Training

17 1 0
                                    

/3rd Person/

"Master.......... Sigurado po kayo"alanganing tanong ni murasaki

"May problema ba Murasaki?ikaw ba ay natatakot sa babae"tanong ng Master

"Wala naman po..... Kasi..... ~~"hindi pa tapos ni murasaki ang kanyang sasabihin ng putulin siya ni Nazuyami

"Hay naku Murasaki wag kang mag-alala,Malakas ako. Saka wag kang maaawa saakin dahil ako, di ako magpapakita ng awa sayo"banta ni Nazuyami

"Sige! Galingan natin"pahayag ni Murasaki

"Simulan"sabi ng master

Si Nazuyami ay may angking bilis habang malinaw at asintadong mata naman kay Murasaki.Si Nazuyami ay gumagamit ng water style habang si Murasaki naman ay Fire style kaya't mahigpit ang laban,kung mapupuksa ba ng tubig ang apoy o maiiga ang tubig sa apoy.Pero bukod sa element style, si Nazuyami ay gumagamit ng illusion at Flames habang si murasaki naman ay Metal techniques at Lightning

Sa unang atake ay nagbato ng Kunai si Nazuyami kay Murasaki ngunit kanya itong nai-dodge ng binato niyang throw dagger

Sumunod ay nag pisikalan sila, bawat atake ay nasasalag ng bawat isa ngunit isang beses na natamaan ng sipa si Nazuyami sa tyan ay tumumba siya ngunit turulungan sana siya ni Murasaki ng Si Nazuyami mismo ang pumigil

"Hindi! Ituloy natin ang laban, alam kong naaawa ka lang sakin, gusto ko ibigay mo ang lahat mo dahil sa ginagawa mo, pinamumuka mong mahina ako"singhal ni Nazuyami at Umatake ng suntok ngunit Inilagan ito ni Murasaki

Pinagdaop ni Nazuyami ang kanyang mga palad at sa mata ni Murasaki ay natutunaw ang paligid. Ngayon ginagamitan ni nazuyami si Murasaki ng Illusion

Isang higanteng Nazuyami ang Nagbabalak na tapakan si Murasaki ngunit inilagan niya ito, nagbato naman siya ng kunai at nadaplisan sa pisngi Nazuyami

Nagulat siya dahil ang alam niya ay nasa ilalim pa ng ilusyon niya si Murasaki ngunit may nakita siya, Nagdudugo amg hintuturo ni murasaki

Isa sa paraan upang kumawala sa ilusyon o panaginip ay ang saktan ang sarili

"Fire pistol"at nag release si Murasaki ng Bola ng apoy

"Withdraw" At nabalot naman sa tubig na protection si Nazuyami

Ng alisin ang tubig na protection agad na nagbato si Nazuyami ng Throw dagger patungo sa lalaking kalaban at muntik na itong tamaan ngunit daplis lamang sa braso ang natamo

Nag clone technique si Murasaki upang lansihin si Nazuyami, sabay sabay na umatake si murasaki at ang mga Clones niya kaya't bugbog sarado si Nazuyami

Ngunit tumayo pa rin si Nazuyami at ayaw mag patinag, pinatamaan niya ang mga clones ng shuriken kaya't natira na lang ang orihinal na Murasaki. Sa una pa lang naman ay alam na ni Nazuyami ang tunay na Murasaki

Tumakbo si Nazuyami patungo kay Murasaki at inundayan ito ng atake na nasasalag naman ng lalaki.Bukod sa Techniques niya ay magaling at mabilis din si Nazuyami sa Physical attacks niya

Naka tiyempo si Murasaki at Sinipa si Nazuyami kaya't tumalbog ito papuntang sahig

Gusto niya man tulungan ang babae, ayaw rin niyang oag mukaing mahina ang babae kaya't nakikipaglaban na lang siya

"Lighning Ball"-Murasaki
"Blue flame"-Nazuyami

Halos sabay silang umatake kaya't parehas din silang tumilapon

Tumakbo sila patungo sa isa't isa at kapwa bumunot ng kunai at dagger saka itinutok sa direksyon ng kalaban

"Tama na yan! Sapat na ang nakita ko"pigil ng Master

Parehas na hingal na umalis sa Battle stage sina Murasaki at Nazuyami

"Uy! Intense yun ah"komento ni Mitsuki

Biglang binatukan ni Nazuyami si murasaki

"Aray! Bakit naman?!"reklamo ni Murasaki

"Sabi ko wag kang maawa pero hindi ko sinabing torturin mo ako"saway ni Nazuyami... Napakamot na lang sa ulo si murasaki dahil sa pagkalito

---------

Sa huli kahit ayaw ni murasaki ay nag training siya ng mangilan ngilang techniques mula kay Master Genzu

"Una at basic technique ay ang lightning shuriken.Ito ay nangangailangan ng konsentrasyon sa una pero pag gamay mo na ang paggamit nito ay madali na lang at halos isang iglap na lang ang paggawa nito"ani Master Genzu

Dahil sa panatang maging magaling na ninja ay nakikinig ng maihi si Murasaki

"Una kailangan mo ng tunay na shuriken,dahil may lightning ability ka ay ang kailangan mo lang gawin ay padaluyan ito ng lightning chakra,malalaman mong gumagana ito kapag umikot siya diyan sa daliri mo na para bang spinner pero kapag hindi ay para lang yang baterya na nakakakuryente pero wala ring bisa"paliwanag ng guro

Tumango naman si Murasaki at dumukot ng Shuriken sa weapon pocket niya saka nag concentrate na padaluyan ng kuryente akala niya ay iikot na dahil nagva-vibrate ito pero hindi,Imbis ay..........nakuryente pa siya at nabato niya ang shuriken sa gulat

Nagkataong nasa harapan niya si Genzu kaya't muntik na niya itong tamaan.Ang totoo ay saktong tuktok ng buhok niya dumaan

"Oo nga pala,di kita nasabihan na maaaring ikaw ang masaktan pag di mo nagawa ng maayos ang basic technique na iyan"dagdag impormasyon ni Genzu

Nag hiss na lang si murasaki sa pagtitimpi at tumawa naman si Genzu

Teen NinjasWhere stories live. Discover now