Chapter 2- Happy Together

715 16 4
                                    


Short update lang muna, bawi ako next chapter! ENJOY

—————————————————–————

Vice's POV

"Love saan ba tayo pupunta at kinuntsaba mo pa si Mang Ben(driver ko)" sabi ko habang naeexcite

"Malapit na tayo Mahal mag-relax ka lang dyan."

"Sige sige matutulog na lang muna ako, gisingin mo na lang ako love." sabi ko at nakatulog naman na ako

after 30 mins....

Pagkagising ko ay nakita ko si Jaki sa na nakatitig lang sa akin.

"Oh bat mo ko tinitigan, baka matunaw ako nyan."sabi ko ng pabiro

"Tagal mo kasi magising! tara na nga, Vaklang toh!" At lumabas na sya ng van

Pagkalabas ko na van ay nakita ko ang isang tent na may katabi na dalawang upuan na may pagkain at may view ng mga ilaw sa Manila.

"SURPRISE!" sabi nya habang may dala syang mga balloons.

      Natulala ako dahil ang ganda ng arrangements at may nga lobo pa.

"Oh bat ganyan itsura mo? Di mo ba nagu-"

Bago pa man nya matapos ang sasabihin nya ay hinalikan ko sya ng malalim at pinaramdam ko sakanya ang pasasalamat at pagmamahal ko sa kanya.

"Thank you!" sabi ko between our kisses

Bago pa man lumala yung paghahalikan namin ay hinila na nya ako sa may upuan at kumuha ng wine.

"Love dito natin salubungin ang Birthday mo." sabi nya at binigay nya yung wine na hawak nya.

Inubos muna namin yung wine na iniinom nami bago kami humiga sa may tent. Open yung taas ng tent kaya nakikita namin yung mga kumikinang na stars sa taas. Nagpatugtog sya ng mga kanta at nag stargazing kami

- - - - - - - - - -

Magkayakap lang kami ni Jaki ng biglang may fireworks akong narinig at hinila naman ako ni Jaki sa labas ng tent. Nakita ko yung fireworks na nagfoform ng heart. Hindi ko namalayan ng 12 na pala. Niyakap nya ako at hinalikan sa labi.

"Happy Birthday Mahal!" sabi nya nang nakangiti

Nakatitig ako sa kanya ng may bigla syang inabot na box.

"Oh Ano toh?" sabi ko na may pagtataka

"Birthday gift ko sayo." sabi nya habang inaabot yung box

"Hindi pa ba ito yung Birthday gift mo? Ang dami dami mo ng ginawa para sa akin oh."

"Sus kunwari ka pa, excited ka nga buksan. Kung ayaw mo edi wag na lang." sabi nya sakin ng pabiro

Kinuha ko na yung box, nagulat ako sa laman nito, dalawang ring na diamond na nakaukit yung pangalan nya at pangalan ko.

"Vice mahal na mahal kita, itong mga sing sing na ito ay magsisimbolo sa pagmamahalan natingdalawa. Pinapangako ko na kahit ano mang mangyari ay mamahalin kita na kahit makalimutan mo ko o makalimutan kita ay mananatili pa rin ang pagmamahalan natin. Magkahiwalay man tayo at dalhin tayo iba't- ibang dimension ay sana hindi ito mawala. Ito ang magpalala sayo na nandito lang ako." sabi nya habang nilalagay ang sing sing sa right hand ring finger ko.

"Salamat, Salamat dahil ipinaglaban mo ako at nagtiwala ka sa pagmamahal mo sakin." Dugtong pa nya

     Isusuot na nya dapat yung isang sing sing pero inagaw ko sa kanya ito.

"Jaki salamat sa mga ginawa mo para sa akin, hindi mo naman kailangan gawin lahat ng ito. Salamat rin dahil tinanggap mo ako ng buong buo. Minamahal mo ako kahit Bakla ako." at sinuot ko na sa kanya yung isang sing sing

     Hinintay naming matapos yung fireworks na hinanda ni Jaki bago kami umuwi.

*kinabukasan

     Maaga akong pumasok sa Showtime dahil magpeperform ako para sa Birthday celebration sa showtime. Pagkapasok ko ng dressing room ko ay nandun si Direk Bobet na may hawak ng cake.

"Happy Birthday Vice!" sabi ni direk

"WOW naman direk ang aga aga, salamat"

"Sge babalik na ako sa booth." At umalis na sya

     Bakit parang may sasabihin si Direk. Maaga sya lagi pumupunta dito sa dressing room ko kapag may importante syang sasabihin. Ganon lagi sya its either Good or Bad News yung sasabhin nya.

    Ano kaya yun?









Itutuloy...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suddenly Its Gone - A ViceJack FanficWhere stories live. Discover now