Chapter 1- The Beginning

818 13 0
                                    

Jaki's POV

     Hi! Ako si Jaki Gonzaga dancer ako sa showtime at boyfriend ko si Vice Ganda ang Phenomenal Box Office Superstar ng Pilipinas. Mahabang storya ang nangyari samin pero ang mahalaga ay nagmamahalan kaming dalawa. Hindi ito alam ng publiko dahil alam namin na magiging isang malaking issue to at baka makasira sa career ni Vice. Mga malalapit na kaibigan lang namin ang nakakaalam.

     Nandito ako ngayon sa may mall malapit sa showtime bumibili ako ng regalo para sa boyfriend ko, birthday nya kasi bukas. Kakatapos lang din ng showtime live  kaya pumunta muna ako dito sandali bago  magsimula ng taping ng showtime para sa Holy  Week episodes nila. Habang binabayaran ko ang binili ko ay biglang tumawag naman si Vice.

J- Hello mahal?
V- Mahal nasan ka? Nandito ko sa dressing room nyong dancers wala ka raw.
J- May binili lang ako saglit pabalik na din ako.
V- Binilhan mo ko ng regalo ko para bukas no?(pabirong sabi ni vice)
J- Asa ka pa. Sige na babye na! Love you
V- Sige Love you to!

*end of call*


Vice's POV

     Ano kayang binibili nun para sakin? Excited nako! Hay kaya mahal na mahal ko yun lagi syang may surprise. Buti na lang at ipinaglaban ko sya at hindi ako nagsayang ng oras na iparamdam ko ang pagmamahal ko sa kanya na kahit bakla ako ay kaya ko syang ipaglaban. Hindi ko alam kung paano nya ko minahal dahil noong mga panahon na yon ay may boyfriend sya. Pero sabi nga nila kung talagang nakatakda talaga sya sayo ay paglalapitin pa rin kayo ng tadhana.

Nagulat ako ng may kumatok sa may pinto

"Vice magstart na daw yung taping" sabi ni tyang amy

"Sige tyang lalabas na ko"

"Sige intayin na kita dto sa labas" at sinara na ni tyang yung pinto

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext ko si Jaki

To Jaki🐷
   Mahal mastart na yung taping magtext ka pag pabalik ka na ng studio. Mag-ingat ka 😘

To Vice🦄
   Sige mahal pabalik na rin ako kita na lang tayo dyan😘

Tawag ng Tanghalan Segment

     Nasaan na kaya yun si Jaki bakit ang tagal naman nya kanina pa yung text nya na pabalik na sya. Dapat sya yung magsusundo sa mga contestants ah.

"Vice! Vice! Vice! Uyyy basahin mo na yung line mo!" Sabay batok sakin ni Vhong

"Ano ba kasi yang iniisip mo at hindi ka makapagfocus?!" Sunod pang sinabi ni Vhong

     Binasa ko na lang yung spiels ko at pumunta ako sa backstage para hanapin si Jaki pero hindi ko sya mahanap kaya bumalik na lang rin ako sa loob.

- - - - - - - - -

     Tapos na kami magtaping pero hindi ko pa rin makita si Jaki hindi naman sya nagtetext sakin nagaalala na ko mahigit dalawang oras na din. Pumasok muna ako sa dressing room nilang dancers at tinanong kung nakabalik na si Jaki.

"Madc nakabalik na ba si Jaki?" tanong ko sa bestfriend ni Jaki na showtime dancer din

"Opo Ate Vice kanina pa po" sagot naman nya

"Talaga bakit hindi ko sya makita. Sige tatawagan ko na lang sya" umalis na ko at pumunta na ko sa dressing room ko.

    Nakapatay yung ilaw, nung binuksan ko ito nakita ko si Jaki na may hawak ng paborito kong cake at may mga balloons din na nakapaligid sa kanya. At may bigla namang kumanta sa gilid ko ng Happy Birthday, pagkalingon ko ay nakita ko ang showtime family ko na kumakanta.

     Lumapit ako kay Jaki hahalikan ko na sana sya pero pinigil nya ko.

"Wish and blow the candle first love." Sabi nya

"Jaki paisahin mo na yan kanina pa yan nagaalala sayo HAHAHAHA" singit ni Vhong at nagtawanan naman sila

"Nakakatawa yon?! Nakakatawa yon?! Siraulo!" Sabi ko naman

"Blow mo na yung candle tas kikiss na kita love" sabi ni Jaki ng naka pout

    Kiniss ko na muna sya tas binlow ko na yung candle nagulat sya kaya pinahiran ko sya ng icing at pinahiran din nya ako. Ang ginawa ko naman ay kumuha ako ng icing gamit ang labi ko at kiniss ko sya sa magkabilang pisngi at sa labi.

"ehem! ehem!" Sabi ni Anne sa gilid

    Nakita namin na nakatitig lang silang lahat sa amin kaya kumuha na lang ako ng wet wipes sa may lamesa at pinunasan ko muna si Jaki at pinunasan nya rin yung muka ko

"Aba aba hindi talaga sila tumitigil oh" sabi naman ni Jhong na nakatingin din sa amin

"Tara na nga Jaki nakakaistorbo sila satin" sabi ko naman

"Kami pa talaga nakakaistorbo ha" sabi ni Direk Bobet na naka cross arms samin

"Ay hindi hindi direk, Jaki kasi eh"

"HAHAHAHA tara na nga at kumain na tayo, lalamig na yung pagkain." sabi ni Jaki at hinila ako sa may table

     Habang kumakain ay magkahawak kami ng kamay ni Jaki

"Thank you love!" Sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi

"Wala yun ikaw pa ba, ang lakas mo kaya sakin" pabirong sabi nya

"Pero seryoso love ang swerte ko sayo, Thank you dahil tinanggap mo ako ng buong buo. I am so happy to have you in my arms." Seryosong sabi ko

"Naku! Naku! Wag ka na nga mag drama dyan bilisan mo na kumain at may pupuntahan pa tayo"

    Sumunod na lang ako sa kanya kaya binilisan ko na lang kumain at nagpaalam na kami kila Direk.











Itutuloy...

Suddenly Its Gone - A ViceJack FanficWhere stories live. Discover now