Chapter 3[Cellphone]

16 3 12
                                    

Ano ba naman 'tong pantog na 'to. Daig pa 'yung gripo. Antagal naman kasi magklase nitong si Kuko. Magdadalawang oras na. Iniabot niya sa akin 'tong cellphone na binili niya para daw hindi ako mainip.

Nung dumako ang tingin niya sa akin ay sinabi ko na iihi ako, tumango sya kaya tumayo na ako. Malapit lang naman 'yung isa pang cr kasi nadaanan namin 'yun.

Pagpasok ko sa isang parteng walang laman ay daig ko pa ang may lakad sa bilis sa pag upo. Pero napigil ko ang ihi ko sa tunog na narinig ko. May umuungol na naman? Pagtripan ko kaya si Kuko? Ivivideo ko 'to sa cellphone niya? Wala namang mamawala, bakit hindi? Tumungtong uli ako sa bowl, pinindot ko ang video at itinutok ko sa kanila. Hindi ko masyadong itinaas dahil baka makita ako.

"Ooooohh Jake, w-what about Mitch? Uuuggghhh uummp"ungol ng babae.

"I don't know, lemme finish you first" at duon na naganap ang nakakakilabot na pangyayari.

Mas lumakas pa ang ungol ng babae na para bang wala ng kinabukasan. Pero tumigil ito at parang may pitik akong narinig.

"Serves you right, bitch" sabi ng lalaki.

Binaba ko ang cellphone ko dahil parang may mali. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Pagkalabas niya ng pinto ay kinalampag niya ang ibang parte,. Shet anong nangyayari? Tinakpan ko ang bibig ko nang madako sya sa parte ko. Tumigil sya sa pagkalampag ng pinto at nakita ko ang pagsilip niya sa ilalim.

Tahimik akong nanlalaki ang mata. Bakit iba ang pakiramdam ko? Napatingin ako sa cellphone na hawak ko. Pun yeta, may dugo sa sahig! Jusko. Pinatay ko ang pagkakavideo at hininaan ang volume. Kailangan kong makita kung ano ang nangyari, Kaya pala ang tahimik ng babae sa kabila. Hayop na lalaki na'yon, nababaliw na ba sya? Kingina mukhang pati ako mamatay, wag naman ngayon pls. Hindi pa nagbabago si Tsong, wag muna ngayon.

Sa sobraang kuryosidad ko kung ano ba talaga ang nangyari ay pinanuod ko na. Sa una ng video ay normal pa pero maya maya ay nilabas ng lalaki ang baril. May silencer ito, walang pagdadalawang isip ay binaril niya sa ulo ang babae. Shit! Kailangan kong makalabas dito. May hawak siyang baril. Isang bagsakan lang ako duon. Pero hindi pa siya umaalis, pano na? Umayos ako ng pagkakaupo. Hindi pwede 'to. Anong gagawin ko? Tang ina naman kasi eh, minsan mo na nga lang matripan pumunta sa eskwelahan tsaka kapa tatabihan ng kamalasan.

Pinakiramdaman ko ang paligid mukhang wala na sya. King ina, natatakot na ako. May paray sa tabi ko tapos may killer pa sa labas. Huminga ako ng malalim at tahimik. Dahan dahan kong tinapak ang paa ko sa sahig at iniwasan ang dugo. Binuksan ko ang pinto. Wala na nga sya. Lumabas na ako sa cr pero sa hindi kalayuan ay nakita ko sya. Namataan din niya ako, kumaripas ako ng takbo ng makita ko syang papalapit.

Jusko, tulungan niyo po ako. Sinubukan kong lumingon sa kanya pero nadapa ako. Tumilapon yung cellphone king ina naman! Pinilit kong tumayo, hayop yung paa ko! Wag naman ngayon. Sinubukan kong huminga ng malalim para hindi maiyak at makatayo ako. Dali dali akong tumakbo at pinulot ang cellphone. May mga estudyante pa sa paligid na pinagtitinginan kami. Binuksan ko yung cellphone pero ayaw magbukas. Naiiyak na ako.

Nagdahan dahan na ako nang mapansin kong parang wala ng humahabol sa akin. Nakahinto lang sya, nakatingin sa akin at para may kausap sa telepono. Tumakbo muli ako, kailangan malaman ni Kuko 'to.

"Marco! Marco!" Hiyaw at iyak ko. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay ang cellphone duon. "Makakatulong 'yan" hikbi ko.

"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong niya. Sasagot na sana ako pero may nagsalita sa speaker.

"Attention to all students and faculty members. The school is in a lockdown, teachers keep your students in the classroom. Again, Attention to all students and faculty members. The school is in a lockdown, teachers keep your students in the classroom. Keep safe everyone, and panic"

Audrey (UNTOLD HEROISM)[ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon