"Kanina pa kami dito. Papuntahin mo na si Grey para makita namin." Ang salubong sa'kin ni Lola Tetet.
Sh*t sabi ko na ba. Sumakit yung puso ko. It was like a thousand knives thrown directly aimed at my heart. Pero dapat strong tayo diba? Kaya ngumiti ako, "Nako po, Lola! Nagtatampo na ako ah. Ako yung apo niyo pero iba hinahanap niyo. Busy yun lola, nag-o'OJT siya eh." Break na po kami lola, kaya 'wag mo ng hanapin--yung gusto kong sabihin pero 'di ko masabi. Siguro dahil hindi ko pa kaya at umaasa pa 'ko na babalik siya. A broken hearted girl could only hope diba?
The 3rd day after:
When I got out of the hospital, it didn't hit me yet. Pero kapag mag-isa ako sa kwarto ko, doon ko nararamdaman lahat ng sakit. Doon ako naiiyak ng walang tigil kasi namimiss ko si Grey, na parang kailan lang okay kami, na parang kailan lang masaya kami, na parang kailan lang lagi kaming magkausap kahit na busy siya sa OJT niya. "But nothing lasts forever and nothing stays the same" as my favorite song goes.
May kumatok sa kwarto sabay punas ako agad ng luha, "Ate, punta na daw kila Lola Tita." Sabi ni Jiya, yung bunso sa'ming tatlong magpipinsan sa mother's side. Oo nga pala, birthday ni lola ngayon, 'di ko namalayan yung oras kakaiyak ko. I silently prayed na hindi nila hanapin si Grey ulit.
Nagbihis ako sa pinaka-comfortable na damit na makita sa cabinet ko, which is a plain black shirt and acid washed shorts. I tied my hair into a messy bun, because my hair is only shoulder length some stray hairs are hard to manage so I let it be. At dahil chinita ako 'di gaanong halata yung puffy eyes ko kaya nag-apply nalang ako ng lipstick at nagkilay kasi kilay is life then nagpabango. I wore my wedges para kunwari matangkad ako kasi I'm only 5 flat, 'di ako magmumukhang may agae which is 19.
When we got to lola Tita's house, may mga bisita na which is family din lang. Small celebration lang naman eh. Nandito na yung pinsan ko na si Lei--best friend ko for life kasi sa'ming magpipinsan kami lang talaga yung magkalapit ang age, she's 18 and I'm 19 so magkasundo kami sa maraming bagay and she understands me. Nandito na rin yung mga tito, tita, pati mga lola at lola. May pa-videoke din sila sa front yard, I don't sing kaya I'll try to avoid going there.
Everything was going so well until, "Saan na yung boyfriend mo? Hindi ba pupunta ngayon?" Tanong ni Tita Ren. Bakit ba laging nilang hinahanap si Grey? Ang sakit-sakit na hindi lang ako ang attached sakanya kung 'di pati pamilya ko.
Right then and there gusto ko ng sabihin, "Wala na po yun. Break na kami." Hindi ko alam saan ko nakuha yung lakas para sabihin yun pero ayan na. It's already out there.
Lumingon si Tita Det na kapatid ni mama ko, "Ano? Break na kayo? Hindi ako naniniwala. Imposible, kayo pa. 2 years na nga kayo eh." Aray ko naman. I don't know how I managed to not cry after that blow. "Sus! 'Di naman kayo break eh." Sabi ni Tita Ren. Hindi ko alam kung sinong mas indenial, ako ba o sila.
Tumawa ako, "Joke lang. Hindi lang po talaga kami nag-uusap ngayon, sobrang busy niya po kasi sa OJT niya eh. Priorities muna." Oo, nagsinungaling ako kasi masakit na eh. Ayaw kong umiyak dito. Ayaw kong gawing about sa'kin 'tong celebration na to, birthday 'to kaya dapat masaya lang.
Tita Det looks pleased, "Tama naman yun. Nag-aaral pa rin naman kayo eh. Priorities muna bago ang lahat. Lalo na siya graduating na. Ikaw hanggang 5th year ka pa. Kaya ibalance niyo lang." Tumango ako and ngumiti pero alam kong wala naman nang kailangan ibalance. Puro aral nalang.
Lei was skeptical about my words and she definitely know that there is something going on so I told her everything when we were left alone.
The ninth day after:
I'm trying my best to be okay but it's easier said than done. Buti nalang nandito yung boy best friend ko na si Peter he makes me less lonely. He's helping me to cope up with the situation at hand.
Peter: Kumusta ka na, Kas?
Me: Neutral. I feel empty.
Peter: 'Wag mo na kasi munang isipin.
Me: I'm trying my best. Kinakaya ko naman eh. One day at a time.
Peter: 'Di bale ako na muna mag-aalaga sayo.
Me: Thank you. Alam ko naman na hindi mo 'ko papabayaan.
I'm lucky to have him. Mawala na lahat 'wag lang siya---hindi 'ko alam kung anong gagawin ko kung wala siya to catch me. I would probably be more miserable than I am now. At least, I have Peter na alam kong 'di ako iiwan kahit anong mangyari.
Me: Peter?
Peter: Bakit?
Me: Kung mang-lalake nalang kaya ako para makalimutan ako siya?
Peter: Magiging okay ka ba kapag ginawa mo yan?
Me: I guess so? Hopefully... Sana...
Peter: Ako nalang gawin mong lalake mo.
Hindi ako seryoso dun sa sinabi kong manlalalake ako pero what the actual heck?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: So 'di ko ineexpect na may magbabasa pala nito hahaha. Anyway, Thank you so much. at dahil may nagbabasa pala nito, gagawa na ako ng schedule of updates dahil madami ako time kasi August pa pasok ko.
Updates would be every Sunday and Thursday or kung sinipag ako or inspired any day of the week.
Wag kayong mahiyang magcomment ng suggestions or questions. Feel free din magsabi kung may typo ako or wrong grammar kasi di pa ako mag p'proof read until maka 5 chapters ako. yun lang :)
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK
ChickLit"Hindi ko alam kung binibilang ko yung mga araw na umalis ka sa buhay ko o bininilang ko yung mga araw bago bumalik ka sa'kin."