Chapter 6

124 11 3
                                    

Caryl's P.O.V
Inayos ko na yung gamit ko..

Bale isang maleta ang dala ko dahil isang buwan kami dun..

Hindi ko na rin na ichat sila jet anne kasi nagloloko talaga yung messenger ko..

Oo. Nagloloko lang siguro yung messenger ko kaya ganun ayaw magsend..

Yung mga message naman.. siguro may naghack ng acc ko..

Kainis!

Pero bahala na..

Medyo kinakabahan na nga lang ako ngayon..

Kasi iniintay nalang namin yung Van daw na maghahatid samin sa  batangas..

Nang dumating ito..

Tinawag na ko ni mommy..

Nandito kasi ako sa kwarto at dino doble check yung gamit ko baka may naiwan ako..

Nag aayos din kasi ako ng sarili ko..

ang bagong ayos ko..

kung dati mahaba at wavy ang buhok ko.. ngayon straight at mahaba na ang buhok ko..

payat na din ako dahil sa nangyari.. at naka eyeglasses na rin ako.. may napahamak na ko dahil sa lecheng mata na to eh..

And after 123456789 years umalis na kami..

Teka.. ako lang?!?

Pinagtulakan nila ako palabas..

At pinasakay sa van..

Yung gamit ko naman nandun na. Nagpatulong kasi ako kay kuya na dalhin yung gamit ko. Habang nag aayos ako kanina..

Agad nilang sinara ang pinto..

Natataranta na ako.. 

Pupukpukin ko na sana yung pinto ng van kaso baka masira ko pa kaya wag nalang..

Binuksan ko yung bintana..

Agad naman itong bumukas.

"Mommy! A-anong nangyayari? B-bakit--"

Natigil ako sa pagsigaw ng sumarado na ang bintana..

Naramdaman kong umaandar na yung Van.

Napabuntong hininga nalang ako at wala ng nagawa..

Di naman siguro ako kinidnap nuh.

"Tss! Nainform ka ba?"
Masungit na sabi nung lalaki sa tabi ko.

Tinignan ko naman siya.

Teka parang pamilyar siya.

"Hi ate!! Ano pangalan mo?" Isang babae ang kumalabit sakin..

Tinignan ko naman siya..

Mahaba ang kulot niyang buhok..  maganda din ang hairstyle niya.

Makapag paipit nga mamaya.

"Caryl, ikaw?"

"Realyn!! At siya naman si Charlyn" hyper niya ah..

Tinuro niya yung katabi niyang babae na maikli ang buhok.

Nginitian naman ako ni Charlyn.

Kumaway nalang ako.

"Saan ka nag aaral?"

Parang bata naman to.

"Catmon Academy"

Luminga linga ako sa paligid.

Palabas palang kami ng subdivision namin..

"Realyn. San ba tayo pupunta?"
Tanong ko dun sa parang bata na mahaba ang buhok.

THS 2: The Deadly GameWhere stories live. Discover now