CHAPTER 5

23 1 0
                                    

CHAPTER 5

FIN'S POV

"Okay Class A. Ito ang mga notes at reviewers niyo. Doble yan kumpara sa mga reviewers niyo dati, dahil malapit na ang Exams niyo next month na. May nakalimutan pa pala ako. Half Day lang kayo dahil sa Signal #2 na bagyo. You can either stay here or go home."

At lumabas na siya.

Nakaupo lang naman ako dito na bored na bored. Si shane katabi ko, tulog. Puyat siguro kakaisip kay nemuel -.-

Sino kaya yung lalaking nagdala saakin pauwi at bakit niya alam ang pangalan ko?

Flashback

"Fin! Fin! Wakeup! Fin!!"

Kaso hindi ko na talaga kaya.

Binuhat niya ako.

"Infinity! Hold on! Wag kang pipikit! Just stay still idadala kita sa bahay niyo okay?"

Ang lambing ng boses niya. At bakit alam niya ang pangalan ko?

Naramdaman kong pinasok niya ako sa kotse. Tapos narinig ko yung sinabi niya sa driver.

"Manong paki-on po yung heater bawal kasi siyang malamigan, basang basa kasi siya ng ulan."

Feeling ko nasa van kami kasi ang lawak ng hinihigaan ko. Parang kama?

Pero may narinig din akong pag-swoosh ng curtain siguro may curtain para may privacy ako.

Naramdaman kong tinaas niya yung ulo ko at inihiga sa lap niya. Tapos hinaplos haplos yung hair ko.

Mumulat na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

"Infinity dont worry. Malapit na tayo sa bahay niyo."

-End of flashback-

Yun lang naalala ko. One week na kasi ang nakalipas. Tinatanong ko kay keith. Ayaw naman sabihin HUHUHUHU! Bakit kaya sa tuwing tatanungin ko may segway siya. Either magbabanyo, may pupuntahan, nagugutom. Arrghh.

Hmmm. Parang may something ha. Parang...

"May isang anghel sa aking labi na nakalutang sa ulap at nangingiliti kung ang sinigang na luto ni inay suspetsya ko'y magiging mapayapa."

Biglang kumanta yung mongoloid psh. Kainis!!!!!

"Ano ba! Manahimik ka nalang diyan!"

Galit na galit kong sabi sa kanya.

"To naman finifeel ko lang yung ulam kong sinigang."

What? Lunch na pala -.-" kakaisip ko dun sa nangyari last week.

----------

May naamoy ako. Ambangoooo~ Mmmmm. Amoy palang masarap na.

"Ggggggggggrrrr." Napabangon ako sa pagkakadukdok ko sa desk. At hinawakan ang tiyan ko.

Pagkatingin ko sa bandang harap ko. Nakita ko na kumakain ng slice ng cake si lexie.

"Gusto mo?" Inalok niya ako. Oh my goodness. Kukunin ko na sana ng...

(・Д・)ノ

"Bumili ka na lang." (^O^)/

Bwisit ka. -.-" paasa psh.

Tumayo ako at maglalakad papuntang cafeteria.

Bigla nanaman siyang umeksena.

"Fin! Joke lang. Ito na oh. Bibigyan na kita. Wag ka nang magtampo!"

BEAT ME OR LOVE ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon