Shine's POV
April 1, 1999 na ibig sabihin, vacation na, tapos na ang school year 1998-1999, and it's been 176 days simula nung huli kong makita si Rain mahloves, diba sabi ko naman sayo, kapag nagpakilala siya, akin na siya, kaya paninindigan ko yun, aba 176 days akong naghintay para lang makita siya tapos kakalimutan niya lang ako.
At dahil may trabaho sila mommy at daddy kami lang tatlo nila kuya Sean ang pulunta kila lola, ayaw pa nga nila sumama ei, ako lang ang may gusto, kapag daw ganon wag na lang akong pumunta, pero hindi ako pumayag, talagang pinilit ko sila nang bongang bonga, hindi ako papayag na next year pa magsimula ang love story namin ni mahloves naiinip na ko, at dahil sobrang kulit ng prinsesa niyo, pumayag na sila, hihi.
Dinadala na namin ngayon ang mga bagahe papunta sa kotse, ihahatid muna kami nila mommy sa Zambales tapos uuwi na sila.
"Ready na kayo??" -daddy.
"Readyng ready na!!!\(○^ω^○)/" -ako
"Ready *poker face*" - silang dalawa yan, ang arte arte naman ng mga ito, pinapakita pa talaga nila na wala talaga silang interes na samahan ako, pano kasi sila mommy ei, kung pinayagan lang nila ko na kahit ako lang mag-isa duon hindi sana sila malungkot, nandon naman sila lolo at lola para alagaan ako.
Hay balakayojan, di ko na problema yan, ang mahalaga magkikita na ulit kami ni Rain rain don't go away come to me and stay hihihihihihihi, pero bago ang lahat matutulog muna ako dahil matagal pa naman ang byahe, inaantok pa ko ei.
(After many hours)
Nagising ako, infairness natututunan ko nang gumising ngayon ha, pinag-aralan ko yun ei, kasi naman rinding rindi na ko sa boses ni kuyangot ei, napaka-ingay, akala mo si matutina.
Nga pala umaandar pa yung sasakyan kasi wala pa kami sa bahay nila lola, habang umaandar, tumingin muna ako sa bintana nagmamasid, natitingin-tingin ng mga puno kasi naman ang boring dito, at enjoy ako na manood ng puno, narerelax ako at parang nakakahinga ako ng maayos, kasi kapag halimbawa may nangyari hindi maganda, bibili lang ako ng ice cream tapos pupunta ko sa likod ng bahay namin nandon kasi yung garden namin tapos gumagaan na yung pakiramdam ko.
"Shine nandito na tayo" -kuya ko.
Hala nandito na pala di ko namalayan, tsaka di ko napansin yung fortunate garden kasi ikaw kasi ei nagpakwento ka pa, di bale mamaya pupuntahan ko yun.
Bumaba na ko at dumiretso na sa loob, sinigurado ko muna na 219 yung number nang bahay, baka mapahiya nanaman ako, hmmpp.
"Lola lolo!!!" sabay yakap ulit, namiss ko sila ng sobra, kasi 176 days na din si.mula nung huli ko silang makita, pero nagkaka-usap naman kami.
"Apo salamat naman at dito ka mag-babakasyon, namimis ka nanaming alagaan ei" -lola
"Namiss ko din po kayo, ay lola kung dito po ako magbabakasyon ibig sabihin medyo matagal yon kasi 2 months yung vacation namin bago ang school year, san ako matutulog." -me.
"Jan, meron na kaming inihandang kwarto niyo, dahil nung itinawag samin ng ama niyo na dito nga kayo magbabakasyon ay pina-ayos na agad namin ang mga kwarto, puntahan niyo na lang, may mga pangalan na nakalagay sa pinto, kung saan kayo nakapwesto" -lola
"Talaga salamat po lola" -ako, sabay takbo sa hagdanan dala ang bagahe, dahil ang mga kwarto ng bahay na ito ay nasa itaas.
Pagpasok ko ang ganda niya kasi, may study table namakaluma ang style kahit hindi ako mag-aaral dahil sawa na ko, yung kama niya plain lang na cream ang kulay tapos yung kahoy makaluma nanaman, tapos may isang napakalaking kabinet na makaluma nanaman, tapos walang aircon, pero may electric fan, makaluma din ang style, grabehan to walang pinapalampas 1999 na ah pero para akong nasa panahon ng kastila, pero mga bagong bili ang mga ito bessywap ha luma lang ang style, pero bakit kaya ganon ano, lahat luma siguro dahil luma na sila lolo at lola, CHARINGGGGGG!!!!! hahahahha sama ko na ba non.
BINABASA MO ANG
Way Back Summer 1999
Teen FictionMeet Sunshine Larosas ang kaisa-isang anak na babae ng pamilya Larosas, di man sila ganon kayaman ay tinuturing siya na prinsesa ng kanyang pamilya, bantay sarado sa dalawang kapatid na lalaki, paboritong apo ng kanyang lolo at lola, at medyo slight...