Chapter Six
I WAS so confused at the moment. Tinanong ko kasi sila Lily kung may iba pa bang pumunta or bumisita dito bukod samin dun sa hideout pero wala naman daw. Wala din naman daw kasing natungo dito pag hapon na kasi creepy daw tignan tong building pag hapon na at lahat ng klase sa hapon ay nandun sa mga unahang building. Medyo malayo na din kasi yun hideout dahil imbakan na ng mga lumang gamit ang likod nito.
"Bakit mo ba natatanong? May nakita ka bang pumasok pang iba?" Tanong nito sakin na ikinailing ko lang.
"Wala naman. Natanong ko lang" I said that made her believe.
I shook my head and drank from my tumbler as we waited for the boys to tidy up their stuff before heading out.
"Okay ka lang?" Nikki asked worriedly.
"Okay lang ako. Don't mind me"
"Kanina ka pa kasi ganyan pagkababa mo galing rooftop" She said that made me smile at her. Am I that obvious?
"Narinig ko din na nagtanong ka kay Li kung may pumasok dito kanina. Don't tell me may nakita ka ditong multo?" I looked at Nikki like she was joking around or something. Para kasing tanga. Wala namang multo na pogi.
Nakatago parin sa bulsa ng PE pants ko yung ID nya. Ibibigay ko nalang sa guard mamaya pag daan namin sa gate kung sakaling hanapin. Napagkamalan na ngang trespasser nung una pati ba naman magnanakaw ay mapapasakin ang korona? Grabe na yan.
"May multo dito?" Heinz suddenly appeared. Agad kaming nasulasok ni Nikki sa amoy na biglang lumabas sa bunganga ni Heinz.
"Tanginang bunganga yan. Ambaho!" Nikki said as she closed Heinz's mouth. I waved my hand to remove the garlic scent of Heinz's breath in the air.
He smelled hi breath by putting his palm against his mouth. "Hoy! Di kaya! Garlic scent lang!"
"Nangangatwiran pa eh! Ambaho nga!" Nikki exclaimed before walking away.
Magsasalita pa sana si Heinz nung tinakpan ko ang bibig nya gamit ng kamay nito. "Close nalang ang mouth. Kain ka candy muna ha?"
Laughter from Newt and Cash were heard from the room as I left Heinz on the hallway glaring at the two monkeys laughing at him.
Ginawa ba naman kasing snack yung fried garlic na dinala galing sa tindahan ng siomai sa food court. Mabuti nga di napagalitan nung tindera. Di siguro namalayan na tinangay na yung fried garlic sa gilid ng cart.
"Ready to go?" Xerxes asked before signaling everyone to get out. Isasara na kasi yung pinto.
Nag-uunahang lumabas ng silid ang mga baliw bago isinara ni Xerxes ang ilaw at isinunod ang pinto. Raid already left as he was going to check their gig schedule dun sa resto-bar kung saan sila minsan napunta.
Nakalimutan ba naman kung anong oras sila tutugtog ngayong araw. Yung isa naman ngayon lang nalaman na may gig sila. Alam lang daw nila ay ngayong araw. Hinayaan na rin nilang si Raid ang pumunta dahil may pinopormahan daw yun doon. Iyon atang dahilan ng pag-ngiti nito habang may katext sa phone.
Sabay sabay naman kaming bumaba ng hagdan at tinungo yung van na service namin papunta doon.
DI NA naman natigil kumanta ang mga baliw ng theme song ng dumb ways to die.
Ang dalawang babae naman na katabi ko dito sa likuran ay nakatulog nalang kai-ignora ng ingay ng mga unggoy. Di pa nga ito natinag at kinonekta pa sa stereo yung phone at ito ang pinatugtog.
Narvi parked the van in front of the diner near the restobar. Punuan kasi yung parking space dahil anniversary nung place. Yung diner lang din ang pwedeng pagparadahan na malapit kaya doon nalang ipinarada ni Narvi.
BINABASA MO ANG
That Summer
Teen Fiction(NMS#1) Somebody told me that everything has a reason. Well, maybe sometimes... or maybe not. Everything in my life is just seems to be normal. Bonding with friends, attending family gatherings, laughing with some old folks, and living my life peac...