"Gusto ko talaga siya Tammy."
"Haay naku, huwag ka na ngang mangarap diyan. Hindi ka nyan magugustuhan. Baka nga tingnan hindi pa. Kaya kung ako sayo, huwag na."
"Pero.."
"Kara Lorraine!"
"Fine! Eto na, titigil na. Hindi na po."
Napanguso na lang ako. Nagpatuloy na lang siya sa pag-aayos ng gamit niya. Minsan talaga KJ 'yang bestfriend ko. Ssshhh, atin atin lang yun. Ganyan tlga yan si Tammy, seryoso sa mga bagay at laging realistic. Exact opposite nga daw kami. Pero mahal na mahal ko yan.
Haay. Pero gusto ko talaga siya.
Nakapangalumbaba ko nalang na pinagmasdan si Xyron habang nagpapractice ang team nila ng basketball.
"Practice na muna ko Rain. Dito ka lang ba? o may gagawin ka pa?"sabi niya.
"Dito lang ako. Aantayin na lang kita matapos." walang gana kong sabi sa kanya.
"Heto na naman tayo. Nagtatampo ka na naman. Huwag na kasi si Vaughn, ayaw kong balang araw masaktan ka. Alam mo naman di ba?" sabay kapit niya sa braso ko.
"Hmmm. Naiintindihan naman kita Tammy. Sige na, magpractice ka na. Magsisimula na yata kayo." napabuntong-hininga na lang si Tammy.
"O sige na, mamaya na lang. Pag-usapan na lng natin yan para di ka na magtampo."
"Talaga? I love you bestfriend!" sabay yakap ko sa kanya.
"Ikaw talaga. O sige, later na lang ulit." sabay alis niya patungo sa cheerdancing practice.
Cheedancer kasi yan si Tammy ng school namin. Kaya ngaun, may practice sila. Magaling siya sumayaw kaya walang kahirap-hirap sa kanya ang mapabilang sa grupo. Nagtataka nga ang iba baka daw dual personality si Tammy. Alam mo ung tipong seryoso sa lahat ng bagay tapos pag dating sa dance floor, nag-iiba. Ganyan ang bestfriend ko.
Wala pa yang boyfriend, katulad ko. Madaming may gustong manligaw kay Tammy pero di makalapit dahil naiintimidate.
Mabalik tayo sa pinagmulan ng tampo ko. Kasi naman, gusto ko talaga si Vaughn. Ayaw lang ni Tammy kasi baka daw masaktan lang ako.
Si Vaughn Kristoff Lim Martinez.
Basketball Player.
Top Student.
Mayaman -- no scratch that, he's more than that.
He's handsome, gorgeous, and almost perfect.
Masungit sa mga hindi kabilang sa tropa niya, but that what attracts girls. Kaya naman, ang dami pa ding babae ang nagkakandarapa sa kanya kahit naturingan siyang playboy.
Kasama na ako dun sa mga nagkakagusto sa kanya. Madami kami pero iilan lang ang napapansin niya. Mataas ang standards niya kahit sa mga flings niya. Isang beses pa lang siyang nagkaroon ng seryosong girlfriend pero hindi ko naman kilala, highschool pa lang yata sila nun. Mahina yata ang sources ko o baka sadyang ayaw niyang malaman ng lahat ang nakaraan niya.
Dito din sa gym ung unang kita ko sa kanya. Dito ko siya naging crush. Magaling siyang maglaro. Nakakaagaw pansin talaga. Hindi ko pa siya noon kilala, kaya tinandaan ko na lang ang nakasulat sa damit niya. Number 18 Martinez. Hindi ko alam pero noong oras na iyon, parang may nagtutulak sakin na ituon ko lang ang pansin ko sa kanya. Wala. Unang kita palang, nahulog na ko sa kanya. Crush. Like. Whatever you call it. It's impossible but I know I will not stop anymore. Martinez, ikaw ang soulmate ko. I declare that.
booogsshh..
"Aray! Sinong bumato sakin ng bola?!" sabay hawak ko sa ulo. Mukhang humiwalay yata ang ulo ko sa katawan sa sobrang lakas ng pagtama ng bola.
May nagmamadaling lumapit sakin na isa ding player. Kung di ako nagkakamali tropa to ni Vaughn.
"Miss, ayos ka lang ba? Sorry, hindi ko nasalo ang pasa ni captain." nag-aalalang sabi niya.
"Mukha ba kong ayos? Parang naalog buong utak ko." pero tama ba rinig ko? captain daw? waah! ibig sabihin galing kay Vaughn ang bolang tumama sa ulo ko. Call me crazy, pero I'll let this pass.
Tumingin ako sa gitna ng court at kitang-kita ko lahat sila nakatingin sakin. Ganun din siya. Narinig kong tinatawag niya na etong taong nasa harap ko. Then, I saw him smirk bago tumalikod ulit.
Tsk. Sungit. Dapat ikaw ang nagsosorry. Pero gusto pa din kita, kala mo ah!
"Sorry talaga Miss. Gusto mo samahan kita sa clinic?"
"No, it's okay. I'm fine. Bola lang yun. Hindi naman humiwalay ang ulo ko. Kaya ayos na ko." then I smiled at him.
"Sorry ulit. Sige miss, tawag na kasi ko."
"Okay." sabay alis na din nung kaibigan niya.
Pagtalikod nita, kinapa ko agad ung ulo. Wah! Ang sakit talaga. Anlakas pala talaga ni Vaughn. No wonder siya ang pinakamagaling sa team nila. Mukhang magkakabukol ako nito.
Hindi nakita ni Tammy ang nangyari dahil siguro sa lakas ng tugtog nila at nakatalikod pa silang nagpapractice.
Pero ansakit talaga..
BINABASA MO ANG
Catch Me
Novela JuvenilI'm falling... ...catch me please Disclaimer: Photo grabbed from http://www.zerochan.net/