Prom Night

58 2 0
                                    

Chapter 4

Mag-a-alas otso na, magsta-start na ang grand entrance with the escort.

"Si Kiera na ba yan? She's extremely gorgeous today." Narininig kong sabi ni Lance, ang outgoing student council president namin habang papila kami for the entourage. Hindi ko naiwasang mag-blush sa sinabi ng idol ko.

"Oh, binola ka lang, bigay ka na agad." Saad ng impaktong katabi ko.

"Grr. Aren't you supposed to be the perfect gentleman? Hindi ko kasalanan na hindi mo type ang mga babae. Obvious naman na lalake ang gusto mo. Hmm, let me guess, si Louie noh?" Inis kong balik sa kanya though in a very low voice.

"I haven't known that you're a keen observer. Pakilala mo naman ako sa mga gwapo mong friends." Pang-aasar ni Jake.

"Whatever." Yan na lang ang nasabi ko.

"Kiera." Boses ni Devon.

Tumalikod ako to see him. Akbay niya si Karen. They look so good together. Naka-white na Tuxedo si Devon with black pants. He has his glasses on pa rin pero hindi naman nakaapekto sa kagwapuhan niya. In fact, bagay na bagay sa kanyang look today 'yong glasses nya. Para na tuloy syang si Kyouya Ootori of Ouran High (If you're wondering kung sino yan. Anime character yan sya). Nakakalaglag undies naman to oh (Oops! Idiomatic expression lang yan na equivalent sa super gwapo. Baka isipin nyo na manyak ako.)

"Umayos ka." Mahinang siko ni Jake.

"Ah. Hi Devon. Hi Karen." Medyo nahihiya kong sabi."By the way, meet Jake dela Fuente." I pointed at my escort." Jake, these are my friends, Karen Rivera, you know her, right?"

Tumango naman si Jake but as if avoiding to have an eye contact with my two friends.

"And her escort is Devon Gonzales. 'Yong kasama ko sa MTAP if you remembered?" Dugtong ko.

"Kiera, it's okay. Karen, Jake and I basically know each other since grade school pa." Sabat ni Devon.

"Really?" Tingin ako kay Jake para humingi ng kompirmasyon sa sinabi ni Devon.

"Yes, Kiera." 'Yon lang ang tugon ng escort ko.

"Okay. Wow, this is good news I guess." I said absent-mindedly. 'Hmm, I can sense that something is fishy here.' I said to my self.

"Stop your chitchats my beautiful and handsome ladies and gentlemen. We are about to start the program." Halos pasigaw na pahayag ng teacher coordinator namin.

Agad-agad kaming pumunta sa pila at naghanda na para sa grand entrance.

Lord Lance and Lady Grace...

Natapos na ang Seniors so Juniors na.

Lord Arthur and Lady Maggie...

Lord Devon and Lady Karen...

Medyo lumakas ang palakpakan ng mga tao pagkatawag sa kanila. (Sa isip ko ay talagang match made in heaven sila. I repeat, 'They look so good together.')

Lord Jhon and Lady Jane...

Lord Jake and Lady Kiera

"Ang pogi ng lalaki." A senior student commented.

"Oo nga, ang gwapo niya. Ngayon ko lang sya nakita." Another one said.

"Hindi sya taga-dito. He is Jake dela Fuente of Jose Rizal School. Ang super gwapong heartthrob nila!" Halos tumili na 'yong isa pang babae sa pahayag niya.

"I thought he is not available today? How come he is with Kiera?" Medyo puno ng selos na pahayag ng isa pang babae.

"Bagay din naman sila ah. Ang ganda nga rin ni Kiera." Saad ni Lance sa mga kaklaseng babae na kulang na lang lumabas na ang mga mata sa katititig kay Jake.

"Wow Jake. Infairness, ang landi mo pala." Di ko napigilang magkomento sa katabi.

"Shut up Kiera. Just be happy that I'm escorting you and not them." He said.

May idudugtong pa sana ako pero nanahimik na lang ako kasi parang malalim ang iniisip nya. Well, bahala sya sa buhay nya. I might just as well enjoy the devious looks of his fans club here.

Fastforward

Natapos na ang kainan kaya ibig sabihin ay sayawan na. Ayaw ko namang magmukhang wildflower so pumayag na rin ako nang mag-aya si Jake na sumayaw. Afterall, sya dapat first dance ko kasi sya escort ko. Buti na lang at naka-heels ako. Hindi kami masyadong awkward tingnan. Jake stands at around 5' 9". Of course, compared to me ay matangkad talaga sya. Ang dance song ay medyo slow beat and most of the time ay kailangan kong tingnan ang mukha nya (Hindi ako nagchachancing. Kailangan lang kasi partner kami.)

Anyway, weird, everytime I look at him ay parang nahihiya ako. Tama nga siguro 'yong mga sinabi ng mga maharut na seniors kanina. Ang gwapo ni Jake pag wala syang masamang sinasabi. (Tsk.tsk. Ano ba naman to? Cookie Monster, ikaw ba yan? Uy, may nakarelate?)

Tapos na ang song. Hudyat na ng change partners pero bago pa man ako naipamigay ni Jake sa iba ay nag-excuse na muna ako para pumunta ng CR. Ang hirap din pala magheels nang matagal.

Nang matapos na akong mag-CR ay naupo na lang ako at tiningnan ang mga nagsasayawang magkapares. Maya't maya ay nakita ko si Jake at Karen. Sila na ang magkahawak kamay. Normally, wala naman akong pakialam sa buhay ng ibang tao pero sa isang banda ay hindi naman sila ibang tao sa akin. Hmm, parang ang higpit ng pagkakahawak ni Jake kay Karen. Hmm, OMG, it's not difficult to see that that monster is in love with my friend, Karen. Ito ba 'yong rason kung bakit iba 'yong atmosphere kanina nang ipinakilala ko silang tatlo sa isa't isa? At ibig sabihin ba nito ay may love triangle ang tatlo? Ooh, I guess I'm smart enough to know that the answer to my last question is yes. Geez, alam kong crush ko si Devon but I'm really rooting for him para kay Karen. At least alam ko na mabait sya di tulad ni Jake Damulag.

"And now, ladies and gentlemen, may I have your attention?" Ayon sa voice over (VO). At dahil dito ay  naputol na rin ang kung anumang iniisip ko kanina. "The votes have been cast for the new Prom King and Queen. For the Prom King, he garnered a total of 160 votes out of 200, please come and take your crown Lord Devon Gonzales." Patuloy pa ng VO.

Maingay ang crowd pagkatawag sa pangalan ni Devon. Napakalakas ng palakpakan. Actually, obvious naman na sya ang magiging Prom King. Nakipalakpak na rin ako. Hmm, ang swerte nga naman ng taong magugustuhan nya.

"For our Prom Queen. Medyo tight ang competition but our crowd favorite tonight garnered a total of 101 votes out of 200. She's no other than Lady Kiera Anne Laurente." Saad na naman ng VO.

"Wohoo. Go Kiera!" Mas umingay ang crowd pagkatapos i-announce ang prom queen.

Medyo na-shock pa ako. I was really expecting that it would be Karen.

"Tawag ka. Halika, i.escort na kita paakyat ng stage." Boses ni Jake.

Kahit medyo nagulat pa ako ay inakbayan ko na lang si Jake para ihatid ako sa entablado. Aside sa announcement ay medyo nagulat din ako na nasa likuran ko na pala ang escort ko.

Medyo mabilis ang mga pangyayari nang makarating na ako sa tabi ni Devon. Binigyan ako ng crown, scepter at tsaka kapa. After a while ay pinababa kami ulit ng Prom King para sa Royal dance.

"You look so beautiful Kiera. Bagay sayo ang crown mo. Mas tumangkad ka." Sabi ni Devon with his sweetest smile.

Naman oh. 'Don't give me that face at baka hindi na kita ipagtulakan kay Karen' ang sabi ko sa sarili ko. "Dapat pala ay magtiara na lang ako every time para maganda at matangkad ako." Sabi ko kay Devon to ease the tension that I fetl inside.

Devon by the way is standing at 5' 8".

"Hahaha." Tumawa nang mahina si Devon. "You really know how to make me smile. But trutfully you have to know that you're the prettiest with or without the crown." Sabi ni Devon sabay yakap sa akin dahil medyo slow beat na naman 'yong music.

Hindi na ako nakapagsalita pa ulit kasi speechless din ako. My heart is beating so fast. Pero why do I feel na hindi lang ako kundi pati rin sya. Afterall, my ears are near his heart dahil nga medyo magkayakap 'yong position namin because of the dance. Whatever, I might just be imagining things but for sure I won't be able to sleep well later.

------------------------------------------------------------------------------

Hate, Kiss, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon