Caryl's P.O.V
Ang boring ng buong araw..Bakasyon na namin..
Ang bilis ng panahon..
Pero hindi parin kami nakakalimot sa nangyari noon..
Sa ngayon salamat naman at walang nangyayaring masama sa amin ngayon..
Sana talaga..
Kasi hindi ko na kakayanin pa kung meron na naman pag subok samin..
Ayoko na..
Maswerte nalang kami dahil lagi lagi naming nalalagpasan lahat ng pagsubok..
Bukas bibisitahin namin si lola pauline sa kulungan..
Totoo ngang manghuhula at mangkukulam siya..
Pinaglaruan din niya ang mga kaklase naming namayapa..
Nabuhay bigla sila Junnet..
Pero alam kong mabait siya..
Mabait si lola pauline at alam kong may rason siya kung bakit niya ginagawa lahat ng yun..
"Sanse! Sanse!" Lumapit sakin yung bunso kong kapatid na si Alex
"Oww?"
"Tignan mo tong nilalaro ko. Ang ganda. Laro tayo!"
"Nako ayoko makipag laro"
"Tignan mo na daliii"
"Arghh! Akin na nga!"
Pag tingin ko sa laro..
Para siyang challenge na kailangan makadaan ka sa Obstacle Course na ito...
Amazing Run tawag sa laro na to.
Yung kailangan makadaan ka sa parang punching bag na gumagalaw pag natamaan ka nito mahuhulog ka sa swimming pool or putikan.. o kaya naman dadaan ka tapos may biglang babagsak na bagay.. basta kailangan mo malagpasan lahat ng pagsubok dun. Hanggang sa makarating ka ng finish line..
Woah! Astig naman ng game na to..
Kaso ang hirap naman..
What if kami yung nandun?
Sobrang hirap siguro nun..
Eh lagyan natin ng twist?
Yung puro nakakamatay yung nandito..
Yung puro kutsilyo hahaha charot.
"Oh ayan na!" Binigay ko na sa kapatid ko yung phone niya..
Mga bata ngayon naka iphone na..
Kami noon yung cellphone na plastik lang..
Yung tumutunog ng.. "i'm a barbie girl.. in the barbie world~~"
*Kring.. Kringgg
O yan tuloy may tumawag..
Pumunta ako sa may table namin kung saan nandoon yung cellphone ko..
"Hello?"
Wala naman eh..
"Hello? Sino to?"
"Isa ka ba sa mga taong bored na bored ngayong summer?"
"Opo. Bakit po?"
"Meron kaming Free Summer Class. Kung saan hindi lang kayo mag aaral. Kundi marami kayong activities na gagawin at may mga sports pa! It's Free kaya Register now!"
"Omg! Pwede po mag aya?"
"Oo naman. The More the Merrier. Actually lahat kayo pwede.. pwede mong ayain yung mga kaklase mo dito.."
"Talaga po? How to register?"
"I'll send you details nalang. Thank you"
"Ok po. Teka pano niyo nalaman yung number--"
Toot* toot* toot*
Ayt pinatay..
Ok na nga yun..
Papaalam nalang ako kay mommy then aayain ko yung mga kaklase ko..
***
Nagpaalam ako kay mommy na papasok ako sa free summer class na yun..Buti nalang pumayag siya. Kasi wala naman daw ako gagawin buong summer eh.
Inopen ko naman ung messenger ko para ichat yung mga kaklase ko..
Pero nagulat ako nang nagtanong na sila tungkol dun..
Ibig sabihin hindi lang ako ang tinawagan..
Group Chat
Keziah: Guys may tumawag rin ba sa inyo na tungkol sa 'Free Summer Class' thingy?
Jet Anne: Ay oo bhe! May tumawag din sakin. Kayo ba?
Grace: Meron din
Maricar: ako din. Tara guys! Sali tayo?
Danica: Go ako
Nicole: G ako
Micha: ako rin
Elaine: about saan ba yan?
Mhizzi: about summer class. Sports ganurn. G. ako
Me: guys! It's weird kasi pano nila nalaman yung number natin
Nicole: ano ka ba Caryl. Wag kang nega. Go nlng tayo oh. Kesa nmn mabored tayo buong summer ;)
Jet anne: oo nga bhe. Tsaka kasama mo naman kmi.
Keziah: paregister na tayo guys
Sure ba kami dyan?
Parang kinakabahan na nmn ako..
YOU ARE READING
THS 2: The Deadly Game
Mystery / ThrillerHanda ka na ba sa panibagong pagsubok sainyo? Sino uunahin mong iligtas? Sarili mo o ang iba? Sino nga ba ang makakaligtas? Sino ang matitira? -THE DEADLY GAME- Sequel of The Haunted School By: Kitty_Pink02