Chapter 1
3rd Person
"Anak, mag-iingat ka sa unang araw mo sa Ninja Academy ha"paalala ng isang Ina sa anak niyang si Nazuyami
"Opo mama "sagot nito
"Oh sige na at baka mahuli ka na sa klase"utos niya at lumakad na si Nazuyami
Sa paglalakad niya patungong academy napukaw ng mata niya ang isang lalaking natutulog sa ilalim ng puno.sa kanyang hinuha ay kaedad lang niya ito kaya't ipinagtaka niya ang ginagawa ng batang lalaki dahil dapat ay papasok na rin ito sa ninja academy
Nilapitan niya ito at pinagmasdan maigi
Hindi lang ito basta bata.... Ito ang kanyang kababata na si Murasaki!
"Hoy! Murasaki! Hindi ka ba papasok sa Ninja academy ngayon, Hoy! Gising!"pambubulabog ni Nazuyami
"Haaay,Bakit ba kasi kailangan pang pumasok?"reklamo ni Murasaki
"Siyempre,For protection"sagot ni Nazuyami
"There is no Enemy to protect ourselves from"Pahayag ni Murasaki
"Hay naku! Pumasok ka na nga lang"utos ni Nazuyami
"Hooooy! Nazuyami, Murasaki kayo pala"may tumawag sa bandang likuran nila
Ang kanilang dating kalaro na si Shimitsu, ito ay medyo kayumanggi at may katabaan ang katawan
"Shimitsu! "Masiglang bati ni Nazuyami at kinurot pa ang pisngi ni Shimitsu
"Arway ah!Mashakwet kaya"sabi niya at di pa makapagsalita dahil nilalamutak ni Nazuyami ang pisngi niya
"Tara na pasok na tayo,ikaw murasaki sasama ka sa ayaw at sa gusto mo.Para saan pa yung una nating training kay Master Jin" Pinale na Desisyon ni Nazuyami
------
"Sige uupo na ako, kayo din"sabi ni Nazuyami
May dalawa kasing grupo ng upuan,nahahati ito sa lalaki at babae kaya't hindi maaring magtabi sila Nazuyami at Murasaki saka Shimitsu. Hindi rin naman malapit na magkaibigan sina Shimitsu at Murasaki
Naupo na lang sa isang upuan ang bawat isa. Sakto naman ang pagpasok ng Master nila
"Magandang araw, maari na kayong magsi-upo"bungad ng Master nila
"Opo"sagot nilang lahat
"Bilang unang klase ko ngayon, ako ay magpapakilala muna. Ako si Yoshiro ang inyong Master at magtuturo sa inyo ng inyong dapat matutunan bilang mga Ninja" pagpapakilala niya sa sarili
"Ngayon,Bilang pasimula. Gusto kong makita ang mga kakayahan niyo bago ang lahat para pagdating ng katapusan ng pag aaral niyo rito ay malaman natin kung nagkaroon ba ng pag unlad sa inyo dahil sa pagtuturo ko,Lalabas tayo sa field at mag shu-shooting ng shurikens at dagger,kinabukasan naman ay ninja to ninja battle at sa ikatlong araw magsisimula ang tunay na klase"aniya
"Sige na, magsilabas na kayo pero mabanggit ko lang, gusto ko na bumuo na kayo ng magiging grupo ninyo, kada isang grupo ay may saktong tatlong miyembro" habilin ng Master
"Ah!Murasaki, magkagrupo tayo ah, ako nang bahala maghanap ng teammate natin" pahayag ni Nazuyami
"Bahala ka"tanging malamig na sagot ni Murasaki
Nagtataka na si Nazuyami sa inaasal ni Murasaki dahil ang kilala niyang murasaki ay madaldal at masiyahin kayat balak na niya itong komprontahin
"Murasaki anong problema mo at suplado ka ngayon"taning niya
YOU ARE READING
Teen Ninjas
RandomA teen Legend "Murasaki, sa likod mo!! " *ting* Is about "Magkita kayo bukas sa village gate para umpisahan ang paglalakbay" "Yes Master" To unfold..... "Mitsuki waaaaaaag!" In the middle of Despair "nauubos na ang mga ninja dito, nananawagan kami...