CHAPTER 2

13 4 0
                                        

Claudie's P.O.V.

Nagising ako sa katok sa pinto. Kahit inaantok pinilit ko pading tumayo at buksan ito. Pagkabukas ko ay ang nakangiting mukha ni Claudia ang tumambad sa'kin.

"Good morning! I just want to remind you that today is your first day at our school, so mag-ayos ka na para makapasok na tayo-" Hindi ko na sya pinatapos at sinara ulit ang pinto, ayokong masira ang umaga ko dahil sa mukha nya.

Dumiretsyo na ako ng banyo at naligo, nang matapos ay kinuha ko na ang uniform kong binigay ni Claudia kagabi at sinuot ito. Nang makapagbihis ay nag apply lang ako ng light make-up sa mukha ko. Bumaba na ako ng hagdan  at sinalubong ako ng katulong.

"Ma'am Claudie, nasa kusina na po ang mga magulang n'yo at si Ma'am Claudia." Pag bibigay alam n'ya saakin.

Hindi ko na s'ya sinagot at nag tungo ng kusina. Nadatnan ko silang masayang nag aalmusal.

"Claudie anak, halika na at mag almusal." Masayang tawag sa'kin ng Mommy nya.

"No thanks, I don't eat breakfast." Tanggi ko sa kanya, nilipat ko ang paningin ko kay Claudia na kumakain pa din hanggang ngayon "Will you keep me waiting? Ang akala ko ba papasok na tayo?" Baling ko kay Claudia.

Mabilis n'ya namang inubos ang pagkain n'ya at tumayo na.

"I'm sorry, let's go." Nakangiti nyang sambit nang maubos n'ya ang kinakain.

"Hindi mo ba mahintay na matapos kumain ang kapatid mo?" Galit na sambit ng Daddy n'ya.

I can't call them my Mom and Dad, dahil hindi naman sila naging Ama at Ina saakin.

"Tapos Naman na s'ya ha." Sagot ko naman.

"Dahil binilisan n'ya, paano kung mabulunan s'ya?" I just rolled my eyes at what he just said, wala ba siyang pakeelam saakin? I didn't even eat my breakfast yet.

"Hindi ko naman sinabing bilisan n'ya ang pagkain, tsaka hindi naman s'ya mamamatay." I faced Claudia. "Sa susunod na katukin mo ang pintuan ko, siguraduhin mong nakakain ka na, ang ayoko sa lahat iyong pinag-hihintay ako." Sa kanya ko na lang ibubunton ang inis ko.

"I'm sorry." Nakayuko na siya. "Dad, Mom, pasok na po kami." Lumapit at humalik s'ya sa kanila.

Wala na! sira na ang araw ko. Nang makarating kami ng school ay pinagtitinginan kami ng mga students na nalalakaran namin.

"Will you please tell to those annoying students to stop staring at us. It's annoying" Salubong na salubong na ang kilay ko.

May isisira pa ba ang araw ko? Ngayon lang ba sila nakakita ng kambal na nag lalakad? We don't even  have the same face, mas matangkad ako sa kaniya. I white make-up while she only has powder on her face, We are so different from each other, ako ang version ng modern at siya naman ang Maria Clara.

Mag simula bata kami ay magkaiba na ang mga gusto namin, I'm always the bad and naughty kid while she's the good and favorite child. Maybe that's the reason why they choose to abandon me.

Dahil sa inis tinapunan ko ng masamang tingin ang grupo ng kababaihan na papalapit saamin. Pero parang wala lang sa kanila ang sama ng tingin ko.

"Look who's here. Ang bait-baitan na si Claudia, at may kasama ka pa." She looked at me from head to toe. "Mag babait-baitan ka din ba dito?" Mataray na sambit ng nasa gitna sa kanila.

Tinaasan ko sya ng kilay. Looks like hindi lang pala ako ang may ayaw sa kapatid kong pinakamabait sa mundo.

"Excuse me?" Maarteng sambit ko. Hindi ako mag papatalo sa kanya. Kung maldita siya, mas maldita ako.

Behind Our MaskWhere stories live. Discover now