Chapter Three

7.1K 95 0
                                    

Chapter 3
Belle's POV

"Sabihin mo na kasi gir! May gusto ba sa 'yo 'yon?" pagchichismosa ni baklita sa akin.
Kasalukuyan akong nagtatakip ng tainga dahil kanina pa tino-torture ng mga kasama ko ang tainga ko kakatanong tungkol kay Peter. I knew it, mangyayari ito. Paanong hindi, e, kanina naabutan pa nila si Peter na hinihintay ako. Mabuti na nga lang at umalis nang nagtagal. Siguro nahiya na rin dahil pinagtitinginan siya ng mga katrabaho ko.
"Wala nga, ang kulit n'yo!" tanging sagot ko.
"E ikaw may gusto sa kaniya?" tanong naman ni Amber habang nakapalibot ang kamay niya sa braso ni baklita.
Iyan ang dahilan kung bakit wala masiyadong nag-iisip na bakla itong si Daniel, kasi para niyang girlfriend si Amber kung makalingkis. Close sila, e.
Tumahimik na lang ako. Ayoko naman sa kanilang sabihin na 'Oo may gusto ko sa kaniya.
Nakahinga ako nang malalim nang kinailangan nang sumakay ng jeep ng ilan sa amin at iyong iba naman ay sumakay nang trycicle kaya hindi ko na kailangan sagutin ang mga malilisosyo nilang tanong.
Hanggang sa nakauwi na rin ako pero laking gulat ko nang makita ko sa labas ng apartment ko si Peter. Nakatayo siya sa tapat ng pinto at kasalukuyang nagbabasa ng librong hawak niya.
Mukhang hindi niya napansin ang presensiya ko dahil sa masiyado siyang focus sa binabasa niya.
Naglakad na 'ko palapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. Napansin kong napatingin siya sa akin.
"Ano'ng toyo mo? pinuntahan mo pa 'ko sa trabaho. Paano kung napagalitan ako ng manager namin? malalagot ka talaga sa akin," sabi ko habang nakatanaw lang sa malayo.
"'Paano' ibig sabihin hindi nangyari," nakangisi niyang sabi.
"Ha ha!" sarcastic akong tumawa at pinaningkitan siya ng mata.
Tumayo na 'ko sa kinauupuan ko at niyuko siya na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin.
"Basta 'wag mo nang ulit-uulitin 'yon. Mapapahamak ang trabaho ko sa 'yo." Pagkasabi ko niyon ay tinalikuran ko na siya at lumapit na sa may pinto ng apartment ko.
Wala itong gate. May maigsing hagdan sa may pinto paakyat at sa harap ay may mga halaman.
Narinig ko ang yabag niyang sumunod sa akin. Hindi ko pa sana siya papansinin kung hindi niya ako hinila sa kamay paharap sa kaniya.
"Belle, listen to me. We need to talk," sabi niya sa seryosong tono.
Binawi ko ang kamay ko at sumandal sa pasimano ng hagdan saka siya tiningnan.
"May kailangan pa ba tayong pag-usapan? Wala na naman ata," sabi ko sa sa sarkastikong tono. Tatalikuran ko na sana uli siya pero pinigilan niya kaagad ako.
Gustong-gusto ko nang umiwas sa kaniya, sa totoo lang.
Una dahil sa issue ng pamilya namin. Alam kong hindi maganda kung habang galit na galit ang magulang niya sa ama ko ay kami naman ay magbubulag-bulagan sa problema.
Pangalawa, dahil gusto kong pigilan ang nararamdaman ko sa kaniya. Ang tagal ko nang gustong pigilan ito pero alam ko noon na hindi ako puwedeng umiwas sa kaniya, dahil kay Shin. Pero iba na ngayon, wala wala na rito si Shin, wala nang magkokonekta sa amin. Hindi ko na rin siya katrabaho, hindi ko na siya kailangang makita araw-araw.
"Tungkol sa kaso ng parents ko sa papa mo," sabi niya sa magaan at maagap na tono. Tumingin siya sa akin ng diretso. "Sinubukan ko silang kausapin para iurong ang kaso, sinabi ko sa kanila iyong point of view na sinabi mo sa akin para ihinto nila ang kaso, pero ayaw nila, kaya may naisip na lang akong paraan."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na susubukan niyang kumbinsihin ang magulang niya, dahil nagmamatigas pa siya noong huli kaming magkita. Akala ko hindi talaga siya nakinig sa akin manlang.
Sa nalaman ko ay hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung ano'ng magiging reaksyon ko. Kaya nanahimik na lang ako at hinayaan siyang magsalita.
"Belle, my dad's asked me about you, I just found out na minsan niya na akong pinasundan sa tauhan niya kaya nalaman nilang may koneksyon tayo. Nang subukan kong baguhin ang isip nila ay nagduda na sila kung ano'ng mayroon sa status natin."
Saglit na inilibot ko ang paningin ko. May sumusunod sa kaniya?
"No, walang sumusunod sa akin. I'd made him promise that he won't do it again," sabi niya na para bang nabasa niya ang nasaisip ko.
Tumango ako. "I get it, baka maging Romeo and Juliet pa tayo. Mag-iisip na lang ako ng ibang paraan kung pati pala ikaw walang magagawa sa desisyon ng magulang mo. Tapos tayong dalawa baka iwasan na lang nating magkita para hindi magalit ang magulang mo. Salamat," kalmado kong sabi at nagkibit-balikat.
"No! Kailangan nating sakyan ang idea nila tungkol sa atin."

Infinite Agreement [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon