The Family

29 3 0
                                        

Chapter 2

3rd person

Naglakad na si Murasaki pauwi at sinalubong ng kanyang nakababatang babaeng kapatid na si Chichi

"Kuya! Kumusta school?"tanong ng bata

"Okay lang, ikaw talaga namiss mo nanaman ako"sabi ni murasaki at ginulo ang buhok ng kapatid dahilan para ngumuso ito

"Ang cuuuuuute cute mo talaga"pahayag nito

"Asan si Mama?"tanong niya.

"Asa loob nagluluto"sagot ng nakababatang kapatid

"Tara, gutom na ako eh"yakag nito sa kapatid

Naglakad na sila papasok sa loob ng bahay

"Murasaki andito ka na, sakto at luto na tong pagkain. Kumain ka na"sabi ng kanyang ina

" mama, asan po pala si papa"tanong niya

"Andun sa sala"turo ng ina

Kinain na ni Murasaki ang pagkain na hinanda ng kanyang ina at pumunta sa sala kung nasaan ang kanyang ama.Umupo siya sa tabi nito at kunwaring nanunuod din sa pinapanuod ng ama.

"Murasaki anak"bungad ng ama
Tahimik lamang si murasaki at hindi umimik
"Alam ko marami akong pagkukulang sa inyo dahil sa gampanin ko pero hayaan mp, dahil ngayong nag retiro na ako mapupunan ko na ang mga ito, kung gusto mo turuan kita ng mga techniques" Pahayag nito sa anak

Lumingon lang si Murasaki sa ama at napagtanto na nakatingin pala sa kanya ang ama niya

Nginitian lang niya ang papa niya saka niyakap

Ganto pala ang pakiramdam na may ama

Aniya sa kanyang isipan

Hindi niya namalayan na may nangilid ng luha sa mata niya. Ngayon determinado na siyang ipagpatuloy ang tinapos ng ama niya. Siya ay magiging magaling na ninja at para mangyari yun ay gagalingan niya sa Academy

---------

"Mama andito na po ako"bungad ni Nazuyami

Mukhang wala nanaman ang ina niya sa bahay. Marahil ay kasama nito ang stepbrother niyang tatlong taong gulang sa playground. Pilit niyang iniintindi ang ina ngunit hindi niya maiwasang mag selos. Pero iniisip niya na lang na dahil bata pa ang kapatid ay mas kailangan nito ng pagkalinga, kung siguro'y buo niyang kapatid ang inaalagaan ng ina niya ngayon ay di siya makararamdam ng selos ngunit kapatid niya ito pero magkaiba ang ama nila, ang ama ni nazuyami ay namatay sa mission nung musmos pa lamang siya

Pumunta na siya sa kwarto niya at nahiga pero hindi siya makatulog.Naisipan niyang magbasa na lang ng libro at nang magsawa ay lumabas ng bahay upang maglakad lakad

Nakakita siya ng mag inang masayang naghaharutan, hindi niya namalayan na umiyak na pala siya

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa mapagod siya at tumigil sa isang parke. Naupo siya sa isang upuan at huminga ng malalim

"Ateeee!"may sumigaw

Pinunasan niya ng maigi ang luha niya bago lumingon. Paglingon niya ay sinalubong niya ng pagkatamis na ngiti ang kapatid

"Oh Nazuyami, andito ka pala"pahayag ng Ina

Ngumiti siya ng malungkot sa Ina ngunit di nagpahalata

"Anak may problema ba"parang hinimas ang puso niya ng marinig niya ang salitang anak

"Wala po"sabi niya na may ngiti

"Mama gusto kong Ramen"sabi ng kapatid

"Sigurado kang wala kang problema?"tanong muli ng Ina

Teen NinjasWhere stories live. Discover now