2. GATEWAY

1.2K 51 17
                                    

PACIFICA: BAGWIS NG HULING ANGHEL

EP2 - GATEWAY

Euhan Mansion, Alfon's Room, Afternoon

Isang araw na ang nakalipas matapos mahuli si Zeit.

Prenteng nakahiga si Alfons sa sofa, nakakunot ang noo habang nakatingin sa kaniyang cellphone. "Leonel..." Bulong niya sa sarili. "Pamilyar, e." Browse nya sa TikTok. "Nope... hindi sya TikTokerist..."

Biglang nag-ring ang Viber niya. Makikita sa screen ng tablet ang pangalang Marla. Huminga ng malalim si Alfons bago ikinancel ang tawag. "Leo–" Type nya ulit sa browser. Muling nag-ring ang tablet. Si Daisy. Nainis siya, pinagpipindot ang tablet at initsa sa kalapit na sofa.

"Argh! Sure ako, narinig ko na somewhere yung pangalan na yun."

Pumasok sa pinto ang kanilang punong-katiwala–Si Ramone. Isang matandang lalaki. "Master Alfons, may problema ba?" Matuwid ang tayo at pino ang kilos.

"Wala. May nire-research lang na tao." Malalim ang hinga.

Napapaling ng tingin ang katiwala sa tablet na nasa sofa. Dinampot niya ito at tinignan. "Kilala ko ang taong ito," sabi ng katiwala habang titig na titig sa screen ng tablet.

Napabalikwas ng upo si Alfons. "K-Kilala mo?"

Tumango ang katiwala. "Oo, isa syang artista."

Napakunot ng noo si Alfons. "Oh?"

"Artista sya sa Hollywood."

"Weh, di nga?"

Tumango muli ang katiwala. "Sya yung bida sa Titanic."

Napangiwi si Alfons. Tumayo siya at nilapitan ang katiwala bago sinilip ang tablet. Naningkit ang mga mata ni Alfons habang tinititigan ang na-auto-correct na pangalan sa browser–Leonardo DiCaprio.

"Amina nga 'yan!" Hablot ni Alfons sa tablet. "Leo–nel, 'yong pangalan ng taong hinahanap ko. Leonel."

"Leonel... Ang apelyido ng business partner Papa mo ay 'Leonel'."

Napako sa pagkakatayo si Alfons sa kaniyang narinig kasabay ng pag-pop out ng porn ads sa screen ng tablet.

Precinct, Zeit's Cell, Late Afternoon

"Sir, hindi na po pwede tumanggap ng bisita ng lampas alas singko, bumalik na lang kayo bukas," masungit na sabi ng desk officer.

"Kahit sandali lang sana," pilit pa ni Alfons.

"Hindi na nga ho pwede. May visiting hours ho tayo."

"O, sige. Baka pwede na lang makigamit ng CR?"

"Wala ho kaming CR, sir, sira."

"E, pano kayo umiihi?"

"Nakatayo ho."

Napakunot ng noo si Alfons at napaisip. "May point."

Lumabas si Alfons ng prisinto–ihing ihi na sya kaya kumaliwa siya sa eskinita at nakita ang umaalingasaw na kanal. Napangiwi siya.

Napapaling siya ng tingin sa maliit na bintana ng presinto 'di kalayuan sa kaniyang kinatatayuan. Nakita niya si Zeit habang kinikiskis ng pisi ang bakal na grills ng bintana.

Sinitsitan siya si Alfons. "Zeit!"

Ginilidan lang siya ng tingin ni Zeit pero tuloy pa rin ito sa pagkiskis.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Alfons.

"Hindi ba obvious?"

"Tatakas ka, no? Kapal kapal nyan, e."

Bagwis ng Huling Anghel (REMASTERED) TAGLISHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon