Chapter 4 - Tour part 2: Standings

12 1 0
                                    

Jackob's POV

Sinundan ko nalang 'tong babaeng 'to at pinilit na makinig kahit na kating kati na ko umalis.

You still need to escape, Jackob. Tandaan mo, hindi ka dapat magtiwala ng basta basta.

Pagpapa-alala ko sa sarili ko.

Pagkatapos niyang i-discuss yung mga paintings sa wall ng hallway, lumabas agad kami sa main door nila which is... a stock room?

Well it doesn't look like a real stock room inside dahil malinis naman pero puro lumang gamit nga lang.

Do they really have to hide their 'exclusive suite'?

Mukhang nabasa naman ata niya ang iniisip ko kaya ngumiti siya sakin. "Every dormitory is hidden. Para maiwasan ang pambubully ng higher standing sa lower ones. Pati na rin ang pagpunta ng ibang standing sa dormitory ng iba. Nakaka-cause kasi ng gulo at pustahan ng abilities."

Muling kumunot ang noo ko sa sinabi niya. So marami pa pala sila?

"Standings?"

Tumango siya at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan ko nalang siya palabas ng 'stockroom' pero mas nagulat ako paglabas namin.

Isang mala medieval castle ang style ng lugar at sobrang ganda ng hallway. May mga painting at sobrang lalaki na fancy curtains. Ang aastig din ng design ng statues. Paaralan ba talaga 'to o museum?

Dumiretso lang siya sa hallway sa right kaya agad akong humabol sa kanya. Habang naglalakad ako ay 'di ko mapigilang hindi mamangha sa ganda ng lugar. Pati ng mga naglalakihang bintana at ang ganda din ng view sa labas!

Focus

Napatigil ako sa pagmangha ng maalala ko ang dapat kong gawin.

Tama.. kailangan kong tumakas.

Tinigilan ko ang paglilibot ng tingin at hinanap siya. Ang layo na niya sakin kaya hinabol ko pero ang bilis talagang maglakad.

"T-teka! Antayin mo ko!"

"Saan tayo pupunta?!"

Sigaw ko para marinig niya. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin. Sa wakas tumigil ka din.

"Sa headmaster."

Sa isang iglap ay nasa harap ko na siya at ilang sentimetro nalang ang pagitan namin. Ngumiti siya sakin dahilan para kilabutan ako ng todo.

"Then I'll be the first to welcome you."

Huli niyang sinabi bago ako hawakan sa sentido at unti unting dumilim ang paningin ko.

•••

Ugh..

Nahihilo ako..

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko at hiintay na luminaw ang paningin ko.

Pinagmasdan ko ang paligid. Maganda. Puro libro. Malinis. Makaluma.

Isang antigong opisina Ang bumugad sakin kasabay ng paghuni ng malaking berde't pula na ibon. 'Sing ganda ng ibong adarna.

 'Sing ganda ng ibong adarna

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon