rlty_(I)

6 1 0
                                    

Napasigaw na lang ako sa malawak na field nang school dahil sa kahihiyan.

Kanina kase habang papunta ako ng school ay mali ang nasakyan ko. Malay ko ba! Nagka-amnesia ba ako? Nakailang sakay ako para lamang mahanap itong Camawmaw High School

"Daniel! " sigaw ng isang babae sa di kalayuan, napatingin ako rito. Manghang mangha ako sa ganda ng babaeng ito, meron siyang kulay uling na buhok at kulay buhanging kutis. Idagdag mo pa ang kaniyang labing halos kasing pink ng rosas, syempre yung pink rose diba.

"ah..." medyo nahihiya ako dahil nakalimutan ko siya, kilala niya ako ngunit ako di ko siya kilala.

"anong ginagawa mo dito? Mahuhuli kana sa klase mo" sabi nito sa akin ngunit ilang parin akong makipag usap dahil hindi ko nga siya makilala.

"ahh...ehh, pwede bang samahan mo ako sa aking Room? " pakiusap ko sa kaniya.

"sige ba" sagot nito, na parang nagtataka, sinabayan ko siya sa kaniyang paglalakad. Huminto siya nang may mahalata siya.

"parang wala ka sa sarili mo, may problema ba kayo ni Serena? " tanong nito, teka sino naman si Serena. Lalong humihirap ang buhay ko eh, padagdag ng padagdag sila.

"ahh...ehh, wala naman" simple kong sagot.

Ngunit iniharap na niya ako ng tuluyan ng mahalata niyang may iba sa akin.

"alam ko kung may problema ka, matagal na tayong magkaibigan kaya alam ko kung may problema" sabi nito.

"oh sige may problema ako pero hindi ito tungkol kay Serena" sabi ko sa kaniya.

"salamat akala ko makikipagbreak kana kay Serena dahil naka isang buwan na kayo" sabi nito na parang natanggalan ng tinik sa dibdib.

"bakit ko naman gagawin yun?" pagtataka ko

"hindi ganun din ang ginawa mo sa mga ex mo, pagnaka isang buwan kana sa kanila ay nakikipag break kana" sabi nito habang natawa. "hanga nga ako sa iyo idol eh" sabi nito sa akin, na may pa saludo pa.

"ano ka ba, huwag mo na ngang ibalik ang nakaraan, at saka hindi ba pwedeng magbago" sabi ko rito.

Tunawa ito ng sobrang lakas na nakakuha ng kaunting mga mata. "ikaw? Isang Daniel Villanueva makokontento sa isang babae? Ano nang nangyari sa Taste all girls while you're living?" sabi pa nito na natatawa parin.

Nagsimula na ulit kaming maglakad matapos kong sabihin sa kaniya na malalate na kami.

Marami rami nang mga tao ang nakatingin sa akin at hindi ko gusto ang pakiramdam na yun.

Huminto siya at tiningnan niya ako.

"hoy hindi ka pa ba papasok? " tanong nito.

"ahh...ehh, napasarap lang sa paglalakad, sige bye" sabi ko sa kaniya.

"anong bye?" tanong nito sa akin at inunahan pa ako sa pagpasok.

"bye...as in bye muna mamaya nalang tayo mag-usap" sabi ko.

"ahh" mukhang nasatisfy siya sa sinabi ko.

Pumasok narin ako at may sumalubong sa aking lalaki. "bro!" sabi pa nito. Nakahanda ang kaniyang kamay para sa pag high five kaya naman sinagot ko ito.

"parang may problema ang ating Prinsipe ah" sabi pa nang lalaki sa aking likod ay umakbay.

"kaya nga, kanina ko pa yan tinatanong hindi naman nagsasabi" sabi ni, ay hindi ko pa nga pala siya kilala.

"hindi ka naman nagtanong eh" sabi ko rito.

"nagtanong kaya ako!" sabi nito.

"anong tanong mo kung may problema ako, sinagot ko naman ah sabi ko ay Oo may problema ako" sabi ko sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Going Back To The RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon