1

405 10 0
                                    

Kath's POV






"Kath, ano ba? Aalis naba tayo o hindi pa? It's getting late oh." Sabi ni Alys sakin habang nakatingin sa phone nya, at halata sa mukha ang pag kainis.






Kanina pa kasi kami dito. At 9pm na naghihintay padin kami. Sabi nya at hintayin ko sya dito sa coffee shop na to, para sabay na kaming umuwi. Alam ko 6pm lang makakauwi na sya pero anong oras na.







"Alam mo Kath, tatawagan kona si Kuya Kiko para may sumundo na satin, di na tayo makakapag commute nito. Gabi na. Nakakatakot na." At may kinausap sya sa cellphone nya, diko nalang sya pinansin at tiningnan ang phone ko, kanina kopadin tinatawagan si Daniel pero walang sagot. Ni text wala. Wala syang mga reply sa mga text ko, manong sabihin man lang nya kung makakatuloy paba sya oh hindi na. Sobrang tagal na naming naghihintay dito.








"Bakit ba kasi kaylangan sabay pa kayo umuwi eh same lang naman kayo bg bahay na inuuwian at isa pa magkikita din naman kayo, manong nauna kana. Napanis na tayo dito." Pagrereklamo ni Alys. Si Daniel ang nagsabi sakin na hintayin ko sya, sabagay tama naman si Alys. Dapat kanina pako nauna. "May problema kayo no?" Dagdag pa nito, hindi ako nakatingin kay Alys sa sinabi nya. May problema nga ba? "Alam mo, may sagot dyan eh." Napatingin nalang ako sa sinabi ni Alys. Ano na naman kayang iniisip nito. "Nandyan na si Kuya sa labas, tara na Kath." Sabi nya at tumayo narin ako, bigla akong nanghina. Bigla akong nawalan ng gana.








"Ayos ka lang ba Kath?" Salubong samin ni Kiko.









"Nako kuya, ako nga kanina pa nag tatanong di ako sinasagot. Parang may kausap akong pipi." Sabi ni Alys na pinapatungo sakin. Oo nga, napansin ko din na wala manlang akong mga tugon sa mga sinasabi nya kanina.








"Okay lang ako Kiko. Gusto ko nalang umuwi." Nagkatinginan yung magkapatid at pinag buksan ako ni Kiko ng pinto sa tabi ng driver seats sa likod naman si Alys.








"Kuya stop ka sa madadaanan mong Supermarket or Mini stop, 7 Eleven. Bili tayong snacks." Sabi ni Alys. "And drinks." Dagdag nito.








"Anong drinks Alys? May stock sa bar. Sa bar nalang tayo." Sagot ni Kiko, mag u-uturn na dapat sya dahil tutungo kami sa Bar nya, ngunit komontra si Alys.








"Kuya naman, madaming tao sa Bar mo. Alam namin yon, dimo mapapababa si Kath doon. Sa bahay nalang, kwentuhan. I will call Khalil, Quen, Liza and Pwede mong imbitahan si Sofia, tuta---"








"Tayo tayo nalang Alys. Tawagan mona sila quen." Sambit ni Kiko at nag patuloy sa pag drive. Napatingin ako sa kanya. May problema din siguro to. Bakit kaya ayaw imbitahan si Sofia?









"Bakit Kath?" Tanong nya sakin ng naka-ngiti. Di ko talaga maitatanggi ang gwapo gwapo ni kiko sa mga ngiti nya, kaya maraming nagkakagusto sa best friend ko e. Nginitian konalang si Kiko sign na wala lang, at ng makarating kami sa bahay, nandon na ang mga sasakyan nila Khalil at Enrique, nauna pa sila samin ha.








"Bro." Bati ni Khalil kila Kiko.








"Ano bang meron at pinapunta kami ni Alys dito?" Tanong ni quen.








"Celebration" matipid na sagot ni Kiko samin.








"Kuya anong Celebration? Malungkot si Kath tapos Celebration naaaning kanaba?" Tanong ni Alys.








"Oo Celebration. Kasi break na kami ni Sofia" sambit ni Kiko at nagpatuloy sa taas dala dala yung mga alak. Patungo na sigurong second floor.







Break na sila? Kaya siguro ramdam ko na malungkot sya kanina.







"Wooooowhhhh" sabi nung dalawang asungot.








"Kath, may papalit lang akong damit ha. Ikaw rin." Tumango nalang ako at tumungo sa kwarto ko. "Hoy kayong dalawa, ihanda nyo na yung mga iinumin at kakain. Bawal muna mag dala ng girls ngayon. Tayo tayo muna. Sundan nyo na si Kuya." Narinig kong sigaw ni Alys don sa dalawa.







Nagbihis ako ng pangtulog na. Makikisali paba ako sa kanila? Siguro dapat no? Kasi namiss kona din yung mga ganon, yung kaming mag babarkada. Dahil simula nung na-engage ako kay Daniel. Pinag bawalan nyako maginom pag di sya kasama.







Naalala ko na naman si Daniel. Tiningnan ko ang phone ko, wala pading text o call si Daniel sa akin. Alas dyis na ng gabi. Nasan na kaya yon. Grabeng over time naman ata. Sya ang boss eh.







Tumungo nako sa 2nd floor dahil alam kong nandon na sila Kiko, dahil naririnig kona ang mga murahan nila.








"Ano naman ang naisip mo at nakipag break kana kay Sofia?" Tanong ni Khalil kay Kiko sabay tawa nito.









"Gago ka Khalil baka si Sofia yung nakipag break hindi si Kiko" sabay tawa din ni Quen.








"Gago kayo. Manahimik na kayo dyan." Sabi kiko at tumawa din. Mga gago talaga tong mga kaibigan ko e.







"Oh Kath, baso mo." Abot sakin ni Khalil, inamoy ko ito. Nakakamiss din pala ang amoy ng alak.








"Iinom ba ang bestfriend ko?" Lumapit sakin si Kiko at inakbayan ako.








"Huy gago ka Kiko pag nakita ka ni Da----"








"Good evening guys." Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Si Daniel. "Mukhang masaya kayo ha." Sabi nya at biglang napatingin samin ni Kiko. "Di nyo manlang ba ako aayain?" Tanong ni to ng walang sumasagot sa tatlo. Mga gagong to bat biglang natahimik kayo.








"Oh Daniel, ito oh. Tara inom ka. Namiss ka namin bro." Sabi ni Khalil sabay tapik sa likod ni Daniel.







"Guy----" napatingin kami kay Alys, napatingin naman sya kay Daniel at bumalik ang tingin samin ni Kiko. Napansin kong hanggang ngayon pala ay naka akbay pa sakin si Kiko.









"Wala manlang bang beso sakin ang fiancee ko?" Sabay tingin sakin ni Daniel. At tinanggal ni Kiko ang pag kaka akbay nya.








Nagkutyaan sila Khalil doon, na kala mo ay mga kinikilig sa mga nangyayari.








"Daniel, mag bihis ka muna." Sabi ko sakanya at kibuha ang damit nya at ang mga dala dala nyang gamit. Inamoy ko ang suit, hindi pabango ni Daniel ito ha.








Parang amoy pambabae.

I'm A Bad Girl VictimWhere stories live. Discover now