Chapter 3 - Tour part 1: Paintings

10 3 0
                                    

Sophia's POV

Pagkatapos kong malaman kung sino ang lalaking iyon ay bumalik agad ako sa suite. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko.

"How's he?" Tanong ko at agad na hinanap ang lalaking iyon at nakita ko naman siya agad sa balcony habang... nagdadrama?

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at hindi niya naman ako napansin dahil busy siya sa pag-iyak habang nakatingin sa malayo. Problema neto?

"Hey." Pagsisimula ko. Alam kong malaki ang problema niya pero hindi ko lang matukoy kung ano. Wala naman akong ability na mag-mind read.

Napalingon naman siya sakin at bahagya pa siyang nagulat. Nginitian ko siya para gumaan ang pakiramdam niya. Simula nang malaman ko ang tungkol sa kanya, pakiramdam ko mas mataas siya sakin. Kahit mas malakas ako sa kanya at wala siyang kaalam alam tungkol sa sarili niya ay kailangan ko parin maging mabait sa kanya. Alam ko namang hindi siya espiya ayon sa kutob ko kaya alam kong mapapagkatiwalaan ko siya.

"A-are you the one who c-caught me?" Tanong niya habang pinipigilan ang sarili na maluha. Tinanguan ko siya at tumabi sa kanya.

"What are you doing in the forest anyway?"

"I was l-lost." Kumunot naman ang noo ko. Alam kong nawawala siya pero hindi ko alam kong paano. I mean, our world is well hidden from normal humans. Kaya hindi siya makakapasok ng basta basta dahil may secret passage kami para makapunta dito.

"I see. But, why do you look so... down?" Napakagat naman ako sa labi ko ng marealize ko kung gaano ka stupid ang tanong ko. Parang gusto ko ng lumubog sa pagiging immature.

"Uhh s-sorry you... you don't have to answer that you know. Heh." Ngumiti ako sa kanya ng pilit.

"It's okay." Sabi niya at kinwento lahat ng nangyari sa kanya. Naguilty naman ako ng malaman kong hinuli ko siya at naiwan ang kaibigan niyang hinahanap din ang parents at mama nito.

"T-teka ano ba pangalan mo?"

"Ja...J-jason. My name is Jason." Napatango naman ako sa sinabi niya.

"Sophia. My name is Sophia."

***

Ramdam na ramdam ang mabigat na atmosphere sa salas ng suite namin. Sinabi ko sa kanila lahat ng sinabi sakin ni Jason at pati na rin ang nalaman ko tungkol sa kanya. Hindi din sila makapaniwala sa nalaman nila dahil bihirang bihira lang naman ito mangyari.

Ang tanong, who is the other one?

"Are you certain?" Tanong ni Danrev. Yan nanaman siya. Hindi maniniwala. Masyado kasing nagmamagaling.

"Professor Fiddle Hawkins said it so yes. I.am.certain."

Muli namang namuo ang tensyon sa kwarto namin. Siguro ay nag-iisip rin sila kung paano ito nangyari. Almost impossible kasi.

"So what will we do to him now?" Napaisip kami sa tanong ni Devonne. Nakalimutan kong itanong ito sa headmaster kanina dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Jason.

"Should we ask him now?" Tama si Froy. I think we should ask him. At para na rin may malaman pa kami tungkol sa kanya.

"Let's go."

Lumabas kami sa suite at inilock ang pinto at mga bintana dahil baka tumakas si Jason. Hindi namin siya pwedeng patakasin dahil importante ang katulad niyang stardust. Masyado itong rare.

Sabay sabay kaming nag lakad sa hallway namin. Malayo kasi ang suite namin kumpara sa ibang houses dahil espesyal kami kaya parte namin ang hallway na 'to. Pagkalabas namin ay nakasalubong namin si professor Delecour, kanang kamay ni professor Hawkins.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon