Chapter 20

456 5 2
                                    


Darryl pov:

Lumipas pa ang mga araw at masasabi kong sobrang saya ko tuwing kasama ko si Eunisse.  Alam ko nadin sa sarili ko na mahal ko na nga siya in a romantic way, pero natatakot ako.  Natatakot ako sa sasabihin ng ibang tao, natatakot din ako na masaktan ko ulit si George, hindi din naman kami naguusap kong ano ba talaga kami, pag magkasama kami ini-enjoy lang namin yung moment na yun.

Aaminin ko din na yung simpleng smack lang nagiging mas intense pa ang nangyayari, pero oy!!! wala pang iba na nangyayari hangang kiss lang.  Si george naman ok kami wala naman kami naging problema simula nung nagkabati na kami.

Hindi ko din alam kong ano ba talaga nararamdaman sa akin Eunisse, hindi ko naman siya matanong nahihiya ako -.-

Malapit nadin pala pasukan namin uli hay senior na kami sa pasukan, namimiss ko nadin yung dalawang bruha, wala kasi sila dito nagbakasyon sa kani-kanilang mga grandparents. Nag-kakausap padin naman kaming tatlo pero iba padin yung magkakasama kami.

Pag wala akong magawa dito sa bahay kagaya ngayon pumupunta nalang ako sa shop ni mama para tumulong, syempre libre pagkain don, at meron pang bonus na pera hahaha ^__^

Hindi ko din alam kong napapansin ni mama na my iba sa amin ni Eunisse, pero hindi pa naman siya nagsasalita so baka wala pa.  Halos araw araw na kasi si Eunisse sa bahay ok lang naman yun kay mama kaso minsan kinakabahan padin ako, kaya pag nasa kwarto kami nagla lock na ako ng pintuan, hindi sa palagi kaming my ginagawa my time lang kasi na magkatabi kami at magkayakap.  Natural lang naman yun sa mga magkaibigan pero pag kami na yung nakita iba na siguro iisipin.

N ak sasama ka ba ngayon sa shop ??

Ang haba na pala ng iniisip ko hindi pa pala ako nakakapag bihis, sasama pala ako ngayon sa shop, busy din kasi si honey, at si George naman hangang ngayon nasa Boracay padin sila ng family niya, sinasama nga niya ako kaso sabi ko walang kasama si mama.

Saglit lang ma!!! magbibihis lang ako..

Mabilis akong pumunta sa closet ko para kumuha ng damit, napili ko nalang yung simpleng white na sando at yung denim jeans tsaka kinuha ko nadin yung pair ng vans ko na red.  At mabilis akong bumaba para pumunta kay mama.

Oh ! bat ka naka sando ??? magbihis ka don ng t-shirt at para presentable ka tignan hindi ung naka sando ka lang jan.

Huh bakit ma ano bang gagawin ko ?? sa cashier lang naman ako ah ???

Tignan mo to si mama, maka puna ng damit ko tsk.

Assistant kita ngayon no!!! madami akong iba-bake na chocolate cake at cupcakes kaya yung tshirt ang isuot mo, magdala ka na din ng extrang damit mo, diba sinabi ko na yan sayo kanina pa ???

Huh wala naman ako narinig ah ?? tsaka ma ok na to my chef jacket ka naman na etra eh kaya ipapatong ko nalang yung jacket mo para hindi ako madumihan ...

Kanina ko pa sinasabi sayo na tutulungan mo akong magbake pero parang wala kang naririnig.  Bahala ka na nga, magdala ka nalang ng extra mong damit para my pamalit ka mamaya.

Hahahahaha ok :)) saglit lang ma hintayin mo nalang ako sa kotse...

.......


May nag order pala kay mama ng 150 pcs na chocolate cupcakes at limang cakes, kaya pala kailangan niya ako.  Kadalasan kasi kaya naman na ni mama at ni ate Helena kaso ngayon medyo madami at ipi-pickup daw nila eto mamayang 3:00 pm para daw sa wedding eh.

Promises are meant to be BROKEN or not?  (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon