(Mia P.O.V)
Nabasag ni Vhon ang flower vase na dala nya..
"Anong ginawa mo Vhon!", sabi ni Lad. "Pasensya na tol hindi ko sinasadya".
Tut! Tut! Tut! (Tunog ng Radar).
"Magsitago kayo!", sabi ni Kaira at tumakbo kame papasok ng library.
Sa sobrang kaba ay nabitawan ko din ang itim na libro sa labas.
"Asan si Kaira?", sabi ko.
"Naku mukhang naiwan ata siya sa labas", sabi ni Vhon.
"Hindi pwede yun., babalikan ko siya!", sabi ni Lad ngunit pinigilan siya ni Vhon.
"Wag, may paparating", bulong ni Vhon.
Lahat kami ay nakasilip sa maliit na espasyo ng pintuan..
Hanggang sa makita namin si Mirasol na naglalakad sa hallway ng 3rd floor.
HUWAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!", sigaw nya at binasag nya ang iba pa'ng flower vase na nasa lapag.
"Sabi ko wag maingay, sabi ko wag maingay, sabi ko wag maingay", at napahinto siya at naglakad pabalik.
"Papunta siya sa black book!, teka nasa ilalim ng upuan si Kaira", sabi ni Lad.
"Hala baka makita siya!", sabi ko.
"Ililigtas ko siya", sabi ni Lad at lumabas siya ng kwarto at binato ang gadget na hawak nya kay Mirasol.
"Hindi ako natatakot sayo!", sabi ni Lad at tumayo si Mirasol at nilingun siya.
"SHSSHHH".
"Hindi mo ako mahuhuli!", sabi ni Lad at tumakbo siya pababa.
Nag-anyong usok si Mirasol at sinundan si Lad sa baba.
Ilang sandali lamang ay pumasok si Kaira sa kwarto.
"Kaira si Lad", sabi ko.
"Oo alam ko, asan na yung maso?".
"Eto oh", sabi ni Vhon at inabot nya kay Kaira ang Maso.
"Kahit anong mangyari huwag kayo lalabas sa kwarto na ito hanggat wala pa ako, at hanggat hindi pa tapos ang lahat na ito".
"Pero Kaira., pwede ka naman namin samahan", sabi ni Mia.
"Wala na tayong oras, kailangan may matira padin sa atin, upang magplano kung sakaling hindi gumana ito, Vhon kayo na ang bahala", sabi ni Kaira at lumabas ito ng kwarto dala-dala ang maso.
Ilang sandali lang ay naririnig na namin na sinisira na ni Kaira ang Piano sa Master's Bedroom, at bigla nalang tumahimik.
"Nagawa kaya nila?", sabi ni Vhon at sumilip siya sa pintuan.
Nagulat at natumba siya ng sumilip din si Mirasol at nagkatapat ang mukha nila.
"Haah!!", sigaw ni Vhon at lumapit siya sa akin.
"Shsssh!".
Unting unti lumalapit sa amin si Mirasol, hahawakan nya na ako kaya naman pinikit ko ang mga mata ko dahil tanggap ko na ito na ang katapusan.
"Anung nangyare?, di sya makagalaw?", sabi ni Vhon dahil nakahinto lang si Mirasol.
Ngunit sa aking third eye ay kitang kita ko na pinipigilan ng limang bata si Mirasol na mahawakan kami.
si Janna at Chok-Chok sa magkabilang paa, si Princess at Vincent sa magkabilang kamay at si Tupe naman na nakapasan sa likod ni Mirasol.
"Tumakbo na kayo hanggat kaya pa namin siya", sabi ni Princess. "Tara na!", sabi ko at tumakbo kami ni Vhon pabalik ng Cellar.
"Hindi nagtagumpay ang plano natin, ano ang gagawin naten?"., sabi ni Vhon.
"Hindi ko din alam., marahil ay nakuha nya narin pati si Kaira at Lad", sabi ko at biglang may kumakalampag sa pintuan ng cellar.
"Bakit ganun?., akala ko ba hindi nya kita ang pintuan na ito?", sabi ni Vhon.
"Marahil ay malapit ng mawalan ng bisa ang talisman ni Kaira".
"Pero may 10 minutes pa tayo?".
"Kung ganun hindi pa siya makakapasok dito", sabi ko.
"Pero ano na ang gagawin natin, pag naubos ang oras makakapasok na siya".
Hinawakan ko ang kamay ni Vhon at ngumiti at huminahon na siya na parang alam nya ang ibig ko sabihin.
Naghahantay nalang kame ni Vhon na maubos ang oras at handa na kame upang kunin nya.
"30 segundo nalang Mia", sabi ni Vhon at hinigpitan pa nya ang paghawak sa aking kamay.
10, 9, 8, 7, 6, 5., 4 , 3, 2, 1, tapos na ang oras ngunit hindi naman pumasok si Mirasol at tumigil nadin ang pagkalampag sa pintuan.
"Ano ang nangyare nakuha na ba tayo?", sabi ni Vhon.
"Sa tingen ko hindi pa", sabi ko at bigla nalang nagbalik ang kuryente at nabuhay na ang mga ilaw.
BINABASA MO ANG
Ghost Club: Chapter 1 (Re Imagined)
HorrorSi Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga Paranormal Expert, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging isang ganap na Paranormal Expert balang araw. Ngunit isaang trahedya ang nangyare na kinasangkutan ng kanyang Ina, na bigla na lamang n...
