Pampalipas Oras

42 7 0
                                    


Pampalipas oras
Ganun ako para sayo
Kinakausap lang kung walang makausap
Kasi nag tyatyaga ka lang para lang may makausap

Tuwing dadating siya iiwan mo ako

Sino nga ba naman ako diba?
PAMPALIPAS ORAS

Pag wala siya tyaka lang papansinin
Pag andyan siya kahit isang ngiti hindi ko maangkin

Paulit ulit lang

Ngunit isang araw hindi mo na ako pinansin
Masaya na ako non kasi wala nang magpapansin
Kung kailan walang namamansin

Dumating pa ang araw, linggo at buwan

Walang nag bago ang pagkakaiba lang nabigo na ako

Nabigo kakahintay sayo
Kala ko okay na kaso
Na miss kita

Oo na miss kita
sa hindi malamang dahilan
Ilang beses na akong nag nanakaw nang tingin
Ngunit tila ba ako'y multo na hindi mo pinapansin

Isang araw kinausap mo na ako
'Oy kamusta na?' Ayan ang mga katagang sinabi mo
Magangmaga ang mata mo
At halatang hindi nakatulog

Bigla mo akong niyakap
At sinabing 'Sorry na miss kita'
At hindi ko ba alam kung matutuwa o malulungkot nung sinabi mong 'break na kami'

Niyakap kita pabalik at sabing
'Wag kang mag alala makakahanap ka din nang babaeng mas deserve mo kaysa sakanya'

'Pero siya lang ang mahal ko' and sabi mo
sa mga oras na yun sumakit ang puso ko
'Tutulungan kita wag kang magalala'

Lumipas ang Araw palagi mo akong hatid sundo
Nagtatanong pa ang mga kaibigan ko na oy kayo na ba ng best friend mo?

Palagi tayong lalabas at kakain
Lilibre mo ako

Isang araw hindi ko inasahang
Hahawakan mo ang kamay ko sabay sabing 'Mahal na ata kita'
Sa panahong yun wala akong makita kung hindi ikaw lang

Hindi ko alam kung malulungkot o sasaya
Kasi binibigyan mo na ako nang pag asang maging tayo pero alam kong siya parin ang laman ng puso mo

UmOo ako at sa relasyong to
Siya lang ang bukang bibig mo
Hello? Andito ako sa harapan mo
At nakalimutan mo na bang ako ang girlfriend mo?

Pero inintindi kita kasi diba nga mahal mo parin siya
Kasi diba nga hindi ako siya
Kasi diba nga tinutulungan lang kita
Kasi nga diba mahal kita

Kasi nga isa akong pampalipas oras na kailan man hindi mo mabibigyan nang buo mong oras

Kasama mo nga ako pero iba ang nasa isip mo

Iniisip ko napaka swerete niya
Ba't niya pa binitawan?
Eh halos ako tong nagpapakahirap para lang ikaw ay mahawakan

Lumipas ang isang taon
Bumalik siya

Bumalik siya..
At hanggang ngayon alam kong mahal mo pa siya

Tayo nga pero hinding hindi magiging saakin ang puso mo

Dahil kahit kailan siya lang ang laman nito

Iyak ako ng iyak nung nakita kita nakayakap sakanya

At sa paggising ko kinabukasan

Sinabi mong break na tayo

Ewan ko kung anong gagawin ko
Saan ba ako nagkulang para saktan mo ako ng ganito

Ang sakit sakit
Alam kong mangyayari to pinag handaan ko na to
Pero bakit parang ang sakit sakit parin

Parang hindi ko pinaghandaan
Papaano ba naman kasi siya at siya parin

Siya parin ang bukang bibig
Kahit ako ang kasama siya ang iniisip

Ngayon alam ko na kung bakit
Dahil mahal kita

Kaya ako nag hintay ng napakatagal
Kaya ako nag tyaga  kahit alam kong wala na talaga
Kaya ako nasaktan ng sobra

Mahal kita..

At alam ko na ang pwesto ko lang sa buhay mo ay

Pampalipas Oras

Poems and Hugots (Mapanakit Siya Siz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon