Bakit hindi ako perpekto.
202 words. By Au revoir
Reading time: 50 sec.
~~~~~~~~Tabas ng dila'y talas tila patalim, magkamali ka't bukas mag-iisa ka sa dilim.
Sapagkat, mali ka't mali sa mata, lilisanin, ng sino mang makakita.
Mananatili kang mag-isa, lilisanin sapagkat nagkamali ka...
Magkamali ka't bukas mag-iisa ka sa dilim, tabas ng dilang 'sing tulis, bukas dadanak dugong agos mula patalim.Sa taas, kay bathala may dalangin, hiling maging tama, perpekto akong gawin.
Perpektong nilalang nais ko maging, upang hindi na muling sasambit ng mga salitang, patawad, ako'y taong nagkakasala rin.
Sapagkat, Ama, o abang puong kung sino ka mang tumubos, sa aking pagkakamali, lalayo sila't masamang tingin sa akin gabos.
Sa talas ng aking tagalog na matatas, ako'y nagkamali't iba'y nasugat sa aking dilang tila hinasa ng demonyo kaya't pagkatalas.Ngunit nagkakamali ako, hindi perpekto kaya't pakiusap dalangin ko, maging tama sa lahat ng mali kong nagawa.
Sapagkat tao'y hindi maalam sa pagpaparaya, sapagkat sa isang pagkakasala, mawawala lahat ng mabuti mong gawa.
Tao akong hindi perpektong nais mapabilang sa sanlibutan, sa mundong hindi na bago ang maging mabuti, sa mundong, kasamaan ang binibilang, hindi ang kabutihan... tao lang, pasensya na... at kung si kamatayan ang sagot, pakibilisan, upang ako'y kanila ng malimot...
Bihag ako ng bilanguang kamatayan lang ang paraan ng pagtakas.