"Mabuti at nagbalik ka na Kaira", sabi ni Mia via Tablet.
"Kinuha ko lang kasi itong libro ng Lolo ko, andito sa libro na ito kung paano labanan ang Poltergeist, naglagay ako sa pintuan ng talisman na bigay sa akin ni lolo, magbibigay yun ng proteksyon sa atin, hindi makakapasok ang poltergeist dito mawawala sa panangin nya at sa dimensyon nya ang pintuan ng Cellar, pero isang oras lang ang bisa ng talisman na yun, kaya kailangan makaisip na tayo ng paraan kung paano siya tatalunin ", sabi ko. (Timecheck 12:47 a.m)
"Pwede ko ba mabasa ang libro?", sabi ni Lad. Inabot ko ang Libro kay Lad..
"Book of Grimduwa".
"Buksan mo sa page 317, basahin mo yung tungkol sa poltergeist importante na alam nyo rin ito, para apat na utak na ang nag-iisip.
"Sige nakita ko na, Ang Poltergeist ay isang level 3 na multo, na may kakayahan na magpakita sa normal na tao, magmanipula ng mga bagay, at may sariling dimensyon kung saan sila naghahari, territorial ang mga Poltergeist at ayaw nila na may ibang nakakapasok or nakakahawak sa mga lugar at pagmamay-ari nila, Once na pumasok ka sa teritoryo nila, dadalhin ka nya sa dimensyon nya, Pero may paraan kung paano matalo ang isang Poltergeist, kailangan masira ang kaisa-isang bagay na nagkokonekta sa kanya mula sa purgatorya hanggang sa mundo ng mga buhay, dahil ang bagay din na ito ang nagbibigay lakas sa kanya, pag nasira ang bagay na ito mawawala ang link na nagkokonekta sa kanya sa mundo ng mga buhay at miski ang dimensyon nya ay mawawala din", sabi ni Lad "Saan tayo una maghahanap?, atsaka paano natin masisira yung bagay na sinasabi sa Libro, eh hindi naman natin alam kung anu yun?", sabi ni Vhon.
"Magtatanung tayo, sa mga taga-rito".
"Taga-rito?, eh tayong apat na nga lang ang naririto".
"I mean yung mga iba pa na kaluluwa na nandito sa bahay".
"May iba pa'ng multo bukod sa humahabol sa atin?", sabi ni Lad.
"Oo, icheck mo yung ghost radar mo,kung ilang bilog ang nasa paligid", sabi ko.
"Limang dilaw at isang pula".
"Hindi ba ang sabi mo sa akin na ang dilaw ay ang mga good spirit at yung red naman ay ang mga bad, Yung red na nasasagap ng ghost radar mo ay yung Poltergeist at yung mga dilaw naman".
"Mga good spirit, So nagana pala talaga ang invention ko", sabi ni Lad.
"Yan ba yung pinag-pupuyatan mo gabi-gabi Lad?, yung sinasabi mo na greatest invention mo?, paano ba nagana yan", sabi ni Vhon.
"Nagprogram kasi ako ng radar na sumasagap sa body heat ng tao which is gumana naman, dahil na dedetect ng radar yung body heat ng tao, kaya sabi ko what if kung baliktarin ko".
"Paanong baliktad?".
"Ganito kasi yan, sa program ko ay positive ang body heat ng tao, ni program ko lang yung kabaliktaran which is negative, positive energy isa sa mga buhay, and negative energy naman sa mga patay".
"Eh paano mo naman masasabi kung good or evil ang spirit?".
"Madali lang yun, sa positive energy or body heat pag nag plus-plus nalalaman kung ano lagay ng isang tao, sa negative energy naman iba, once na minus minus it means pag mas malaki ang negative energy bad spirit yun, pero pag nag stay lang siya sa negative 0, it means calm at good spirit yun".
"Hindi ko maintindihan ang Science".
"Wala na tayong oras para pag-usapan ang mga bagay na yan kailangan na natin maka-isip ng paraan, kaya sana Mia, tulungan mo kami makausap ang mga good spirit", sabi ko.
Hinubad ni Mia ang kwintas nya at sa unang pagkakataon ay nagsalita siya..
"Sige Kaira, kakausapin ko ang mga Good Spirit", sabi ni Mia.
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 1 (Re Imagined)
HorreurSi Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga Paranormal Expert, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging isang ganap na Paranormal Expert balang araw. Ngunit isaang trahedya ang nangyare na kinasangkutan ng kanyang Ina, na bigla na lamang n...
