1

3.1K 32 1
                                    

The night we ended things:

"Friends nalang muna tayo. Sorry kung napagod ako. Kailangan ko muna ng pahinga." Huling chat  sa'kin ni Grey.  Hindi mo na ko tinawag na 'baby' simula ngayong gabi, ang sakit pala. 

Friends? How can you be 'just' friends with the person you dearly love? "If you thinks that's best. wala naman akong say diba?" Kung yun gusto niya, bakit ko pa ipipilit yung sarili ko? Kung sa bawat pilit ko lalo lang kaming masasaktan.

And that was the end of it. Sineen mo nalang ako for the first time simula noong naging tayo, ngayon lang nag-end sa ganito yung pag-uusap natin. It didn't hurt at all and I didn't cry. It's his lost not mine. O baka nagtatapang-tapang lang ako? Wala kasing akong maramdaman parang ang manhid ko. Hindi naman ako galit pero bakit parang hindi masakit? Ang nararamdaman ko lang pagod ako, gusto ko ng matulog. 


The morning after:

The moment I opened my eyes I checked my phone and there was nothing--no text or chat, all of a sudden I felt the rush of pain that I didn't feel last night and before I knew it I was crying. "Wala na nga talaga." Sabi ko sa sarili ko. Ayaw tumigul ng mga luha ko sa pagtulo. Akala ko kasi pag gising ko babawiin mo yung mga sinabi mo at sasabihin mo na mahal mo pa rin ako. Nagkamali ako ng akala kasi ngayon wala ka na talaga. Ano ng gagawin ko ngayong wala ka na?

For more than 2 years I was happy everyday because of you. Nakalimutan ko na yung mga araw na wala ka sa buhay ko. Walang araw na hindi tayo magkausap at halos everyday nagkikita din tayo kahit saglit lang after school. Ngayon kailangan ko na naman mag-umpisa ulit. 

"Bat ka umiiyak?" Tanong ng tita ko. "What happened?"  Siya kasi nagbabantay sakin sa hospital. 

Pinunasan ko yung luha ko, "Masakit mata ko, 'ta. Baka dahil napuyat ako kagabi." Pagsisinungaling ko. Alam kong 'di siya naniniwala pero hinayaan niya nalang. 

"Pupunta daw pala sila Lei dito kasama yung mga lola." Sabi ni Tita ko.  Tumango nalang ako kasi at least madidistract ako sa sakit na nararamdaman ko.

Chineck ko messenger niyo. Online siya pero hindi siya nagchachat; nakakapanibago. Gusto ko siyang ichat. Gusto kong sabihin na 'wag niya akong sukuan kasi ako hindi pa sumusuko. "Ta, punta muna ako sa chapel saglit."

Nagulat siya kasi 'di naman ako pumupunta sa chapel kung hindi Sunday. "Kaya mo na ba? Samahan na kita.

Tumanggi ako, "Ta, kaya ko na lalabas na nga ako sa Tuesday diba. Tsaka dyan lang naman sa baba, may elevator naman." Sabi ko sabay ngiti. Pinayagan naman niya ako.


Pagbaba ko sa chapel ng hospital umupo ako sa pinaka-sulok sa may harapan. Walang masyadong tao kasi kaya ang tahimik tsaka kadalasan sa may bungad lang kasi umuupo yung mga nagdadasal saglit dito. I stared at the altar for an unknown amount of time until I stared crying again.Pinunasan ko ang mga luha ko--naalala ko nanaman si Grey.

I started to pray, "Lord, thank you so much dahil lalabas na ako sa Tuesday. Sobrang thank you dahil gumaling na ako after 2 weeks ko dito." Pumatak nanaman ang mga luha ko. "Lord, ang sakit pala na mawala siya sakin magaling na yung sakit ko pero ngayon puso ko naman yung masakit. Alam ko po na may dahilan bakit kailangan namin mag-hiwalay, kung para naman po sa ikakabuti niya; sino ba naman po ako para humindi?" Yung mga luha ko hindi lang patak, kundi buhos na. "Kahit nasaktan niya ko, Lord, kayo na pong bahala sakanya, 'wag niyo po siyang papabayaan para sakin kasi mahal na mahal ko siya. Hindi ko na po siya maaalagaan kaya ipapaubaya ko na po siya sainyo." Iniyak ko na lahat kasi hindi ako pwedeng umiyak sa harap ng pamilya ako. Ayoko na mag-iba tingin nila kay Grey. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sakanila na after 2 years; nag-hiwalay na kami.

Binuksan ko yung messenger ko at inumpisahan ko mag-type, "Hihintayin ko yung pag-balik mo sakin. Hindi kita susukuan, kahit sumuko ka na. Maghihintay ako...." Pero dinelete ko. Kasi ayaw ko siyang gulohin sa pag-papahinga niya. Baka sa dalawang taon na magkasama kami, pinagod ko siya. Kung dun siya sasaya hahayaan ko siya kahit nasasaktan ako, at least isa man lang sa'min masaya--mas gugustuhin ko na siya nalang yung masaya.



Umakyat na ulit ako sa room ko kasi nandoon na daw yung pinsan ako at sila lola. Every second that passed by, I'm emotionally preparing myself so I could smile like there's nothing wrong. Alam ko din naman na hahanapinin nila si Grey, ayaw kong umiyak sa harapan nilang lahat. Hawak ko na yung doorknob ng kwarto ko at pagbukas ko, "Kanina pa kami dito. Papuntahin mo na si Grey para makita namin." Ang salubong sa'kin ni Lola Tetet. 

Sh*t sabi ko na ba.

HEARTBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon