CHAPTER 1

45 4 0
                                    

Claudie's P.O.V.

Sinalubong ako ng mainit  na panahon, sobrang alinsangan sa pakiramdam. Napasimangot na lang ako at pinunasan ang tumulo na pawis sa aking noo. Mabilis kong hinila ang aking maleta para makauwi at makapagpalit na.

"Wala man lang nag abalang sumundo sa akin?" Natawa na lang ako nang makitang wala man lang sumalubong saakin galing Australia. Pero mas nakakagulat kung may madatnan nga akong nag hihintay sa'kin.

"Well, what do you expect Claudie. Wala ka namang kuwenta para sa kanila." Dumiretsyo na lang ako sa labas ng airport at pumara ng taxi.

Ito ang unang araw ko dito sa Pilipinas, pero wala man lang nag abalang salubungin ako. Sanay na ako, siguradong pinaghahanda nila ng masasarap na pagkain ang anak nila. Dahil busy sila sa kanya, nakalimutan na nilang may isa pa silang anak.

Para mawala ang boredom nag sound trip na lang ako gamit ang phone ko. Pagkalipas ng tatlumpong minuto nakarating na kami sa harap ng bahay namin.

Bumaba ako ng taxi at sinalubong ako ng gulat na gulat na katulong nila.

"Ma'am Claudie! bakit kayo nandito?" Gulat na tanong n'ya.

Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi n'ya. "Why?! Am I not welcome here?!" Nakapamewang na tanong ko sa kanya.

Yumuko naman sya at humingi ng paumanhin."Pasensya na ma'am Claudie, nagulat lang ako na nandidito ka, wala kasing nabanggit sila Sir na dadating ka." Paliwanag pa n'ya.

I just rolled my eyes at her. "Wala akong pakeelam. Go and get my things , pay the taxi as well." Tinalikuran ko na s'ya at pumasok na ng bahay, gaya ng katulong ganun din ang reaksyon ng mga nakakita saakin sa loob.

"Ma'am Claudie." Hindi ko na sila pinansin dahil napagod na ako sa biyahe, I just want to take some rest.

Pagdating ko ng living room, there they are smiling, and laughing while their daughter is embracing them both. They look really happy.

"Our baby girl did what?" Manghang ginulo pa ng tatay n'ya ang buhok niya na parang bata.

Baby girl? She's already twenty years old!

"She rescued the cat, while it's drowning Tito, muntik pa s'yang mahulog buti na lang at nakakapit s'ya sa hawakan." Tuwang-tuwa na kuwento ng kasama niya.

"Ang bait talaga ng dalaga ko. I'm so proud of you." hinalikan s'ya sa pisngi ng katabi niyang babae, Her mother.

Bakit ang bilis nilang sabihin sa kanyang Proud sila sa kanya, samantalang ako. Madami na akong napanalunang awards sa school pero kahit minsan Hindi ko narinig ang salitang 'proud' galing sa kanila. Hindi ko din sila nakita sa kahit isang event na dinaluhan ko. Kahit sa birthday ay wala sila. I grew up alone, while my sister was showered with care and love by them.

"Siyempre, 'yun po ang turo n'yo saakin eh." At nagtawanan nanamam sila.

"Ma'am Claudie dadalhin ko na po ba ito sa kwarto ninyo?" Lahat ng atensyon nila napunta saamin nang magsalita ang katulong.

Ngayon nasaakin na ang atensiyon nila. "So this is the reason, kaya wala man lang nag-abala sa inyo kahit isa na sunduin ako." Mapait akong ngumiti sa kanila.

Gaya ng mga katulong ganun din ang reaksyon nila. Surprise, surprise is written all over their faces.

"Kelan ka pa nakarating? Hindi namin alam na darating ka anak." Lumapit saakin ang nanay nya at akmang yayakapin ako nang pigilan ko s'ya.

"Hindi nyo alam?" Natawa ako sa sinabi n'ya. "Kayo ang nag insist na umuwi ako, kahit na ayoko. Tapos sasabihin n'yong hindi n'yo alam? Come on! wala na ba kayong ibang maisip na excuse?" Hindi ko mapigilang hindi mag tampo sa sinabi niya.

Bakit Pag tungkol sa'kin ay ang bilis nilang makalimot? Anak din ako!

"Claudie! don't talk to your mother like that, have some respect." Galit na saway saakin ng tatay n'ya.

Nilingon ko s'ya at natawa nanaman. "Mother?! Hindi ko sya nanay, dahil kung anak n'yo ako, sana alam n'yo ang mga nangyayare saakin. Ni minsan hindi nyo ako tinuring na anak. Sumundo nga lang hindi n'yo na magawa eh, kahit ipasundo n'yo lang ako sa driver, pero Hindi n'yo ginawa. Kasi nga wala kayong pakeelam sa akin." Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko sa pagsigaw ko.

"Claudie." 'Di gaya kanina, lumuluha na s'ya ngayon. Ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. "Miss na miss na kita." Lumapit s'ya saakin at yayakapin din sana ako, pero umiwas ako sa kanya.

Tinapunan ko s'ya ng masamang tingin at inirapan. "Alam ko namang ayaw n'yo nang makita ang pagmumukha ko, kaya aakyat na ako. Wag kayong mag-aalala kahit ayoko, papasok ako bukas." Tinalikuran ko na sila at umakyat sa kwarto ko.

Pagkapasok ko pa lang tumambad na saakin  kwarto ko. Pang bata pa ang mga design at gamit dito. As usual , walang nag abalang mag-ayos ng kuwarto ko.

Lumapit ako sa kama at nahiga, pero ilang segundo lang at narinig kong tumunog ang phone ko na nasa loob ng bag ko.

"What?!" Asar kong sinagot ang phone ko, I'm so tired right now.

"Nakauwi ka na ba?" Bumuntong hininga ako, pagkarinig ko pa lang ng boses nya.

"Yeah." Walang gana kong sagot, alam kong alam niya ang nararamdaman ko ngayon.

"Ngayong nakauwi ka na, please Claudie-" Hindi ko na siya pinatapos.

"Marcus I'm tired, can we talk about it next time." At binabaan ko na sya.

Napatakip ako ng unan sa mukha ko sa sobrang frustration. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ko, pero Hindi ko na pinansin 'yon.

"Claudie, here's your uniform for tomorrow. Wag kang mag-alala ako ang mag tu-tour sayo bukas sa school." Tinignan ko s'ya ng salubong ang kilay.

"Can't you see that I'm taking a rest here. Ilapag mo yang hawak mo diyan at lumabas ka na." Nagtalukbong ulit ako ng kumot.

"Okay, alam kong pagod ka. Magpahinga ka na." Malungkot s'yang lumabas ng kwarto ko.

Nakatanggap ako ng text galing kay Marcus at bumuntong-hininga na lang ako.

-Don't forget what you came there for.

Kahit pagod sa biyahe, Hindi ako dinadalaw ng antok, I kept remembering what Marcus texted me.

I did came home for a reason, but I think I can't do it. Lalo na sa nangyare ngayon, Wala silang pakeelam saakin.

Lalo na at nasa tabi nila ang paborito nilang anak, they won't allow their daughter to be in pain. Mag hahalo ang balat at tinalupan pag nasaktan si Claudia, so how can I do it?

I just answered Marcus' text.

-I know

Andito na ako, Wala nang atrasan. Tomorrow will be a new day. I just hope that all the hatred, sadness and loneliness that I'm feeling right now will disappear before the day comes. For once, I want to feel the happiness that I'm longing for.

###

Behind Our MaskWhere stories live. Discover now