"Odeng, hoy Odeng, tingnan mo 'tong batang 'to. Bumangon ka na dyan, ang kapal ng mukha mo nakikitulog ka pa sa ibang bahay" itinalukbong ko ang kumot sa mukha ko. Pero hinila ni tsong. "Bumangon ka na dyan, at akin na yung pinapabili ko"
Bumangon na ako at naghikab, pinakatitigan ko ang mukha ni tsong. Panay ang paggusot nito na para bang nagpapacute. Epekto ng droga. Ang pangit, napaka pangit.
"Akin na" utos nito,
"Sandali kasi" sagot ko at kinuha na ang droga sa bra. Inabot niya ang droga sakin na parang nandidiri.
"Napaka salahula mo, dyan mo pa talaga isinuksok. Halika ka na at mahiya ka sa balat mo." Lumabas na si tsong at nilibot ko ang paningin ko. Wala si Kuko. Nagbabasa na naman siguro.
Dumiretso na ako sa labas at naabutan ko si tsong na nagpapaalam kay aling Berta.
"Sige na mare, mauna na kami. Odeng dalian mo" baling nito sa akin.
Naglalakad kami pauwi, magdidilim na pero ang ingay pa din ng mga tao. Hayst araw araw naman eh. Lahat ng ingay maririnig mo, yero, bata, mag asawa pati rin motor.
"Tsong, kailan ba tayo uuwi?" Kalabit ko sa kanya.
"Eto na nga pauwi na tayo, sira ulo ka ba?" Kaya walang swerte sa buhay 'tong matandang 'to, puro mura lumalabas sa bibig.
"Ibig kong sabihin, kailan tayo uuwi ng probinsya?"
"Umuwi man tayo sa probinsya o hindi, wala namang pinagkaiba. Mahirap tayo dun, mahirap din tayo dito" tama si tsong, wala kaming buhay kaya bakit pa ako mag iisip na umuwi "Alam mo Audrey, gayahin mo nalang 'yang tropa mong si Kuko, aba, tingnan mo, nagteacher lang sya umasenso na bigla. Pag nagtagal pa sya ng isang taon makakahanap na ng matinong tirahan 'yang mga 'yan. Kaya ikaw mag-aral ka nalang"
"Wala naman akong mapapala kapag nag aral ako eh" katwiran
"Nakikinig ka ba? Tingnan mo kako si Kuko, umaasenso, tapos ikaw? Wala, nganga. Ayaw mo ba nun mabibili mo yung mga gusto mo? Tsaka pangako ko sa'yo pag nakapagtapos ka. Titigil na ako sa droga" saktong sabi niya ay nasa loob na kami ng bahay, maliit lang ito. Parang studio type ang dating. "Kung hindi pa namatay 'yang tiyahin mo malamang pulubi tayo"
"Eh tsong kung tumigil ka nalang dyan sa bisyo mo para yung pera—"
"Libre lang 'tong mga 'to" sabi niya at humilata sa set.
"Paanong libre eh nagbabayad ka ng limang daan" ismid ko
"Hindi ko naman pera 'yun eh, ninanankaw ko lang 'yun"
"Gago ka talaga tsong" humiga na din ako sa isa pang set at studio type ito pero wala kasi kaming papag. Baka din hindi kumasya.
"Oh bakit? Hindi masama 'tong ginagawa ko. Kinukuha ko lang 'yung perang kinukuha nung mga pulis dun sa kalsada"
"Ewan ko sayo tsong" tumayo na ako at akmang lalabas pero tinawag niya ako.
"Taran tado ka gabi na, baka magahasa ka pa dyan. Aba, 'nung isang gabi gamuntik ka ng lintik ka. Manahimik ka rine!" Bulway nito at padabog akong bumalik sa pwesto ko. Hayop naman, mukha lang rapist 'yung si George pero 'di ako gagahasain 'nun. Napaka racist ni tsong, palibhasa mala Jestoni Alarcon 'yung pagmumukha niya. Adik nga lang.
Humiga ako at tinangnan ang nga butiki. Paano kaya nila natatagalan ang buhay sa kisame? Bumaling ako sa gawing pinto namin na imported, galing pa 'yan sa banyo 'nung kapitbahay namin, inimport sa'min. Pano nga namin nakuha 'yan? Ahh ex nga pala ni tsong 'yun. Naalala ko binabawi pa sa'min 'yan 'nung nakipagbreak si tanda.
BINABASA MO ANG
Audrey (UNTOLD HEROISM)[ON-GOING]
HumorAudrey lives in Manila, they are far from middle class. His uncle was a drug user. One time she thought of going to school with her teacher friend. But the things in her mind is different from what she saw and what happened to her.