Me: Kung mang-lalake nalang kaya ako para makalimutan ako siya?
Peter: Magiging okay ka ba kapag ginawa mo yan?
Me: I guess so? Hopefully... Sana...
Peter: Ako nalang gawin mong lalake mo.
Hindi ako seryoso dun sa sinabi kong manlalalake ako pero what the actual heck?
Most probably it as a joke because why would he do that? It's not like that I would want to do that to him. Ayaw kong gawin siyang rebound ko. Best friend ko siya at alam kong on the process of healing pa din siya.
Me: Baliw. Bakit ko naman gagawin sayo yan?
Peter: Para maging okay ka na, ayaw ko na lagi ka nalang malungkot kapag magkausap tayo.
Me: Are you saying na gusto mong gamitin kita? Ayaw kong gawin sayo yan. You deserve so much better.
Peter: Ang sinasabi ko sayo, okay lang. Basta maging okay ka lang...
Me: Peter, no. I won't do that. Mahalaga ka sakin. I won't risk hurting you.
Peter confuses me so much. Ang ibig niya bang sabihin na 'siya nalang gawin kong lalake ko'. Does he mean na he'll let me use him as rebound then in return I'd also be his rebound? That's messed up.
Once upon a time, I had feelings for Peter long before I loved Grey so much. Pero may girlfriend siya that time kaya kinalimutan ko na yung feelings ko para sakanya kasi okay naman sila eh. But I could've sworn to myself na kapag sinabi niya na kami nalang kahit hindi niya ako ligawan, I would say yes. But that was long before I loved Grey. That fact na sinasabi sa'kin ni Peter yun confuses me.
The twelfth day after:
It's 12 midnight, and here I am stalking Grey's Instagram account. His bio used to be "Take the risk or lose the chance. Grey *heart* Kas." but today, my name was no longer there. But you haven't deleted our pictures yet. "Ang saya naman natin dati, so bakit... bakit ka napagod? Saan ako nagkulang? Minahal naman kita higit sa sarili ko." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, naramdaman ko nalang na basa ang mga pisngi ko.
And without thinking it through, I opened or chatbox pero yung secret conversation sa Messenger para pwede may time limit yung message. Yung kapag nabasa mo na, mawawala na.
Me: It's 12 A.M. Pero heto ako, nakatulala, umiiyak, at nag-hihintay. Namimiss ka. Hinihintay ko kung kelan dadating yung araw na sasabihin mo na 'okay na' tayo---na babalik ka na sa'kin. Hinihintay ko yung araw na titigil na yung pagpatak ng mga luha ko. Ang pinaka-hinihintay ko eh yung araw na sasabihin mo sa'kin na mahal mo pa rin ako. Babalik ka pa ba? Kasi nandito ako naghihintay sayo, na kapag bumalik ka tatanggapin kita with my arm wide open and my heart how you left it.
Alam kong tulog ka kaya I grabbed the chance na I message ka para di ako masaktan kung i'seen mo lang ako or kung masakit yung irereply mo. Gusto ko lang ibuhos lahat ng mga hindi ko masabi sayo sa ilang araw na hindi na tayo nag-uusap. Alam ko na baka sabihin mo na hindi ako makaintindi dahil sinabi mong gusto mong magpahinga pero heto ako ginugulo ka. pero 'wag kang mag-alala ito na yung last na gugulohin kita. Sobrang miss na talaga kasi kita eh. Oo na, tanga na ko kung tanga. Gusto na kitang makita ulit kahit for the last time lang. You broke up with me sa chat, can at least have closure with you personally? Oo, excuse ko yun para makasama ka kahit for the last time.
Feeling ko naghahabol ako pero who cares? Magagalit si Peter sa'kin kung nalaman niya 'tong ginawa ko, alam ko naman na mali kasi babae ako pero how can I just let him go so easily without trying. I could only hope na kapag nag-usap kami, baka pwede pang maayos. Kasi for me, he is worth fighting for. He stayed with me during my dark days, he didn't give up on me---he saved me. Kaya ngayon hindi ko din siya kayang sukuan.
Flashback:
"Mas mahal mo ba siya? Bakit' di mo sinabi sa'kin?" Sabay hila ni Grey sa left hand ko at nilapat niya ang palad ko sa mukha niya.
Umiiyak ako. "Sorry, baby. Alam ko na hindi pa tayo noon pero nililigawan mo na ako. I felt the need to tell you. You have to know about my past." Ang sakit para sa'kin na nakikita siyang umiiyak. Para akong dinudurog unti-unti.
Pinunasan ko yung mga luha niya, "Sinagot mo ba 'ko dahil nasaktan ka niya? Mahal mo ba talaga ako, baby?" It felt so long ago kahit that as a month ago lang.
Hindi ako maka-tanggi, "Mahal talaga kita. Siguro noong una hindi, pero out of the choices I made sa buong buhay ko... ikaw yung pinaka-tama." That doesn't cover na naging rebound ko siya pero natutunan ko siyang mahalin. Nafall ako sakanya everyday simula nang naging kami.
Ngumiti siya kahit alam kong nasasaktan siya deep inside, "Baby, past is past. Oo, masakit na doon tayo nag umpisa pero ngayon that I have you I won't give you any reasons to para tumingin sa iba. Alam ko na rebound mo pero papatunayan ko sayo na ako na yung huling lalake na mamahalin mo."
--- End of Flashback ---
I cried my eyes out for I don't know how long until I fell asleep.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: I know hindi pang fairytale yung story ko pero may touch to ng real life events not exactly the same pero basta yun hahaha. Sana magustuhan niyo. Thank you sa pagbabasa. Pavote narin please kung nagustuhan niyo :*
Updates would be every Sunday and Thursday or kung sinipag ako or inspired any day of the week.
Wag kayong mahiyang magcomment ng suggestions or questions. Feel free din magsabi kung may typo ako or wrong grammar kasi di pa ako mag p'proof read until maka 5 chapters ako, yun lang :)
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK
ChickLit"Hindi ko alam kung binibilang ko yung mga araw na umalis ka sa buhay ko o bininilang ko yung mga araw bago bumalik ka sa'kin."