Prologo

53 5 5
                                    

Tang ina ang dami nila, sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo. Kailangan ko pa naman dalin 'tong pakete kay tsong kundi sintron na naman aabutin ko. Nyeta naman kasing 'tong mga parak na 'to.

"Tigil!!" Sigaw nung isa, duh hindi ako tanga 'no, kapag tumigil ako huhulihin niyo 'ko. Lumiko ako sa eskinita at tumakbo.

Oww shet dead end. Tumungtong ako sa malaking basurahan at tumalon sa pader. Teka alam ko na 'to.

Tumakbo ulit ako at nagpa ikot ikot sa eskinita. Ito ang advantage namin sa squater. Nalilito yung mga panot. Tsaka hindi ko na kailangan na kabahan.

Medyo hiningal na ako kaya umiba ako ng direksyon. Pumasok ako sa isang bahay. Naabutan ko si Aling Berta na umiiyak.

"Aling Berta si Kuko ho?" Umupo ako sa tabi niya at tinanggal ang sumbrero at hood ko. Inayos ko rin ang buhok ko at ipinusod.

"Nasa kwarto nagmemake up na naman yung bwisit na 'yon" sabi niya at pinupunasan ang mga luha.

"Hindi pa ho ba patay si Daniela?" Tanong ko rito

"Hindi pa, ere nga at mukang si Romina pa ata yung mamamatay" natawa ako ng bahagya, tumayo na ako sa pagkaka upo at pumunta sa isang pintuan at dahan dahan itong binuksan.

Natutulog si bakla. Lumabas uli ako at kinuha ang mga gamit ko tsaka tuluyang pumasok sa kwarto. Umupo ako sa papag. Mula sa bra ko inilabas ko ang isang pakete ng droga. Pinakatitigan ko ito, bakit kaya humaling na humaling dito si tsong? Mukhang hindi naman maganda naidudulot nito eh. Tapos ang mahal mahal pa, madami pa yung pisong tawas dito eh. Isinuksok ko uli ito sa bra ko at humiga sa tabi ni Kuko.


~~
Hi guys! So obviously this is my first story, please support this. Thank you! Hope you guys enjoy it.

And also a reminder and warning lang, may mga inappropriate scene sa story na 'to. So konting warning lang sa mga bata na magbabasa.

Audrey (UNTOLD HEROISM)[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon