First day at the Haunted High, yup ang creepy ng name ng School kaya nga dito ko piniling ipag-patuloy ang aking pag-aaral, alam nyo ba kung baket? dahil isa lang naman akong paranormal enthusiasts. As in sobrang hilig ko sa mga kababalaghan.
Bata palang ako noong mag-umpisa ako maging interesado sa mga kababahalagan, dahil mula ako sa Pamilya ng mga Paranormal Expert. Paano ko ba e-explain ang ginagawa nilang trabaho. Well, kung ang Pulis or Militar ay ang nagpoprotekta sa mga tao at nilalaban ang mga masasama, ganun din ang trabaho ng isang Paranormal Expert nilalaban ang masasama pero hindi tao, kundi multo.
Alam kong gets nyo na yun, so balik tayo nung bata pa ako maybe I'm around 6 years old. Everything is normal back then , until one day, bumisita kami ng Mommy, Daddy at Kuya ko sa bahay ng Lolo ko. Ang natatandaan ko lang ay malikot akong bata haha. May nakita kasi akong butterfly non, kaya sinundan ko and it leads me to Lolo's secret room.
Hindi ako napansin nila Mommy dahil busy na sila sa pag-kkwentuhan kasama sila Tito. So yun na nga nasa secret room ako ni Lolo, para siyang library sa dami ng libro. Hindi lang libro, may mga naka-display din na mga antigong bagay, like espada, statue at marami pang-iba.
Pero ang talagang pumukaw ng pansin ko ay ang mga banga na selyado ng pulang papel na may logo ng puting halo. Yung paro-paro kasi na sinusundan ko eh dumapo dun sa isa sa mga banga. Ewan ko gumana ata ang pagka pilyong bata ko noon, tinanggal ko yung pulang papel and binuksan ang banga.
Sinilip ko yung loob ng banga at biglang na lamang may lumabas na malakas na hangin mula sa loob. As in sobrang lakas na halos liparin pataas ang aking buhok. Nawalan ako ng malay and next thing I know nagising nalang ako sa madilim na kwarto, may mga nakasinding kandila sa paligid, at naka palibot na sa aken sila Mommy, si Daddy, mga Tito at tita ko, si Kuya at si Lolo.
Umiiyak si Mommy habang yakap-yakap ako at si Daddy naman ay napa-upo at napa buntong hininga na para bang isang mandirigma na kakatapos lang sa laban. At pansin ko din halos lahat sila ay may hawak na pulang papel. Yung banga pala na binuksan ko ay may nakakulong na evil spirit , at nagtangka daw itong i-take over ang katawan ko. Pasalamat nalang daw ako at nadinig nila ang pagkabasag ng banga kaya dali-dali silang tumakbo sa kwarto.
Hindi ko alam kung paano nila napalayas yung evil spirit, pero that night din ipinagtapat nila ang sikreto ng pamilya sa akin. No choice sila dahil daw sa na-exposed ako, dahilan para maagang lumabas ang kakayahan ko na makaramdam ng presensya na usually ay sa ika 18th birthday ko pa dapat lalabas.
Kaya simula nun itinuro na nila sa akin ang mga dapat kong malaman hindi dahil sa gusto nila ako maging Paranormal Expert. Tinuruan nila ako para protekhan ang aking sarili if ever man maka encounter ako ng multo. Dito nagsimula ang pagkahilig ko sa kababalaghan at hinangad na maka-encounter at makagapi ng multo.
So ngayon ako ay 17 years old na ako, at taglay ko padin ang kaalaman sa pag-gapi ng multo.
Pero sa kabila ng kaalaman na taglay ko ngayon, tutol na sila na maging Paranormal Expert ako. Lalo pa't may nangyareng hindi inaasahan 7 years ago, and 10 years old na ako nun. Bigla na lamang nawala si Mommy during their last mission, kasama nya si Lolo that time. Bumagsak ang mundo ni Daddy at sinisisi nya si Lolo dahil hindi nya ito nailigtas.
Dahil sa nangyari kay Mommy, tinalikuran nya na ang pagiging Paranormal Expert. Napilitan sya magsimula muli at nakakuha ng trabaho sa isang publishing company. After 5 years ay napromote sya pero sa Manila na sya nadestino. Kaya naman mula Visayas ay lumipat kami dito sa Manila habang si Kuya naman ay naiwan dahil isa na syang ganap na Paranormal Expert. Ang daya lang kase pag-dating sa akin ay bawal na, dahil normal na buhay daw ang pangarap nila ni Mommy para sa akin.
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 1 (Re Imagined)
HorrorSi Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga Paranormal Expert, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging isang ganap na Paranormal Expert balang araw. Ngunit isaang trahedya ang nangyare na kinasangkutan ng kanyang Ina, na bigla na lamang n...
