nga ako ng bukol. Buti na lang Sabado na ngayon.
Hindi ko naman iniwan kahapon si Tammy. Sabay pa din kaming umuwi. Pinilit kong magstay sa gym hanggang matapos sila. Kahit medyo napahiya ako, ayos lang. Kelangan lang maging makapal mukha paminsan-minsan. Buti na lang wala akong kakilala dun.
"Oh anong nangyari jan sa ulo mo? Bakit may bukol ka, ha? Sinong may gawa niyan sayo?" sunud-sunod na tanong ni Tammy sakin.
Andito siya sa bahay kasi kinulit ko siyang pag-usapan namin si Vaughn.
"Bestfriend, ayos lang ako. Sinubukan ko lng malaman kung sino mas matibay samin ng pintuan. Ayun mas matibay pala talaga ang pintuan, kaya ayan nakuha ko." sabay tawa ko.
"Ha! Ha! Funny bestfriend. Sarcastic yan take note. Ewan ko ano pinaggagagawa mo. Sinabi ko naman sayo mag-iingat ka lagi." pangaral sakin ni Tammy. Masyado kasi talaga yang protective.
"So yun nga Tammy, susubukan kong mapalapit kay Vaughn. Please pumayag ka na."
"Sasaktan ka lang niya Rain. Kilala mo naman siya di ba? Kahit na sobrang kahanga-hanga ang katalinuhan niya, playboy siya at sobrang yaman. Madaming magiging konplikasyon. Naiintindihan mo ba?"
"Alam ko naman yun. Pero.."
"Lorraine.."
"Please bestfriend. Kahit 3 months lang, susubukan ko lang. Kapag walang nangyaring maganda, susuko na ko, iiwasan ko na siya. Pretty please bes."
"Haay naku! Kaasar ka naman, alam mo naman na di kita matitiis. Fine! 3 months lang ah. Pero binalaan na kita, ayaw lang naman kitang maagrabyado."
Sa sobrang tuwa ko, niyakap ko na lang si Tammy. She's really a good friend of mine. I see her as my sister from another mother. She cares for me so much and so am I.
Now I'm thinking, ano kaya pwede kong gawin para mapansin niya ko? It must be something na di pa nagagawa ng iba para sa kanya.
----
Isang linggo na ang nakakalipas nang simulang payagan ako ni Tammy sa kalokohan ko. Gusto ko lang talagang subukan na mapansin ako ni Vaughn. Gusto kong malaman niya na may isang katulad ko na nag-eexist sa mundo. Gusto kong maipakita sa kanya ang paghanga ko. Hindi man ako katulad ng ibang nkapaligid sa kanya.. Hindi ko man kayang makipagsabayan sa estado nila sa buhay.. Lagi naman akong handang makasama siya sa kahit anong trip niya sa buhay. Kung magsusungit siya, madali naman akong tumahimik. Kung uminit agad ulo niya, walang problema pasensyosa naman ako. Kung manakit man siya ng puso ng mga babae, andito naman ako para ipakita sa kanya na pwde naman magseryoso, loyal kaya ako. Kung malulungkot siya, handa ko siyang pasayahin. Handa ko siyang mahalin ng buong buo basta hayaan niya lang akong ipakita at iparamdam sa kanya.
Ngaun ang final practice nila bago magsimula sa susunod na linggo ang taunang basketball competition ng mga kilalang school. Madami ang mga estudyanteng gustong manood kahit practice game lang nila. Suportado din kasi ng school ang mga ganitong klase ng extra curricular activities. At isa pa, sikat kasi ang team nila. Magagaling at lahat matitipuno. Kaya andaming fan girls ang nakaabang lagi
Naghanap na agad ako ng mauupuan, mahirap na at baka maunahan pa. Sinakto ko na gitna ang pwesto ko para kitang-kita ko sila at para madali din akong makita. Dalawang upuan ang nireserve ko, isa para sakin at ang isa pa ay kay Tammy. Sasamahan niya daw ako sa unang subok ko ng pagpapakilala.
Pagkalipas ng ilang minuto dumating na din si Tammy, kagagaling lang niya sa practice sa cheering nila. Aagad ko naman siyang bineso tanda ng aming pagbati sa isa't isa. Kung hindi beso ay yakap ang batian namin. "Hi bes! Malapit ng magsimula ang practice game. Maya-maya papasok na sigurado ang mga players." Sabi ko.
"Kaya andito na ko. Alam ko namang sobrang excited ka na sa gagawin mo." pangiting sabi niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba at hiya. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako makakagawa ng ganitong bagay.
"Mamayang second half ko na lang gagawin ah, baka madestruct si Vaughn sa gagawin ko."
Nagsilabasan na ang mga player at isa isang nagstretching. Namataan ko ang kanina ko pang hinahanap na si Vaughn. Kahit kailan di maipagkakaila na isa siya sa kapansin-pansin. Makikita sa kanyang tindig ang galing at confidence niya. Halatang handa na siya sa laban.
"Kill me now bes. Ang hot niyang tingnan sa uniform niya. Sana maisuot ko din yun balang araw." kilig na kilig kong sabi kay Tammy.
"Really? Kill bes? Kung susundin ko ang sinasabi mo baka kulang pa ng 100 buhay mo para manatili kang buhay at matapos mo ang panonood. Araw-araw mong sinasabi yan." sabay pang asar sakin.
"Hindi kaya!" pagdedeny ko sabay nguso.Tawa na lang sinagot ni Tammy sa akin.
Nagsimula ang laro at mapapansin agad kung sino ang magagaling. Mabilis ang palitan ng bola. Halos takbo papunta at pabalik lagi. Madalas team nila Vaughn ang nakakapuntos. Magaling siyang captain, binibigyan niya ng pagkakataon na makapuntos ang lahat. Pero sadyang magaling siya at halos lahat ng subok niya ay pasok sa bilang.
Nakahinga ako nang maluwag ng natapos ang first half. 21-44 na ang score pabor kina Vaughn. Natutuwa ako kasi nakikita kong mahal n mahal niya ang basketball. Bilang lang kasi sa daliri ang mga sobrang pinapahalagahan niya at kasama na dun ang basketball. Kaya naman todo suporta ko sa kanya dito.
3 minuto na lang at magsisimula na ang 2nd half ng laro. Agad naman akong tiningnan ni Tammy.
"Goodluck bes." aniya.
"This is it bes."
Kinuha ko ang jersey na sakto lang sakin na pinasadya ko pang gawin. Sa likod nakasulat ang "Martinez 18" at sa harap ay nakasulat "Vaughn My Soulmate". Agad ko itong pinatong sa suot kong simpleng puting tank top. Nakita kong may tumitingin sa mga malapit sakin pero wala na kong pakialam. Ngayon pa ba ko susuko, 3 buwan lang binigay saking palugit ni Tammy. Tsaka andito naman sa tabi ko ang bestfriend ko kaya I'm safe. Kinuha ko na din ang nakatago kong props. Pinaghirapan ko ang paggawa ng banner niya noh. Effort pa naman din ako. Sana magustuhan niya.
Nagsimula ang laro at ganadong ganado ulit ang bawat player. Nakita kong magpakawala siya ng isang 3 point shot, kaya niready ko na ang banner para itaas. Sakto naman na pumasok ang tira niya kaya agaw akong napasigaw.
"Ang galing mo #18 Martinez! I'm your number one fan!" sabay taas ng banner na may nakasulat na "Go Vaughn! You will always be the best! Win this game! ~ from your Soulmate Rain"
Nakita kong napatingin siya sa pwesto namin. Parang gusto kong bawiin ang pinaggagagawa ko pero mas mabuti na to. Wala na lang basagan ng trip. Pero part of me nababahala, hindi ko alam kung nagustuhan niya ba o ano. Hindi ko alam kung ngiti ba yung nakita ko o smirk, sana ngiti na lng para positive.
BINABASA MO ANG
Catch Me
Teen FictionI'm falling... ...catch me please Disclaimer: Photo grabbed from http://www.zerochan.net/