Shine's POV
Nakahiga ako ngayon sa kama namin, nakapitkit lang ako, kunyari tulog pa, pero gising na, feel ko kasi maging si sleeping beauty ngayon, nagbabakasakali na may dumating na prinsipe at halikan ako para magising, pero halos mag-iisa't kalahating oras na kong nakaganito dito wala pa ring dumadating para halikan ang napaka-ganda kong labi.
Maya maya ayan na narinig kong bumukas yung pintuan ng kwarto ko, hinihintay kong may maramdaman sa bandang labi ko, ayan konti na lang konting konti na lang, mararamdaman ko na ang tamis ng unang halik ayan na yieeeeeeeeeeeeee (*'∇`*)
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pero hindi ko dun sa labi naramdaman sa pwet ko naramdaman na may pumalo sa akin ang sakit bes, napatayo tuloy ako, "ANO KA BA NAMAN SUNSHINE, KANINA PA TAWAG NG TAWAG SAYO SI MOMMY, HALOS MAMAOS NA ANG BOSES, WALA KA MAN LANG NARIRINIG, MALIGO KA NA AT KUMAIN MALELATE KA NA SA PAGPASOK MO!!!!!!!!" sabay alis, pabalibag pang sinara ang pinto ko, aba ang gwapo ng pasok nito oh mala-prince charming talaga ei.Pero hindi yun ang inisip ko, bigla ako napatingin sa orasan at... OMYGOODNESS!!!! 5:30 NA, nagmadali akong maligo, hindi ko nga alam kung ligo pa ba yung ginawa ko ei, 1 min. sipilyo, 2 mins. shampoo, 3 mins. sabon, 3 mins. banlaw bali 9 mins over all. Tapos nagmadali na kong magbihis, at mag-ayos ng mukha at buhok, kinuha ko yung bag ko at bumaba na.
"Good morning Mi, good morning Di, good morning Kuya, good morning Bunso, babaunin ko na lang yung breakfast ko, hehe malelate na pala ko, kala ko kasi linggo parin ei" tapos kiniss ko sila isa isa "Bye bye, family"
"Ayy, princess wal...................." hindi ko na narinig yung sinabi ni mommy, kasi nagmamadali talaga ko, yung first class ko kasi 6:00 am tapos terror pa kaya, kailangan magmadali dahil baka maging dragon nanaman yun, pinaka-ayaw pa naman nun ay yung nalelate.
Nagmadali na kong sumakay sa kotse namin buti na lang nandon yung driver, kaso tulog, kaya ginising ko pa tuloy "Kuya, kuya tara na, naku malelate na ko ng bonggang bongga" sabi ko pero tinignan niya lang ako, hala nagmamadali na nga ako ei, inuna pang titigan ako, alam ko namang maganda ako pero hindi ito ang tamang time para purihin ako.
"Ano na kuya manong driver, drive na po, paki bilis po please nagmamadali po kasi talaga ako ei" nagsisimula na kong mainis ha 5:50 na, 10 mins. na lang start na ang klase.
"Ahhh, mam linggo po ngayon wala po kayong pasok" si kuya manong driver.
At tumigil ang mundo.... Natulala ako, nagulantang, hindi ko alam kung anong gagawin ko, CHAR hahahhaha ang drama ko, pero alam ko na talaga ang gagawin ko!!!
Langya, lagot sakin tong kuya ko, nag-good morning pa naman ako sa kanya, tapos kiniss ko pa siya, tapos malaman laman ko sunday pala na ngayon, ginising gising pako, ang sarap sarap nang higa ko duon, kasi hinihintay ko pa yung prince charming ko, tapos, hhhrrrrmmmm naku yari siya sakin, leche siya.
Nagmadali ako lumabas sa kotse at dirediretsong pumunta sa sala at sinabunutan si kuya "Langya ka kuya, hindi ako natuwa sa ginawa mo ha, para kong tanga, na naghahabol ng oras tapos malalaman laman ko wala naman palang pasok, may pasigaw sigaw effect ka pang nalalaman kanina, langya ka!!! Hindi ako nakaligo nang maayos dahil sa kakamadali ko." pero tumawa lang siya ng tumawa. "Hahahaahhahahahahahah, tama na princess, patawarin mo na si kuya, ikaw naman kasi ei alam mong sunday ngayon at may pupuntahan tayo, ang tagal mong gumising" at talagang si bunsong kapatid eh nilaksan pa ng bongga ang kanyang tawa, at pumalakpak pa, ANGAS (-_-), inirapan ko lang silang dalawa, at naupo na sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Way Back Summer 1999
Teen FictionMeet Sunshine Larosas ang kaisa-isang anak na babae ng pamilya Larosas, di man sila ganon kayaman ay tinuturing siya na prinsesa ng kanyang pamilya, bantay sarado sa dalawang kapatid na lalaki, paboritong apo ng kanyang lolo at lola, at medyo slight...