2

273 7 1
                                    

Kath's POV









Nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad papuntang kwarto namin ni Daniel. Alam kong nakasunod sya sa akin. Inilagay ko yung gamit sa table nya at ang mga damit nya sa lalagyan ng labahing damit.








"Ano yon, Kath?" Naka-kunot noo nyang tanong sakin.








"Ha? Alin Daniel?" Tanong na nag kukunwaring wala. Hindi ko alam kung ano ang pinapatunguhan nya kung ang inuman ba o ang pagkaka akbay sakin ni Kiko. O baka pareho. Nag kunwari nalamang akong nag aayos ng higaan namin.








"What the heck Kath!" Medyo tumaas na ang boses nya at sinara nya ang pinto ng kwarto namin. "Ano ba ang sabi ko sayo? Diba napag usapan na natin to? Ano ba? Mag kaka asawa kana pero ganyan parin ang mga kilos mo. Ganyan parin ang gawain mo." Sabi nya sakin, bigla akong nanlumo sa mga sinasabi nya. Parang nanliit ako bigla. Bakit ganito si Daniel sa akin. Bakit parang nag iba sya?







"Sorry" tanging nasabi ko nalang,nakita ko namang nagtungo sya sa dressing room para mag palit ng damit. Nang biglang nag ring ang phone nya. "Daniel. Nag riring ang phone mo." Sigaw ko dito at agad syang lumabas sa dressing room at sinagot ang tawag. "Lalabas na muna ako at mag papahangin." Sabi ko kahit na alam kong di naman nya yun maririnig dahil sa may kausap sya.







"Ayos kalang ba?" Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Kiko.








Kiko's POV








"Ayos kalang ba?" Tanong ko kay Kath ng pag kalabas nya ng kwarto nila ni Daniel. Alam kong nag away sila dahil narinig ko ang pag sara ng pinto ay sobrang lakas. Di naman ganon sila mag sara ng pinto ng kwarto nila dahil ayaw nila ang maingay. Tumingin ako sa mga mata ni kath. Alam kong may mali. Alam kong hindi sya okay. Alam kong may problema sya. Kaibigan ko sya kaya alam ko na hindi totoo ang lahat ng pinapakita nya. "Kath, kung ano man yan? Alam mo, magiging okay din ang lahat." Sabi ko sakanya at tumingin sya at bigla nya kong niyakap.








"Salamat Kiko." Sabi nya sakin at tinapik kolamang sya sa likod. Sa puntong ito, parang mas broken hearted pa sakin si Kath. Ano ba kasing nangyayari kay Daniel. Ano bang pumasok sa isip nya at ginagawa na naman nya yung mga bagay nayon, bakit bumabalik na naman ang dating Daniel.







"Kath, tara kila Khalil. Hayaan mo muna si Daniel. Baka stress lang yun sa trabaho nya. Wag monalang intindihin." Sabi nya at tumango nalang sya at nag lakad na kami patungong 2nd floor.







"Anong nangyari bakit umiiyak si Kath? Nag away ba sila ni Daniel? Anong ginawa ni Daniel?" Sunod sunod na tanong ni quen sakin. "Gago ka kasi. May paakbay-akbay kapa sa fiancee nya." Dagdag nito sabay apir nila ni Khalil. Mga gago talaga.







"Alam nyo hindi ko na talaga maintindihan si Daniel ngayon." Sabat ni Khalil, tumingin naman kaming lahat sa kanya, sign na ituloy nya ang sasabihin nya. "Oh guys, don't get me wrong, alam nating lahat tayo naguguluhan sa nangyayari kay Daniel." Dugtong nya, totoo naman. Di namin alam bat biglang naging ganon na naman sya. Oo, for the second time around. "Kung kelan ikakasal na, at bubuo na ng pamilya, biglang naging ganyan na naman." Dagdag ulit ni Khalil. Napatingin nalang ako kay Kath na nakikinig lamang sa usapan namin, bigla naman syang nilapitan ni Alys. Inaya bumaba.







"Kung hindi ko lang kaibigan si Daniel. Di ko ipapaubaya si Kath don" nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Di makapag salita yung dalawa na nasa harap ko, tila ba nakakita ng multo na nasa likod ko.








"Gusto mo sayo nalang ulit si Kath? Tutal di pa naman kami kasal." Napatingin ako na nasa likod ko, si Daniel. Nagulat ako, pero mas lamang yung inis ko sa Sinabi nya. Bakit parang bagay lamang si Kath kung ipamigay nya. Itong gago na to. Walang kahit anong lumalabas sa bibig ko. Nararamdaman kong nagagalit na yung kamao ko at any time, gusto ko ng manuntok.







"Mga brad. Easy." Sabi ni Quen samin, at hinatak nya ko, pinuntahan namn ni Khalil si Daniel.







"Ikaw quen? Gusto mo din ba si Kath? Sayo nalang din. Sainyo nalang!" Hindi ko na talaga alam ang magiging reaksyon, ayokong manakit pero pinipilit nyako.







"Eh gago kapala Daniel eh." Akmang susugod na si quen, pero pinigilan ko dahil ayaw ko ng gulo.







"Oo gago ako." Sabi ni Daniel at umalis na sa harap namin, narinig kasi naming nag ring yung phone nya. Oo gago ka talaga Daniel.







"Ano bang nakain nun biglang naging ganon na naman yon?" Tanong ni Quen sa amin.







"Tang**a ni Daniel. Subukan nya lang ulit saktan si Chandria. Di nako magdadalawang isip na bugbugin sya." Sabi ko don sa dalawa, nag tanguan naman sila. Subukan lang talagang gawin ni Daniel yung dati. Pipilitin kong bumalik lahat ng ala ala ni Kath.

I'm A Bad Girl VictimWhere stories live. Discover now