Una
Ito'y nagsimula sa simpleng pagbati ko nung iyong kaarawan,
Hindi ko naman inaasahan na mauuwi ito sa araw-araw nating kamustahan,
Lubos akong nasiyahan! 😊Dalawa
Mula sa chat ay ika'y aking nakita.
Akala ko ay hindi ko kayang makausap ka,
Pero tatlong oras kitang nakasama. 😂Tatlo
Nasundan pa itong pagkikita,
Ngayon, hindi na ako nahihiya.
Ako'y mas kumportable na.Apat
Marami ka na ding nakwento,
Pamilya, opisina, pati na lovelife mo.
Bawat saya at pagdradrama mo ay ramdam ko.Lima
Bukod saiyong mga kwentong madrama,
Nakikinig ka rin sa mga kwento kong walang kwenta.
Nakakatuwa dahil kaibigan na kita.Anim
"Bes" ang tawag natin sa isa't isa.
Pagkakaibigan lang naman sana,
Ngunit bakit parang gusto na kita?Pito
Palagi akong nagrereklamo sa mga kaibigan ko,
Na nasasaktan na ako sa mga kwentong chicks mo,
Ngunit wala pala akong karapatan dahil ano nga ba ako sayo?Walo
Ilang beses ko nang plinano,
Kako "lulubayan ko na itong llakeng ito"
Pero heto parin ako.Siyam
Gulong-gulo, Litong-lito.
Ititigil ko na ba ang kalokohang ito?
Pagkakaibigan ba o puso ang papairalin ko?Sampu
Ika-sampung buwan na mula nung una nakausap kita.
Ngayon, ako'y pipili na.
Kakalimutan ko na ang aking nadarama..."Bes" pinipili kita.
YOU ARE READING
Always Unrequited
De TodoJust me writing random stories and letters. Just me loving. Just me waiting for him to like me back.