Chapter One

23.9K 191 2
                                    

Chapter 1

Belle's POV

Ibinaba ko sa mesa ang platitong hawak ko na naglalaman ng cake na bake ko kanina lang.
"Ikaw ang nag-bake?" tanong ni Chris. 
Nakangiting tumango ako sa kaniya. "Kaninang madaling araw ko lang iyan ginawa, tikman mo kung masarap." Inusog ko ang platito palapit sa kaniya. 
As a Chef Rishabelle Morgan of Musketeers Grilled ay kailangan kong gumawa minsan ng sarili kong recipe para pandagdag sa menu namin. At heto nga't naatasan akong gumawa ng dessert recipe na babagay sa mga grilled food na siyang specialise ng M'sG (Musketeers Grilled). 
Kaya heto ako ngayon at pinapatikim sa katrabaho kong si Chris ang gawa ko. Dito rin siya nagtatrabaho sa kusina nakatoka. 
Hindi na 'ko ngayon nagtatrabaho sa Winters Hotel. Nagpasiya akong mag-resigned gawa ng best friend ko si Shin, kaya naman kahit hindi nila ako idamay ay pakiramdam ko ay naiipit ako. Mabuti na lang at nakahanap kaagad ako ng magandang trabaho. 
Speaking of Shin, tatlong buwan na ang nakaraan nang umalis siya. 
"Belle anong flavour nito?" tanong niya habang humihiwa sa cake gamit ang tinidor. 
Umakto akong nag-iisip tsaka sumagot.
"Chocolate na may choco ice cream sa loob. May buo-buong chocolate pa na nakasama sa chocolate ice creampero dark chocolate ang ginamit ko na isinama ko sa chocolate ice cream na pinangpalaman ko. Masiyado na kasing matamis kaya nilagyan ko ng kaunting bitterness para hindi masiyadong nakakasuya," mahabang eksplenasyon ko.
Tumatango-tango siyang tumingin sa akin pagkatapos niyang sumubo sa cake.
"Masarap nga ah!"
Napangiti ako. "Salamat!" 
Nakangiti rin niyang tinuloy ang pagkain ng slice of cake na ibinigay ko sa kaniya. Kapag ganitong gumagawa ako ng bagong recipe ay mas gusto kong si Chris ang tagatikim. Mabait kasi siya at laging nakangiti. May something sa charm niya magaan kausap at kasama, kaya bukod sa nakangiti niyang mukha ay masarap siyang kausap. 
Sabi nga naming mga katrabaho niya ay mas bagay siya sa counter, kaya lang malaki siya masiyado para maging sa counter, kaya nilagay siya sa dinning, mas bagay raw sa kaniya ang dinning. Iyon nga lang, nalipat siya sa kitchen dahil sa kadahilanang napag-initan siya ng magaling na Tress Marias (mga nauna sa aming magtrabaho rito kaya feeling mas may alam) kaya nang magreklamo nilipat siya sa kitchen at sa counter naman ang Tress Marias, para wala na raw gulo sabi ni Boss Kiel. Doon lang ako napalapit sa kaniya, and no, hindi ko siya crush, mabait lang siya at friendly. 
Hindi naman malaking kawalan sa Dinning si Chris dahil self server naman ang Musketeer's grilled. 
"Pero masarap ka rin palang mag-bake, swerte magiging boyfriend mo. Meron na ba?" 
Iningusan ko lang siya saka sinimulan nang ligpitin ang mga dapat iligpit. 
Oras na talaga ng uwi ko pero sinamahan ko muna siya sa break time niya.
Nauna na kaninang mag-break 'yong mga ka-close niya at ang mga nagbe-break ngayon ay ang Tress Marias kaya wala siyang kasabay.
Sino ang Tress Marias? Tatlo silang babae na puro matatagal na dito nagtatrabaho kaya naman binu-bully nila kaming mga bago lang sa M'sG. 
Napatingin ako sa cellphone kong nakapatong lang sa mesa nang mag-ring iyon. 
Kinuha ko 'yon at tiningnan ang caller. Unregistered number?

" sige sagutin mo na!''

sabi ni Chris habang tuloy sa pag kain ng cake.
Nagtataka kong sinagot ang call," Yes, sino po ito?"
"Si RishaBelle ba ito?" tanong ng nasa kabilang liniyang babae. 
"Ah opo."
"Rishabelle, kabit bahay ito ng papa mo.''
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang banggitin niya ang papa ko. May nangyari bang hindi maganda? 
"Po? Bakit po?"
"RishaBelle nakuha ko ang number mo sa phone book ng papa mo. Ang po mo kasi kinuha na ng mga police."

****
"Ano na po ang gagawin natin ngayon?" tanong ko sa lawyer namin. 
Kasama ko ngayon ang lawyer at ang papa ko. Kasalukuyan namin pinagpaplanuhan ang maari naming gawing aksyon. Matapos akong tawagan ng nagmaganda loob na kapit-bahay ay pinuntahan ko kaagad ang police station kung saan dinala si Papa at humingi ng tulong sa abogado na na nirekomenda sa akin ng katrabaho ko. 
Napagalaman kong natapos na pala ang binigay na palugid sa papa ko para bayaran ang ninakaw niya. 
Na-blackmail lang ang papa ko kaya niya nagawang ibigay ang pera ng kompaniya sa isang gang, pero dahil walang pruweba ay hindi siya pinaniwalaan, at sinampahan siya ng Accessories of Rubery.
Accountant siya sa kompaniyang na pag-aari ng Maxwell.
Pinaliwanag niya ang nangyari pero hindi nakinig ang Maxwell kaya naman sinampahan siya ng kaso kahit na biktima lang din siya. 
Pinagbigyan naman siya pero ilang buwan lang. Kapag hindi niya raw nabayaran bago matapos ang palugid na ibinigay sa kaniya ay ipapakulong din siya. Natapos na ang kasunduan kaya naman ipinakulong na nila si Papa. 
May pera naman kasi kami pero naibigay na rin niya sa nang blackmail kay Papa ang ipon niya. 
May mga sinabi ang attorney pero para bang maging siya ay hindi kombinsidong mananalo kami dahil wala kaming kahit na anong ebidensya, tanging ang kawalan lang ngayon ng pera ni Papa ang kaya naming ibigay na pruweba. Hindi pa kami sigurado dahil malaki ang implowensya ng Maxwell gawa nang mayaman sila. 
Napabuga na lang ako ng hangin at tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ng papa ko nang sinundan niya ako ng tingin.
"Gagawa na paraan, Papa," tanging sagot ko bago lumabas ng silid. 
Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi ko pwedeng pabayaan na makulong ang papa ko. Wala naman siyang kasalanan, ginawa niya lang ang alam niyang paraan para mailigtas ako. 
Kaya handa akong siguraduhin na hindi siya makukulong kahit na ibaba ko pa ang pride ko. 
Kailangan kong makausap si Peter, ang nag-iisang anak ng Maxwell.

Infinite Agreement [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon