"huy Daniel! Gumising kana! " rinig kong sigaw ng isang babaeng maykaedadan na.
Maya maya ay may narinig akong malalakas na yabag papalapit sa akin.
"Sabi ko gumising kana at malalate kana sa Eskwela mo!" sabi nito sabay palo sa may pwetan ko, nakadapa kasi ako sa kama ngayon. Malakas ang pagkakahampas nito sa akin kaya naman napa aray ako sa aakit.
"Daniel wag mo akong sinusubukan ha!... Pag hindi kapa tumayo dyan. Liliguan talaga kita sa kama mo" sabi ng Babae sa akin.
Napakamot na lamang ako dahil sa inasta niya, hindi ko naman siya kilala eh. Teka wait Daniel?
Ni hindi ko nga alam kung kaninong bahay itong natulugan ko, hindi ko din maalala kung paano ako nakapunta dito.
Tumayo ako ng kama at nagsimulang maglakad lakad, napadpad ako sa may salamin kaya naman minabuti ko munang tingnan ang aking sarili sa salamin.
Bigla akong napausog ng iba ang mukhang nakita ko, isang gwapong singkit ngayon ang nasa harapan ko.
Hinawakan ko ang mukha ko at tiningnan ito sa salamin.Gulat na gulat ako dahil hindi ako makapaniwalang lalaki pala ako.
"oh ano pang ginagawa mo dyan Daniel! Nagaaalburuto na ang Nanay mo dahil sa iyo" sabi ng isang lalaki kasingtanda nung babae kanina.
Ako nanay ko yun, bat parang hindi yun yung naaalala ko.
"Sige po Tay?" sabi ko na nagaalangan pa at ito ay ikinagulat niya.
"Tiyo na lang muna, hindi ka pa ata sanay eh. Alam ko namang mahirap mag move on sa nangyari anak, hindi pa man nag iisang taon ay nagkaroon na agad kami ng relasyon ng nanay mo. Pero inaasahan kong sa susunod ay hindi ka na mag aalangan na sabihin yan sa akin ha" sabi nito na tinanguan ko lamang.
Ang weird ng araw ko ngayon para akong nananaginip, pero kahit anong gawin kong kurot sa braso ko ay hindi ako magising, So totoo ito.
"Bilisan mo na Daniel dyan sa Banyo!" sigaw nanaman ng aking Nanay.
"opo malapit na po" sabi ko at binilisan ang pagbanlaw sa aking katawan. Pagkatapos ay kinuha ko ang tuwlya at itinapis ko sa aking baywang.
Lumabas ako at napahinto ako sa salamin, napakaganda ng hubog ng katawan ko at meron akong six pack abs.
Nagbihis na ako ngunit parang may mali, hindi ganito ang mga sinusuot ko kahapon. Dahil kahapon ay babae ako.
"ano ba itong nangyayari sa akin? "
BINABASA MO ANG
Going Back To The Reality
Viễn tưởngSino ako? Nasaan ako? Kilala mo ba ako? Tulungan mo ako